#24- FFGG returns!

430 29 15
                                    

Okay! Tapos na ko sa side stories.

Nawala sina Mhia at Gin kaya dito ko na lang sila isisingit, ha?! SORRY ^___^v

~♥HJH

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

#24

-MHIA'S POV-

Nakakaloka naman!

Nakita ko yung 'So-called' Fabulous, Famous and Gorgeous Gals.

Ang yayabang talaga nila.

Feeling nila pagmamay-ari nila ang buong school kung makalakad sila sa hallways and corridors.

Eh, si Gio-oppa naman ang may-ari ng school na 'to, 'no. Tss.

Mga wanna be lang sila na nagkakandarapa sa heart throbs ng school lalo na kina Gio-oppa at Jasper. -,-

"Aray!"

Napatingin ako sa lalaking sumigaw.

Nakaupo na sya sa semento.

Mukhang tumama yata sya sa locker ko.

WAIT! Si...

"Ouch... Ang sakit nun, ha. Tsk, tsk."

Sabay himas ni Gin sa ulo nya.

"So-sorry!" Sinara ko yung locker ko at nilapitan sya.

Ngumiti naman si Gin sa akin. "Okay lang. My fault. Inaantok pa kasi ako kaya di ko napansin yung locker mo." --Gin ^_^

Ang cute nya! Ang cute ng singkit na singkit nyang mga mata!

Bukod kay Gio-oppa, si Gin ang crush ko sa campus.

Mukha kasi syang mabait at makulit.

Pati tuwing nanonood ako ng games at practices nila, lagi syang inaasar pero ang cute nya at di sya napipikon.

Tinatawanan nga lang nya ang mga ka-team nya.

Bago pa ko lumipad sa dreamland, napansin kong tumayo si Gin at tinignan ang mga hawak ko.

"Kaya mo ba yan lahat?"

"H-ha?"

"Ayan."

Tinuro nya ang mga hawak kong libro.

"Ang kakapal ng mga yan, ah. Mukhang mabigat. Hm... Akin na nga."

Tapos kinuha nya yung mga libro sa kamay ko.

"Ang bigat, ah. Dapat ang hindi ka nagbubuhat ng mga ganito." --Gin ^_^

Kyaaaaaaaa!!! Sipain nyo ko kung nananaginip!

Pero wag sa mukha, ha! ^____^v

"Sa-salamat..." --Ako ^////^

"Wala 'to. Sang room ka? Hatid na kita."

Napatitig ako sa mukha nyang... pogiiiiiii!!!!!!

Naka-smile yung mga mata nya!!!

"Miss?" Nawala na naman ako sa dreamland dahil kumaway-kaway sya sa harap ng mukha ko.

"H-h-ha?! A-ah... Class 3-BD..." Mahinang sabi ko.

"Ah. Kaklase mo pala si Reina." --Gin :)

"Uh.. Oo..." Tapos naglakad na kami.

"Ano nga palang pangalan mo?" --Gin ^_^

"Uhm... Mhia... Mhia Panganiban."

"Cute name! Bagay sa'yo!" --Gin

School of Vague [Xander Vox University]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum