#21- Break-up?! O__o

458 27 9
                                    

Okay! Here it is! :)

I dedicate this to @ella11 dahil nakita ko din sya sa Who's Reading. :) THANK YOU!

Enjoy!

~♥HJH

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

#21

-RIO'S POV-

Pauwi na ko  nang nakita ko syang tumakbo palabas ng condo building na tinutuluyan namin ni Gio.

Kaya ipinihit ko ang manibela sa pupuntahan nya.

Tumaktakbo pa din sya. Ako naman mabagal ang takbo ng kotse ko para sundan sya.

Sh*t, basang-basa na sya.

I can't help thinking kung ano bang nangyari...

Tumigil sya sa wakas sa playground malapit sa street namin.

Nag-park ako sa di-kalayuan at kinuha ang payong at lumabas ng kotse.

Habang palapit ako ng palapit ay naririnig ko ang pag-iyak nya...

Naiyak sya... Ewan ko kung bakit...

Pero mas lalo kong ginustong samahan sya, kaya lumapit ako at pinayungan sya.

"Reina Diamond Sy." Mahinang sabi ko.

Nag-angat sya ng tingin sakin.

Umiiyak sya...

Hindi ko na naman alam kung bakit...

Pero gustong magalit at itanong kung si Gio ang may-gawa...

Parang gusto kong sugurin ang kaibigan ko dahil naiyak ngayon ang...

Ang babaeng ito.

"Ri-Rio..." Tapos napahagulhol sya at yumakap bigla saken...

Eto akong si tanga... Niyakap ko din sya.

F*ck! Bakit nararamdaman ko 'to sa kanya?!

Matagal-tagal din bago sya tumahan at bumitaw sakin.

Parang ayoko... pero ginawa ko.

Tinitigan ko sya. Maganda talaga sya. Mabait. Matalino. Talented. Masayahin.

Hindi ko alam kung anong katangahan ang ginawa ko at nakipag-pustahan pa ko kay Gio para mapasagot sya.

Gusto ko ba sya?

Siguro. Mula pa nung mag-audition sya sa Dance Troupe.

Isa ako dun sa mga nakatambay sa Dance Hall nun at pinapanood ang mga nago-audition.

Bakit ba hindi ko pinakilala ang sarili ko sa kanya nun?

Dahil tinamaan ako ng pagka-masungit ko?

Nung araw na magpakilala ko sa kanya at nakilala nya ng official ang buong Basketball Team...

Yun yung unang beses na ngumiti ako sa isang bagong kakilalang babae.

Ngumiti ako. Pero hindi nila alam.

At simula non, tuwing lunch. Lahat sila magsisibilihan ng pagkain. Alam kong maiiwan si Reina, kaya nagpapaiwan din ako.

Kinakausap nya ko, pero nagsusuplado ako.

Para lang hindi nya mahalata na sya ang dahilan kung bakit nagpapaiwan ako lagi.

"Salamat, Rio..."

Parang nawalang parang bula ang mga iniisip ko nung magsalita sya.

Tinignan ko sya, nakangiti sya sakin. Napangiti din ako.

School of Vague [Xander Vox University]Where stories live. Discover now