Dalawampu

4.2K 104 358
                                    

Binuhat na ni Eman ang maliit na luggage bag ni Stephanie at nilagay sa loob ng trunk ng black sedan ni Ashton.  Nilapitan nya si Stephanie na nakatayo sa di kalayuan sa kotse.  

"Talaga bang uuwi ka na, Gigi?"  tanong ni Eman sa dalaga.

"Oo eh.  Kailangan ko ng umuwi," sabi ni Stephanie na nakangiti.

"Sorry hindi na kita mahahatid sa bus terminal, ha?  Si Sir kasi, gusto nya sya ang maghatid," Eman teased her.

"Pagbigyan mo na," Stephanie whispered.  "Alam mo naman si Sir, may saltik," she giggled.

"Mamimiss kita, Gigi.  Balik ka dito at bisitahin mo kaming dalawa ni Lota ha?"

"Tignan natin, pero baka matagalan pa eh," she joked with her driver friend.

"Basta, kung saka-sakali mapadpad ka uli ng La Union, huwag kang mag-atubili tumawag sa amin ha?" he hugged Stephanie.  "Ingat sa byahe."

"Salamat, Eman," kumalas sya sa pagkayakap sa lalaki at hinarap na si Carlota.  

"Sis!" iyak ni Carlota sabay yakap sa kanya.  "Aalis ka na ba talaga?"

"Oo, eh.  Don't worry, I'm sure mas mabait si Darlene kesa sa akin," she nudged the other woman with her elbow.

"Kahit na.  Mamimiss talaga kita ng bonggang bongga," yumakap si Carlota sa kanya.

"Lota, thank you.  Thank you so much for all the help.  I don't know what I would have done kung hindi mo ko kinausap nung araw na yun," she whispered to Carlota.  She didn't want Ashton to overhear her; he had no idea about the hold up.  "You saved me, you really did, even if it was just for a little while."

"Walang anuman yun, Gigi.  Tignan mo, naging magkaibigan tuloy tayo."

"Lota, I want you to have something," may kinuha syang isang envelope sa kanyang purse.  "Sinave ko talaga ang mga sahod ko, yung mga hindi ko nagamit, para talaga ibigay sa yo," she stuffed the envelope into the other woman's hands.

"Gigi, ano to?" nanlaki ang mga mata ni Carlota.

"Para sa yo talaga yan.  I don't need it.  It's my thank you to you, sa tulong mo."

"Gigi..."

"Huwag mo ng tanggihan.  Tanggapin mo na lang; masamang tumatanggi sa grasya," Stephanie smiled at Carlota.  "Ito pa pala," she reached into her purse one more time and fished out the small tube of designer lipstick nya na may dalawang interlocking Cs.

"Ano nanaman to?"

"My signature red lipstick. Gamitin mo pag nagdedate kayo ni Eman, ha?" she winked at Lota.  "Pag okay na ang lahat, tatawagan na lang kita.  Sorry kung hindi ko muna masabing 'keep in touch'." she giggled.

"Okay lang, G.  Alam ko naman na may kailangan kang ayusin pa paguwi mo."

"Salamat, Lota.  I'll miss you," Stephanie hugged her friend.

"Mamimiss din kita," gumanti ng yakap si Carlota.  "Ingat ka ha."

"Opo," Stephanie said playfully and wiped Carlota's eyes.  "O sya sya, ang drama na natin dito," tumawa sya and wiped her eyes.  "Bye Lota, bye Eman!" she waved and walked towards the passenger door.  "Eman!" she turned around and faced the man.  "Ingatan mo si Lota ha!  Or else!  Lagot ka talaga sa akin!"

Humalakhak si Eman at inakbayan si Carlota.  "Opo, makakaasa po."

Kumaway na lang ulit si Stephanie bago pumasok ng kotse.  Ashton closed the door for his girlfriend bago umikot para umupo sa driver's side.  They drove the 20 minutes to the bus terminal in silence, Ashton used his automatic transmission car again para mahawakan nya ang kamay ni Stephanie.  Stephanie wore the same outfit she wore the day she first arrived in La Union, her jeans and her now repaired white t-shirt, care of Carlota.  Ashton parked his car on the curb in front of the bus terminal.  Wala pa masyadong tao dahil maaga pa silang umalis.  May mga 30 minutes pa siguro bago umalis ang bus papuntang Manila.  Umupo lang sila magkatabi sa isang bench malapit sa may pintuan.  Nakaakbay si Ashton kay Stephanie habang ang babae naman ay nakahilig sa kanyang dibdib at nakayakap sa kanyang bewang.

Losing ControlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon