Chappie 9 *TAYO na lang*

556 16 8
                                    

Hanna's POV

Sinag ng araw mula sa bintana ang gumising saken.. hhmm.. Sinag ng araw mula sa bintana ? E alam ko nakasara yungbintana ko lagi kaya di yun napapasukan ng sinag ng araw .. Napatayo tuloy ako mula sa kama .. OMG .. Kaninong kwarto to? Anong nangyaree? Bakit iba na ang damit ko at panlalaki pa ..? Don't Tell me .. NOOOOOOOOOOOO .. Okay .. eksaherada na ko .. wew

May nagbubukas ng pinto .. Dub. Dub. Dub. Dub. Kinakabahan ako. Natatakot akong makita kung sino ang tao na magbubukas ng pinto kaya nagtago ako sa ilalim ng kama. Baliw - baliwan ata ang peg ko e. XD

"Hanna.. Asan ka?"  sigaw nung lalaki .. 

Hhhmm.. Pamilyar ang boses .. 

"JC?" tanong ko tapos lumabas na ako galing sa ilalim ng kama. 

"Oh. Anong ginagawa mo jan sa ilalim ng kama?" JC

"Ah. Eh. Ano kasi .. ahm. Hinahanap ko kasi yung cellphone ko e .. Oo .. hinahanap ko yung cellphone ko .. hahaha"

"Ganun ba. Anjan sa tabi ng lampshade yung bag mo oh. Di mo ba napansin."

"Ay. oo nga .. Lumalabo na mata ko ah. Kelangan ko na atang magpasalamin .. hahaha"

"HAHAHAHA .. Mukha nga .. Oh siya .. Tara na sa baba at mag breakfast ka na."

"Ah. JC .. Pwede magtanong..?"

"Nagtatanong ka na nga e."

"haha. Ano kasi ahm .. Bakit ako nandito sa bahay niyo?"

"Di mo naaalala?"

"Hindi .. Kaya nga ko nagtatanong eh."

"Hinimatay ka kasi kahapon sa kalsada habang umuulan .."

Oo nga pala.. Hinimatay nga pala ako kahapon .. :'( naalala ko na naman tuloy yung nakita ko na may kahalikan si Bunch ko na ibang babae .. Ang sakeeet.. Ang sakeeet. Saket .. Ikaw ba naman pagtaksilan sa monthsarry niyo pa mismo .. Keri mo ba yun ?? uahahaha .. TUMULO tuloy ang LUHA ko..

"Bat ka umiiyak?" JC

Sa sobrang lungkot ko nayakap ko si JC at pinagpapalo ko siya .. Sa kanya ko nilabas lahat ng sama ng loob ko.

"Bakit niya ba ako niloko sa mismong monthsary namin? Sino ba yung babaeng yon.? Bakit ba sila naghahalikan? Bakit niya ko niloko? Bakit ba ko naniwala na mahal niya ko? Bakit kasi siya pa ang minahal ko?"

"Hanna.. Tama na..!"

"Hindi. JC. Hindi mo alam kung ano yung nararamdaman ko. Hindi mo alam na masakit na magmahal sa taong di ka naman pala mahal."

"Alam ko."

"Alam mo? Wala kang alam. Di mo ko maiintindihan."

"ALam ko kasi mahal kita. Alam ko kasi mahal ko ang tulad mo na di naman ako kayang mahalin .."

Nakita kong may tumulong luha sa mata niya. Naawa ako sa kanya pero di ko alam ang gagawin ko kaya nakinig na lang ako sa kanya.

"Mahal kita Hanna. Kung ako na lang sana yung mahal mo e di hindi ka na sana masasaktan."

"JC."

"Hanna .. Alam kong si Harvey ang mahal mo. Pero pwede bang tayo na lang.?"

"Sorry JC. Sorry. Di ko kayang turuan ang puso ko."

"OK. Pero sana di maapektuhan ang friendship natin dahil sa nangyari ngayon."

Nagsmile siya tapos lumabas na ng kwarto .. Napa upo ako sa kama at umiyak. Umiyak ng umiyak ng umiyak .. Tapos nung huminto na ko sa pag iyak lumabas na ako ng guess room nila JC. Andun pala si Kuya at dala niya yung uniform ko. Dun na rin ako naghanda papasok ng school kahit awkward .. Hinatid na rin ako ni Kuya sa school .. Katabi ko sa car si JC pero di kami nag uusap. Si Ate Clarisse naman ang katabi ni Kuya Lester.

 ***********************

Sa School ..

 Harvey's POV

Asan na ba yung babaeng yun .. Mali naman yung pagkakaintindi niya sa mga nangyari kahapon e. Si Mhira kasi yung ex girlfriend ko gustong makipagbalikan .. tapos bigla na lang niya akong hinalikan.. Siyempre kahit papaano e first love ko yun at pangit yung break up namin kaya nadala ako sa halikan namin .. Tama na nga .. Move on na ko sa kanya ng 80 % e. Si Hanna na ang mahal ko ngayon. At meron pa kong kelangan sabihin sa kanya.

Nakita kong magkasama si JC at Hanna. Ewan ko ba .. Bigla na lang gusto kong sapakin si JC. Pero mukhang di naman sila nag uusap e .. Tawagin ko na nga lang siya.

"Hanna." sigaw ko

Di niya ako pinansin kaya hinabol ko siya. Hinawakan ko yung kamay niya pero umepal naman to si JC.

"Pare. Wag na." JC

"Teka nga. Hayaan mo ko. Girlfriend ko siya."

"Girlfriend? Sa nangyari kahapon ? Girlfriend mo pa rin ako ? So ilan pala ang girlfriend mo? Isa, dalawa, tatlo o baka mas marami pa?" Hanna

"Bunch.! Let me explain."

"WAg mo na akong tawaging ganyan. SA nangyari kahapon di na kita mapapatawad. Pero sige mag explain ka . Para kahit papaano e paniwalain ko ang sarili ko na wala lang yung kahapon." 

Nakita kong may tumulong luha sa mata niya.

 "Iwan mo muna kami . JC" 

"Ayoko."

"Sige na JC . Iwan mo muna kami." sabi ni Hanna

Umakyat kami sa rooftop.. Sinabi ko sa kanya lahat pero mukhang medyo ayaw niyang maniwala .. Nung sinabi ko na sa kanya yung kelangan kong sabihin about sa napag usapan namin ng daddy ko kagabi ay napaiyak siya. Humagulgol pa nga e.

Narinig ko lang na sabi niya ay...

"BAHALA KA SA BUHAY MO. TUTAL DI NA RIN NAMAN TAYO" tapos tumakbo na siya.

Bakit di niya ko pinigilan.? Bakit BREAK na kami agad? Bakit?

***** End of Chapter 9 *****

Ano kaya ang napag usapan ni Harvey at ng daddy niya kagabi?

Bakit nalungkot si Harvey ng di siya pigilan ni Hanna? E saan nga ba dapat pigilan ni Hanna si Harvey? 

EWAN .. PAti ang author nalilito na rin .. XD

(A/N: Sorry kung may typo.. Gawa yan ng pagmamadali ko para makapag UD ngayong Thursday .. As promise .. XD

VOTE AND LIKE .. PAra kasing feeling ko e wala namang nagbabasa nito .. Ano pang sense ng pag UPDATE. wew ? XD)

Let's Pretend Baby ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon