Chapter 51: Clues

1.2K 31 18
                                    

d e d i c a t e s ? j u s t c o m m e n t d o w n :)

Chai's POV

Sarap na sarap kaming nakain ng fishball dito sa labas ng school. Halos laha ata ng tinda ni manong uubusin namin eh syempre dagdag dalawa dahil sa kambal, Okay lang naman sigurong maparami yung kain eh minsan lang kaya kami kumain ng street foods tulad nito kaya habang meron edi sulitin na. Sayang pera ni marcus.

Aba naman stefany, Ganyan pala siya kababoy kumain ng street foods. "Hinay hinay babyloves." eto na naman sila kadiri. "No it's okay." pandalas na kumain si stef.

Kung gano kalas kumain si stef eh ganon naman kahinang kumain si ashley. "Hina mo kumain ash." puna ko sakanya tumingin siya sakin ng saglit bago bumalik sa pagkain

"Nako alam ko na, Hindi ka masdyadong nakain ng street foods noh?"

"Ugh oo."

"Hay sus edi wag mo na pilitin baka sumakit pa yung tiyan mo." sabi ko habang nakuha ng squidballs. "Eto ashley kainin mo! Isaw dali." alok ni caitlin sakanya

"Sigurado ka bang masarap yan? Lagot ka sakin pag nakakasuka yan." natatawang sabi ni ashley

Tumango si caitlin "Sa tingin mo papakainin kita ng di masarap ha?" kumuha ng dalawang isaw si caitlin "Oh ayan isubo mo na dali!" tiningnan ni ashley ng may pagduda yung isaw na inabot sakanya ni caitlin "Hoy ano ba! Lalangawin na yan eh!" pagrereklamo ni caitlin.

Unti unting nilapit ni ashley yung isaw bago kumagat ng maliit, Sinuri muna niya yung lasa bago niya lunukin "Masarap?" tanong ni eych sakanya, Nilunok ni ashley bago magsalita "Hmm okay, Medyo okay naman."

Kumuha pa si ashley ng dalawa at bandang huli naka-apat siya "Sarap noh! Galing ko talaga!" proud na sabi ni caitlin. "Blah blah pangit naman." napatingin agad ako kay james "Akala mo di ko narinig noh. Ikaw james ah pabulong bulong pa."

"Shh, Maririnig ni panget eh." inabutan niya ko ng sauce ng kikyam "Lul, Thanks."

Nang naubos na namin yung pagkain nag-aya si marcus na pumuntang perya. "Alam mo para kang bata haha." puna sakanya ni eych "Ganyan talaga si marcus isip bata." sabi ni gerome.

"Hoy hindi ah! Gusto ko lang talagang pumunta sa perya, Matagal tagal na din ako hindi napunta dun eh." pagdidipensa niya sa sarili niya. "Naka-punta ka pala dun? Buti pinapayagan ka ng ate mo o kaya parents mo."

Nagkibit balikat si marcus "Ewan? Sa pagkaka-alam ko tinakas lang ako eh."

-----------

"Ang daming tao."

"Ano ba yan may pusa at aso pang pagala-gala."

"Mukhang hindi safe yung rides, Baka mahulog tayo."

"Ayun ang daming plato at baso dun may kutsara din."

"Pupunta pa ba tayo oh ano?"

Halo-Halo na yung pinagsasabi namin dito sa perya, Ako nakakapunta dito minsan kaya sanay na ako pero sila grabe parang hindi nakakapunta dito sa perya eh. "Wag na lang tayo sumakay sa rides delikado." mukhang sumang-ayon sila sa sinabi ko.

"Gusto ko ikutin 'tong perya." sabi ni ashley "Ashley can I join you?" tanong ni stefany sakanya, Ewwan ko na lang pag di pa pumayag si ashley. Babatukan ko na 'tong babaeng to.

Ngumiti siya "Sure." iniwan na din kami ni miko at gerome, Nag-sama na din yung kambal at si james.

"Yah! Tayong dalawa na lang natira." naka-pout na sabi ni caitlin "Kainis kamo yang nguso mo."

Clash of the heartthrobs [EDITING]Where stories live. Discover now