My Ex-Suitor #KathNielReads

111K 1K 94
  • Dedicated kay Broken Arrow and Band Aid Readers
                                    


Prologue.

THIRD PERSON'S POV.

"Ma! Ready na po yung ulam. Shower lang ako ah!" Sigaw ni Kari sa mama niya na nagbabasa sa may balcony ng bahay nila habang siya naman ay tumakbo na paakyat sa kanyang kwarto.

Habang nag-aayos si Kari, sabay-sabay o mas tamang sabihing nagtutulakang pumasok ang limang binata papasok ng kanilang bahay.




"Tita!!!! We missed youuuu!"Sigaw ni Luke na parang tanga, sa totoo lang. Araw-araw dito ang mga binata, kaya parang tanga lang talagang sumigaw ng "we missed you!" sa mama ni Kari.




"Ma, tomguts na kame. May pagkaen na?" Tanong ni Sean sa kanyang mama.




"Meron na yata, check niyo na lang dyan. Maghain na kayo." Utos ni Tita Kiara sa mga lalake.

Nag-unahan papunta sa kitchen sila Sean, Kenneth, Luke, Carlo at Dale. Ang limang lalake ay magkakaibigan at magkakasama sa iisang banda. Matagal-tagal na rin silang magkakaibigin. Mula highschool hanggang ngayong college.

Busy sa pagkain ang limang lalake ng biglang bumaba sa Kari at pumasok sa kusina.




"Waaah! Bakit di niyo ko hinintay?!" Naiinis na sigaw ni Kari sa mga bwisita niya.




"Easy ka lang, bro. Oh, halika na dito, kain ka na, baby." Pang-asar naman ni Sean sa kapatid niya. Magkapatid si Sean at Kari, halos para silang kambal pero hindi. Mas matanda si Sean ng 11 months. Masipag kasi parents nila eh. Wag niyo ng alamin kung saan.




"Kaya pala." Bulong ni Dale na parang kinakausap yung pagkain.




"Hoy brad, anong binubulong mo dyan?" Siniko pa ni Kenneth si Dale.




"Wala."




"Wala daw? Eh bakit mo kinakausap yung pagkain? Hala brad, malala ka na!" Umiling-iling pa si Kenneth na akala mo sobrang galing ng realization niya.

Hindi naman mapigilan ni Kari na mapatingin kay Dale na nakatitig lang sa pagkain.




"Tol, may balak ka bang kainin yan? Kasi kung wala.. akin na lang. Sarap ng luto ni tita eh!" Parinig ni Kenneth sa mama nila Kari at Sean.




"Hindi ako ang nagluto, KenKen." Pang-asar ni Tita kay Kenneth.




"Ha?! Eh sino po?" Sabay-sabay na tanong ni Luke, Kenneth at Carlo. Kaya nagtaka sila na hindi nagreact si Dale.




"Kilala mo?" Tanong nila kay Dale na tumango lang at sumubo na.




"Kari!!! Sino nagluto?" Binaling nila kay Kari ang tanong.

Hindi sumagot si Kari. Si Sean naman ay tawa lang ng tawa habang kumakain. Ang tatlong pugo, namely, Kenneth, Luke at Carlo ay takang taka pa rin.




"Kumain na lang kayo." Utos ni Dale sa tatlo.




"EEEEEEH. Sino muna nagluto?" Parang batang tanong ni Luke.

Hindi rin sumagot si Dale. Pero tumingin siya sa babaeng nasa harap niya. Alam na alam niya ang lasa ng mga luto nito. Alam na alam niya kapag si Kari ang nagluluto.

Bakit hindi?

Madalas siyang ipagluto ng pagkain ni Kari.

Noon.

Bakit noon?

Kasi..

Si Kari ay..

EX-SUITOR na lang niya .





MY EX SUITOR. ©Erin Dizon 2012

Reproduction of this work is forbidden without the permission of the author. All characters and plot of this story are products of the author's imagination. Any resemblance to the reader's life is pure coincidence.


_____________________________________________________


Characters in case may nalilito..


Kathryn Bernardo as Kari

DJ Padilla as Dale

Seth as Sean

Katsumi as Kenneth

Lester as Luke

JC as Carlo



______________________________________________________


NEW SHORT STORYYYY!!! Sana magustuhan niyo rin tulad ng sa Broken Arrow at Band Aid. Okay lang ba yung narration? Tatry ko lang na third person's POV. Pag di niyo nagustuhan, papalitan ko. Salamat po sa magbabasa. ^_____________^

My Ex-Suitor #KathNielReadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon