Chapter 52 jan ka lang!

1K 20 23
                                    

Reign’s POV

Ako na ang kinikilig!! Hahaha.. Ramdam niyo ba yung kilig ko? Eeeh!!!! As in kilig na kilig na kilig na kilig na kilig na---OK! OA na ako..hahaha.. keber!

Lutang ako sa buong klase..heheh..kinikilig kasi talaga ako..ung hindi mo inaasahan na gagawin ng isang Clyde.. may pasurprise surprise na siyang nalalaman ngayon..hehehe..parang kelan lang halos gilitan na niya ako ng leeg..ngayon..kulang nalang itali niya ako sakniya..hehehe..

After ng class ko, lumabas naman na ako. Tinext ko lang sila mich na sa canteen na lang kami magkita-kita..gutom na rin ako…

Pagkalabas ko ng pintuan hawak ko parin ang phone ko at tinetext ko sila mich ng bigla akong nauntog sa pader..

“ARAY!” sakit!! L ang bango nung pader in all fairness.. napasinghot tuloy ako..

“bango naman..hmmm” sabi ko sa sarili ko habang inaamoy amoy ung pader at nakapikit..

^____^

“mabango ba?”

“oo..ang bang----” napatigil ako.. nagsasalita ung pader???

Dumilat ako.. O_O

“Clyde?!”

“ ^____^ di mo naman sinabi gustong gusto mo pala akong amuyin” sabi niya..

“gustong gusto ka jan! hindi ah! Akala ko kasi pader ka..” eh sa akala ko talaga pader siya eh..

“sa gwapo kong to pagkakamalan mo akong pader?”

“hindi.. sa tigas mong yan parang pader..tabi nga..” sabi ko sabay tulak sakaniya at naglakad na ako papuntang canteen..

Naramdaman ko naman na sumunod siya at maya-maya sabay na kaming naglalakad ..

“alam mo..matigas talaga ang katawan ko..puro muscles kasi ako eh.. ^_____^” tinignan ko lang siya ng masama.. tapos taas baba ko siya tinignan..

“muscles?..buto’t balat ka nga eh..puro ka buto kaya matigas!” sabi ko..

Argh!! Oo na! siya na macho! Siya na hot! Kailangan ipagyabang? Kainis!

Paano ba ako nagkaron ng manliligaw na tulad neto? Bat ko ba nagustuhan? Kainis!

Binilisan ko nalang sa paglalakad ng bigla na lang..

“araaay!!!”

Natapilok ako..buti nalang nasalo ako ni…….

“Jean?” ako

“ok ka lang?” tanung niya sakin tapos inalalayan akong tumayo ng maayos..sasagot na sana ako ng bigla na lang may bumuhat sakin na parang pangbagong kasal..napasigaw tuloy ako.

“ay!!”

“ako na bahala sakaniya pare..sige..” sabi ni clyde sabay lakad.. di na tuloy ako nakapagthank you kay Jean, nagwave nalang ako sakniya..

“ano ba? Ibaba mo nga ako?”

“bakit? Kaya mo ba maglakad?”

“oo noh! Di naman ako baldado eh,natapilok lang kaya ako! Ibaba mo na ako.”

Binaba naman niya ako sa may bench na malapit..

Pagkaupo ko pumunta siya sa harap ko.. at lumuhod..

Nagulat ako kasi bigla niyang kinuha ung paa ko tapos tinanggal ung heels ko at yumuko siya at hinilot niya ung paa ko..

“next time kasi wag kang magsusuot ng ganito kataas na sapatos ng hindi ako nagseselos ng wala sa oras..” sabi niya..

The more you hate, The more you love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon