MYSTERIOUS GUY AT THE COFFEE SHOP *4*

83.9K 1.8K 134
                                    

Pwede naman akong hindi makipagkita sa kanya pero pinili ko pa ring pumunta. Pumasok na 'ko sa coffee shop at sa parehong table kung saan kami nakapwesto noong first at second na pagkikita namin, nandoon siya't nakaupo, suot pa rin ang trademark niyang hoodie. Naglakad na ko palapit sa kanya.

"Hi," sabi ko sa kanya, sabay upo ako sa upuan na nasa tapat niya.

"Hi! Buti dumating ka. Akala ko 'di ka darating," masayang bati niya sa'kin.

"Kanina ka pa dito? Bakit mo pala 'ko pinapunta dito? Babawiin mo ba 'to?" ipinatong ko sa table 'yung mga libro na binigay niya sa'kin. Nakalagay 'yung mga libro sa loob ecobag na dating pinaglagyan rin ng mga 'yun noong ibinigay niya ang mga ito sa'kin kahapon.

"Medyo kanina pa 'ko dito. Ang tagal pala ng uwian n'yo. Pero hindi kita pinapunta dito para bawiin 'yang mga libro. Sana 'di mo na dinala. Nabigatan ka pa."

"Hindi, ok lang naman. Thanks nga pala sa mga 'to. Hindi na kita napasalamatan kasi umalis ka na agad kahapon."

"May biglaang tawag kasi, kaya kinailangan ko nang umalis. Sorry," paliwanang niya sa'kin.

"Bago ko nga pala makalimutan, anong name mo? Third time na nating nagkita, pero hindi ko pa rin alam 'yung name mo."

"Cedrick... Cedrick de la Vega," tapos inabot niya 'yung kamay niya sa'kin. Nakipag-shake hands naman ako sa kanya. Napatitig pa 'ko sa mga mata niya habang magkahawak 'yung mga kamay namin at doon ko napansin na light brown pala 'yung kulay ng mga mata niya.

"I'm Allison Monteverde."

"Alam ko..." diretsong sagot niya, gulat naman ang reaksyon ko.

"Teka, paano mo nga pala nalaman? Kasi hindi mo naman maipapaabot 'yung letter sa'kin kung hindi mo alam kung sino ako. Stalker ba kita?" diretsong tanong ko rin at halatang puzzled 'yung itsura ko. Natawa naman siya. May nakakatawa ba sa tanong ko? Malay ko naman 'di ba? Baka stalker ko nga siya.

"Hindi ako stalker. May paraan lang ako para malaman 'yung mga bagay na gusto kong malaman."

"Ganun?! Bakit makapangyarihan ka bang tao? Marami ka bang connections? Anak ka ba ng politiko?"

"Ang daming tanong. Basta hindi ako stalker at hindi ako masamang tao, ok?"

"Bakit mo ba kasi ako pinapunta dito? Anong kailangan mo sa'kin?"

"Gusto ko lang ng kausap..."

"Ha?!" ano ba namang rason 'yun. Gusto niya lang ng kausap? Bakit ako pa? Hindi naman ata ako enjoy kausap. Baka mainip lang siya sa'kin, 'tsaka anong pag-uusapan namin? Anong ikukwento ko sa kanya? 'Yung mga librong nabasa ko na?

"Anong iniisip mo?"

"Ha? Ano kasi.. Bakit ako?"

"Wala lang.. Gusto kita," sabi niya tapos nginitian ako.

"Gusto mo 'ko?!" Ang straightforward niya masyado. Nahiya naman ako. Ang bilis naman. Napayuko ako, at nahihiya talaga ako. Ngayon lang may nagsabi sa'kin na lalaki na may gusto siya sa'kin, hindi ko tuloy alam kung paano magre-react.

"Ano na namang iniisip mo? Wait, hindi 'yun ang ibig kong sabihin ah. Gusto kita... Gusto kita, bilang kaibigan."

Pagkarinig ko sa sinabi niya, napatawa ako nang pilit na halatang napahiya. "E-he-he... Ah 'yun ba 'yun," at parang mas lalo ata akong namula. Ang assuming ko ata masyado. Nakakahiya! Eh malay ko ba kasi! Hay, nakakahiya talaga..

"Wait, order lang ako ah. Anong gusto mo?"

"Kahit ano... Ikaw na lang ang bahala," hindi pa rin ako makatingin sa kanya sa sobrang kahihiyan. Parang gusto ko na tuloy umalis.

Mysterious Guy at The Coffee Shop - Published under Viva-PsicomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon