Chapter 49: Transferees

1.5K 44 23
                                    



GEROME ON THE SIDE~ MUKHANG ADIK LANG HAHAHA

Miko's POV

"Caitlin!"

"Caitlin, Walang ahas eh! Ano ba?!" galit na sabi ni chai. Tinuro ni caitlin si freth "Ahas yan eh." sabay irap nya

"Hanggang ngayon bitter ka pa din?" napataas yung kilay nya, Ano bang problema nang dalawang to? "Nako caitlin ako na nakikipag ayos sayo ayaw mo pa? Sige ka ikaw bahala at please lang ah wag kang bitter samin." tumayo si freth at umalis.

"Chai anong problema nila?" oo di ko na sya tinatawag na babes, Basta kasi. Dejoke lang yun babes ko parin yan. Haha.

"Hoy babes ano?" nagkibit balikat sya tapos tinapik yung likod ko "Malalaman mo rin yan kupal." sumenyas sya ng 'wait' nilapitan niya si caitlin

Medyo lumapit ako para marinig yung usapan nila at syempre nagtagumpay ako dahil nasa likod ko sila. Nakasandal ako sa puno ng langgam. Di ko alam tawag dito, Basta yung puno na madaming langgam sa paligid

"Chai bakit ganun hindi ko siya mapatawad." hinimas himas ni chai yung likod ni cait "Baka kasi di ka pa daw nakakamove on kay ehem alam na." hinampas siya ni cait

"Chai ang gago mo! Syempre nakamove on tagal na nun eh." dumating si ashley at stefany pero tahimik lang. Puta di ba sila magsasalita? Kating kati na ko sa likod ng punong puro langgam ah. "Tapos kunwari di natin alam na nakikinig si miko."

"Booo!" lol di ako natakot binatukan ko lang si ashley na nangulat sakin kaya naka kuha ako ng isang malutong na pakyu.

Kumuha ako ng bato tapos binato ko dun sa tubig, Wishing na maka alis kami sa putanginang lugar na 'to. Dalawang araw na ko di naliligo medyo nabaho na ko. Edi bawas pogi points 'to sa chi x na lalapit.

Kamusta naman kaya si jasper? Dalawang araw na di naliligo. Nakakamatay na siguro amoy nun kasi pag naligo lakas parin ng putok.

"May bus! Ayun nanay ko!" sigaw ni liam, Para kaming baby na nakakita ng bus na punong puno ng candy. Sa wakas makaka uwi din.

-----

eto na kami nakabalik sa school. Ang bilis noh? Ganun talaga. Andito ulit kami sa school, Kami ulit yung hari "Alis." utos ni james sa lalaking nasa harap namin, Agad namang umalis. "Gago james ang sama mo."

"Weh? Ikaw nga miko eh." napa tss lang ako. Anong saysay na makipag away ako sa pilosopong 'to? Napansin ko lang na kanina pa tahimik si marcus

"Uy marcus bakit ka tahimik?" tanong ni gerome umiling lang si marcus, Yan yung ayaw ko e kunwari wala "Nagaway kayo ni stefany? Kwento mo na." napatingin siya sakin pero bumigay din kaya ayun nagkwento na.

So ayun nga nagselos si stefany chaka medyo nabigla, Nakita nyang nag pano ba 'to nakakadiri kasi para sa mga babae eh pero.

Una nakita niya si marcus na hinalikan yung babae na pinsan niya tapos pangalawa nakita niya si marcus na

You know guy things. Oo alam kong normal yun pero yung bang makita pa ni stef sa locker room. "Abnoy mo marcus! Bakit kasi naisipan mong gawin yung alam na sa locker room!" sigaw sakanya ni james "Eh kasi ano eh.. Di ko na kayang tiisin."

"Nako yan kasi eh pahuli ng pahuli, Pero yung pinsan mo bakit mo hinalikan?" di siya nakasagot. Ay ano ba 'to taena.

"INCEST! WAG NAMAN GANYAN MARCUS!" sigaw naming tatlo tinakpan niya yung bibig namin "Hoy mga gago kayo hindi hindi!" pagtanggi niya

"Aalis na kasi yun pupuntang aus pano yan? Syempre may kiss sa cheeks noh." ahh ganun naman pala. akala ko ano na eh "So anong plano?" napagusap namin na poof simpleng sorry lang.

Iniwan namin si marcus, Heh bahala siya sa buhay niya pero wag niyo kami sabihan na di tunay na kaibigan. Kami pa nga nagsabi na sasamahan namin siya pero ayaw nya. Oh edi bahala siya.

Dumeretso kami sa room para silipin yung mga chix. As usual sipa pinutan tapos tatabi silang lahat tapos papasok hay tae pa-ulit ulit na lang eh. Paupo na ko sa upuan ko pero may babaeng nauna

Alam naman nang lahat na upuan ko 'to oh sino naman 'to? Baguhan lang to ata e.

"Sino ka?" tumayo siya tapos ngumiti "Leigh is the name." chaka umalis. Taaena yun bastos kinakausap pa eh umalis agad

"Sino yun?" nag sabi ako ng 'ewan ko tanong mo sa sm' teka sino nga ba yun? "Baka taga ibang section?" ingay netong si gerome eh

"May gusto ka ba dun? Ingay mo eh." todo tanggi naman si gago. tae. Napag hahalataan siya. Pero siguro loyal naman 'to kay ashley. Kung gusto niya si ashley.

"Oy anong score mo sa flappy bird? Mataas na ba?" tanong sakin ni james.

"96. Ano talo ka. Ikaw anong highest mo?" inagaw niya yung phone ko "Oy ano ba!" chineck niya yung flappy bird. Nagpatalo. Ayun nakita niya 96 nga. "Weh ang galing mo naman. 17 lang akin e." napatawa ako

"Okay na 17 kesa sa isa diyan haha." tumingin ako kay marcus na naglalaro parin "Nyeta naman eh! ano ba 'to! Bwisit na ibon naman eh." pagmamaktol niya di kasi maka move move sa score na

"Wala eh. Hanggang five lang talaga kaya mo. Tanggapin mo na." binato niya yung phone niya "Aww may gasgas na." di niya pinansin, hinayaan niya na lang matapak tapakan yung phone niya palibhasa mayaman eh.

Mayaman nga, Kuripot naman.

Wala boring klase namin. Ayokong ikwento sainyo. "Kilala niyo na yung transferees?" may transferees pala eh baka yung nakita ko kanina, Hindi kaya siya na yun, Si le--- ano yun?

"Oh, Sino babes?" tanong ko, Ingay sa canteen tinapon ni chai yung ketchup bago magsalita "Si Leigh at si--- Cait anong pangalan nung lalake?"

"Ano nga ba yung----Kleigh ata." nabatukan naman siya ni chai "Bobo yun na nga yun babae si leigh dinagdagan mo lang ng K teka nga iisipin ko!" naka kain na kami't lahat di parin naiisip ni babes yung pangalan nung hinayupak na yun.

Teka bakit niya ba iniisip yun?! May gusto ba siya dun? Pakyu na lang yung lalake. "Ay ayoko na mamaya ko na lang itata--- Leigh!" May lumapit na babae sakanya "Teka nakita na kita kanina ah, Ikaw ba yan?"

Tumango siya "Kaibigan niyo na yang transferee?" tanong ni gerome kay ashley. Oo daw sabi ni ash parang ang bilis naman "Mukhang may nadagdag na sa tropa niyo ah."

"Yea, She's good." woah siguro nga, Pati si stefany napasalita na eh. "Leigh this is gerome, james,miko and marcus." pagpapakilala ni ashley nag shake hands pa kami. Medyo tumingin tingin pa si stefany kay marcus

Protective girlfriend eh. Mukhang nagkabati na sila patawa tawa na si marcus eh. Maya maya may dumating na lalake lumapit kay leigh. Ano 'to boyfriend niya? "Leigh halika na?" nagsign ng wait si leigh "Eto nga pala, Kakambal ko."

"Ha? Kakambal mo yan?"

"Teka yan yung isa pang transferee eh."

"Di naman kayo magkahawig eh. Ay hindi! Magkamukha pala kayo."

Ingay nila tae. "Ah hello. Eych nga pala." nagsibatian naman yung mga babae pwera samin "Bantot ng pangalan mo." sabi ko natawa naman silang lahat. Bakit totoo naman ah! Ang panget kaya. Eych? Panget!

"Hahahaha seryoso kasi. Oh miko nga pala." ayun nagsunudan naman silang tatlo. Kambal pala sila? Di halata. Nung uwian naghiwalay hiwalay kaming walo may kanya kanyang lakad, Wag ka nakakiss ako sa cheeks ni babes pero syempre sinipa na naman si flappy bird ko.

Nakita ko si leigh papunta sa direksyon ko teka dito nga ba? Ako lang tao dito ah anong gagawin neto "Miko!" hingal pa siya nung sinabi niya yan. Tumakbo eh. "Oh leigh?" mas lumapit pa siya

"Miko gusto kita."

------------------------------------

Nakavote at comment na ba kayo? Be active naman :(

Putek pano na si chai miko? Pano na yung MikChai?! Wala na ba? Leiko na ba 'to? Okay tama na.

Clash of the heartthrobs [EDITING]Where stories live. Discover now