CHAPTER EIGHT

15.5K 626 25
                                    

A/N: Dedicated to the first commenter.

**********

Nagulat sina Ysay at Leigh nang pagkatanggap ko sa isang pumpon ng mga bulaklak ay bigla ko na lang itong winasiwas at tinapon sa harap ng working area namin. Pati messenger na naghatid no'n napalingon at napatingin sa akin habang nakanganga.

"Hindi ako sa iyo galit! Umalis ka na," pasuplada ko pang pagtataboy sa tao. Dali-dali naman itong tumalikod. Sina Ysay at Leigh naman ay napatayo na at inurirat ako kung ano'ng nangyari at gano'n na lamang ang panggigigil ko sa pinadalang pulang rosas ni Lukas.

"Two-timer ang bwisit!" naiiyak kong pagsusumbong. Napahikbi ako sa balikat ni Leigh. Pero naudlot din iyon dahil biglang may narinig kaming paparating na tunog ng pamilyar na sapatos.

"Dali kunin mo sa hallway ang bouquet mo!" natatarantang utos sa akin ng dalawa. Bigla naman akong tumakbo at isa-isang dinampot ang nagkawatak-watak na mga bulaklak. Mabuti na lang at tumulong na rin ang mga kaibigan ko. Saktong natipon namin ang mga iyon sa table ko nang dumaan ang taas-nong si Evil Twin. Kabuntot nito sina Mina at Meg. Tila problemado si Mina kung kaya nang mapatingin sa direksiyon namin ay sinimangutan kaming tatlo.

"Ang babaeng iyon talaga kahit kailan sambakol ang mukha," nangingiting komento ni Leigh.

"For sure nasabon na naman iyon ng isa pang bruha," natatawa namang pakli rin ni Ysay.

Nainis ako. Ang bilis nilang makalimot sa problema ko.

"May problema ako rito. Magpokus nga kayo sa akin!" Kumuha pa ako ng isang talutot ng rosas at hinampas-hampas ito sa desk ko habang umiiyak. Napatayo na naman si Leigh at napahawak sa balikat ko.

"Kalma lang. Ano ba talaga ang nangyari?"

Kinuwento ko sa kanila ang naabutan ko sa condo unit ni Lukas. Nagkatinginan sila at bigla na lang napabuntong-hininga si Ysay.

"Sinagot mo na ba siya?" ang tanong nito bigla.

"What's the point? Ang landi-landi niya! Ba't ko pa siya sasagutin?"

"That's the thing. Hindi mo siya boyfriend. Sorry, pero---iba ang kultura nila, e. For as long as there's no clear agreement between the two of you kung kayo na nga o ano, uso sa kanila ang simultaneous dating. Sa pananaw nila, kapag walang malinaw na usapang commitment ang isa't isa maaari pa silang makipagmabutihan sa iba," malungkot na paliwanag ni Ysay.

Dalawa na kami ni Leigh ang nangunot ang noo ngayon. Palagay ko mayroon din siyang inaalala tungkol kay Nikolai pero hindi siya kumibo sa sinabi ni Ysay. Ako lang ang nag-react.

"Pero nasa Pilipinas siya! Nanligaw pa siya sa Pinay kung hindi naman pala niya kayang mag-adjust sa kultura natin. Nakakainis siya!"

Hindi na sumagot si Ysay. Paano ay dumaan si Engineer Knudsen at may pinatong ito sa desk niya bago tumuloy sa upisina ni Boss Dave. Nakita kong namula ang mukha ni Ysay. Nawala ang pokus ko sa problema pansamantala. Nanaig ang pagiging tsismosa ko. Nakiurirat ako sa binigay sa kanya ni Engineer Knudsen.

"Wala. Ano ba naman kayo," nangingiti niyang wika. May inuuutos lang siya sa akin.

"Ikaw, ha? Baka mamaya niyan kayo na pala ni Engineer Knudsen," biro ko pa.

Nawala ang ngiti niya sa labi. Parang nalambungan ng kalungkutan ang kanyang mga mata. Nalito ako. May nasabi ba akong masama? Siniko ako ni Leigh. Tumigil na raw ako sa pangingialam.

**********

"What the fuck did you do that for?" galit kong sigaw kay Hilde pagkabalik sa condo.

WHEN I LOVE (ZYRA'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon