Chappie 12: Textmates?

557 13 2
                                    

Dedicated sa aking Partner in Crime ..May cameo ka dito .. uahaha

***********

Tingnan niyo yung slideshow sa gilid. Si Harvey na pinipilit si Ysha na makuha yung bagong number ni Hanna .. hehe .. Isipin niyo na lang sa park yung settings.. XD

************

Chapter 12: Textmates?

Harvey's POV

"Ysha. Ysha"

Di niya ko nililingon .. Di siguro ako nakilala. Bakit ba takbo ng takbo yon ?  ohh.. Nadapa siya... Mabuti para maabutan ko siya .. haha ..

Waaaahhh.. huhuhhuhuhuhuhuhu .. iyak niya..

Lumapit ako sa kanya. Di niya ata ako nakilala kasi puro luha yung mata.

"Ysha. Ok ka lang?" tanong ko sa kanya pero di siya sumasagot. "Hoy. Ysha. Hoy." Hininto na niya ang pag iyak tapos pinunasan niya yung luha niya. 

"Ha-Harvey?" nagtatakang tawag niya sa pangalan ko.

"Oo .. Ysha ako nga."

"Isa ka rin e .. Lumayas ka nga sa harap ko. Peste ka. Magsama kayo ng lintek mong kaibigan."

"Ha.?"

"Pareho lang kayo. Ansama niyo.. huhuhuhu.."

"Ah. e Ysha. Mag usap muna tayo ng maayos. Tumayo ka jan."

"Ah .. Sige na nga."

Tumayo na kami tapos pumunta kami sa may malapit na upuan.

"Bakit ka ba umiiyak?"

"Wala. Wala. PAki mo ba?"

"tch. Damot."

"He. E bakit ba gusto mo kong makausap ah .. Galit ako sayo . Ikaw may kasalanan ng lahat."

"Alam ko. Kaya nga kelangan ko ng ayusin to e."

"Eh? What do you mean?"

"Kamusta si Hanna?"

"Patay na."

"Baliw ka ba. Wag kang magbiro ng ganyan."

"Totoo naman e. Patay na ang puso niya."

"????"

"Pinatay mo puso niya. Ayun tuloy laging nagmumokmok sa bahay nila."

"Baduy mo."

"Che. Bakit nga gusto mo kong makausap?"

"Nagpalit na ba ng cellphone number si Hanna?"

"Oo. Paki mo?"

"Pengeng number niya."

"Utot mo."

"Dali na."

"Bakit? PAra saktan mo ulit siya?"

"Para maayos ko na ang lahat."

"Weh??"

"Oo nga."

Yan para lang kaming tangang nag uusap. Pero di nagtagal binigay niya rin saken yung bagong number ni Hanna. Sabi rin netong kaibigan niya. Malapit na daw ikasal si Hanna. Nakaayos na daw kasi yung Fixed Marriage niya. Pareho pala kami ng kapalaran. Pero malas lang kasi di naman namin kilala pareho kung sino papakasalan namin. ay. Ako lang pala ang may di alam . Ewan ko kung nakilala na niya papakasalan niya. Haixt. Buhay .. Bat ganyan ka..? Kainis.

Let's Pretend Baby ♥Where stories live. Discover now