MYSTERIOUS GUY AT THE COFFEE SHOP *3*

89.8K 2.1K 129
                                    

"Ano 'yan?" nahihiyang tanong ko. Regalo ba 'yun? Hindi ako sanay na nakakatanggap ng regalo galing sa ibang tao. Sa taong kahapon ko lang nakilala.

"Tingnan mo na lang." Medyo nag-aalangan akong tingnan at mukhang napansin niya 'yun kaya siya na 'yung kumuha ng laman ng bag, inilapag niya 'yun sa ibabaw ng table at itinulak palapit sa'kin. "Halata naman na mahilig kang magbasa, kaya ito ang pambawi ko sa ginawa ko sa'yo kahapon."

"Bakit nag-abala ka pa? Sana hindi mo na binili 'yang mga libro na 'yan," nahiya talaga 'ko. Parang 'di naman ganun kabigat 'yung nagawa niya. Oo, nawalan ako ng ganang tapusin 'yung libro na binabasa ko kahapon, pero 'di naman niya 'ko kailangang bigyan ng mga libro.

"Don't worry, hindi ko binili 'yan... Pero sa'kin ang mga 'yan."

"Hindi mo binili, pero sa'yo? Regalo sa'yo?" mas lalo akong nahiya na tanggapin 'yung mga libro na ibinibigay niya.

"Ilan lang 'yan sa collection ng Mom ko, pero sa'kin na 'yan ngayon. 'Tsaka nabasa ko na lahat 'yan, kaya ok lang."

"Huwag mo nang ibigay sa'kin 'tong mga 'to. Nakakahiya at sa Mommy mo pala 'to. Bakit mo kinuha para ibigay sa'kin? Baka hanapin 'to ng Mommy mo."

"Ok lang talaga. Hindi magagalit ang Mom ko, matutuwa pa siguro 'yun."

"Pero nakakahiya talaga."

"Huwag mo na tanggihan 'yang ibinibigay ko. Wait, gusto mo ba ng coffee? Cake?"

"Ha? Huwag na," pagtanggi ko. Kasi naman may mga libro na siyang ibinigay sa'kin tapos papalibre pa ko ng coffee at cake?

"Puro ka naman 'wag," sabi niya na medyo natatawa, sabay tayo mula sa pagkakaupo. Pero bago siya umalis para umorder, inayos pa niya 'yung hood ng jacket niya na parang itinatago na naman 'yung mukha niya, saka naglakad paalis nang nakayuko.

Habang nasa may counter siya, napabuntong-hininga na lang ako habang tinitingnan ko isa-isa 'yung mga libro. Lahat, hindi ko pa nababasa at puro mga romance books, na 'yung iba mahirap na makahanap. Nahihiya talaga akong tanggapin 'yung mga libro, lalo nang sinabi niya na collection 'yun ng Mommy niya. Binubuklat-buklat ko 'yung isa sa mga libro nang may magpatong ng tray sa harapan ko. "Ma'am, ito na po 'yung order niyo," napatingin ako doon sa nagsalita. Isang payat na matangkad na babae na medyo chinita. Isa sa mga crew ng coffee shop at nalaman kong Shiela ang pangalan niya nang dahil sa name plate na nakalagay sa kaliwang dibdib ng uniform niya.

"Miss, hindi po sa'kin 'yan. 'Yung kasama ko umo-order pa. 'Yun siya oh," tumuro pa 'ko sa may counter pero wala na siya doon at ibang customer na 'yung umo-order. "Nasaan na 'yun?" napatanong pa 'ko.

"Ma'am, umalis na po siya, binilin na lang po niya na ibigay ko sa inyo 'to." Ano ba 'yung lalaking 'yun, umalis nang walang paalam?!

"Sige miss, thanks," pagkatapos kong magpasalamat, umalis na siya. Pagtingin ko sa tray, black coffee at donut ang nakalagay doon. 'Yun rin ang inorder ko kahapon. Nagkataon lang kaya o napansin niya talaga, kaya ito 'yung inorder niya para sa'kin? Teka, hindi ko na naman pala natanong 'yung pangalan niya. Binuklat ko uli 'yung mga libro, nagbakasakaling may makita akong pangalan. May nakita naman ako, Cecilia de la Vega. Nakasulat sa bawat unang pahina ng mga libro. Pangalan siguro ng Mommy niya. Eh siya kaya, ano kayang pangalan niya? Hindi man lang siya nagpakilala, bago umalis. Pero bakit nga ba kailangan pang magpakilala? Eh hindi na naman kami uli magkikita. Kaso, hindi man lang ako nakapag-thank you sa mga libro na ibinigay niya. Napabuntong-hininga uli ako. Hayaan ko na lang nga.

Pagkatapos kong ubusin 'yung coffee at donut na binili ni Mysterious Guy para sa'kin, mysterious guy na lang wala na 'yung spoiler sa tawag ko sa kanya kasi nakabawi na naman siya sa'kin, umuwi na 'ko at pagpasok ko pa lang ng kwarto, "Hmmm... Sandali lang daw siya. Hindi raw 'yun date. Pero bakit ngayon ka lang?" tanong ni Abby sa'kin na kasalukuyang naglalagay ng nail polish sa kuko niya.

Mysterious Guy at The Coffee Shop - Published under Viva-PsicomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon