CHAPTER ONE

36.9K 933 35
                                    

A/N: Dedicated to the first commenter.

**********

Napailing-iling na sinundan namin ni Leigh ng tingin ang papaalis na si Ysay. Naawa kami pareho sa kanya dahil halos hindi na niya nanguya nang mabuti ang panaghalian sa kamamadali. Kahit break time ay may inutos na naman sa kanya si Architect Ramirez, a.k.a. Evil Twin.

"Ba't kaya pinag-iinitan iyon ni Evil Twin?" tanong ko kay Leigh habang parang tinatamad na sumipsip sa straw ng iniinom na softdrink.

"Ewan ko nga ba. Baka pinagseselosan."

Napaupo ako nang matuwid at namilog pa ang mga mata. "May boyfriend na si Evil Twin? Hindi nga? Sino naman ang minalas na nilalang?"

"Hindi boyfriend. Pinupuntirya pa lang. Remember Armani guy?"

"Ay, si Engineer Sandoval?" Napahagikhik na ako. May naalala lang kasi.

"O, bakit? What's funny?"

Kinuwento ko na kay Leigh ang nasaksihang eksena sa conference room no'ng nagkaroon ng emergency meeting para sa hinahandang bidding na sasalihan ng kompanya. Nandoon si Evil Twin at katabi niya ang guwapo at batam-batang inhinyero na si Engineer Sandoval. Pagdating ni Ysay ay bigla na lang itong natameme at napatanga, dahilan para magmukhang tanga sa kabibida si Evil Twin. Halata kasing hindi na nakikinig sa kanya ang guwapo naming engineer.

"Sana nakita mo ang pag-transform ng mukha ng bruha. Nakatatakot na nakatatawa."

Napangiti na si Leigh. Ini-imagine na niya siguro ang kuwento ko.

"Buti na lang nandiyan si Armani guy. Kahit papaano ay nakakabawi si Ysay. Nareresbakan niya ang bruhang babaeng iyon without even doing anything."

"Pero alam mo, naaawa rin ako do'n kay Engineer Sandoval. Palagay ko kasi kahit tumambling pa siya at magpagulung-gulong sa harap ng kaibigan natin, hinding-hindi siya magugustuhan ni Ysay. Bakit naman kasi kay Ysay pa siya nagkagusto? Nandito naman tayong dalawa. Single din. At maganda pa, ha?"

Natawa si Leigh. "Don't tell me gusto mo pang makipagkompetensiya kay Evil Twin?"

"Ngayong wala akong pino-prospect, Engineer Sandoval is not bad. Not bad at all." At humagikhik na ako na may kasamang landi. Pabiro akong hinampas ni Leigh sa braso.

Tapos na kaming kumain nang biglang kumati ang ilong ko kaya kinusut-kusot ko ito. Pakiramdam ko may bara sa loob. Mayamaya pa nga'y, nangulangot na ako. Dahil alam kong wala namang mag-aabalang tumingin sa akin, hindi ko na tinakpan ng isang kamay ang ilong habang ginagawa iyon. Nagkunwaring naduduwal si Leigh sa ginagawa ko, pero hindi ko siya pinansin.

"Zyra, ano ba? It's gross!" singhal pa niya sa akin.

"Leigh, tingnan mo nga? May kulangot pa ba?" At nilakihan ko ang butas ng ilong pagharap ko sa kanya. Hinampas na naman niya ako sa braso.

"Hindi ka na nahiya! Kadalaga mong tao, nangungulangot ka in public!"

"Sus! Okay lang iyan, 'no? Sa isang chubby, old me, wala naman sigurong mag-aaksayang tumingin sa akin nang matagalan kaya I can do whatever I want."

"What about me? Kanina pa ako diring-diri sa iyo?"

"You're not counted, Leigh." At pinagpatuloy ko pa ang paglilinis ng ilong gamit ang hintuturo. Natigilan lang ako nang mahagip ng tingin ko ang isang guwapong-guwapong blonde sa hindi kalayuan na titig na titig sa akin. Nang magtama ang aming paningin napangiti ito.

"Shit, Leigh!" mura ko sa mahinang tinig at bigla na lang akong napayuko. "Tingnan mo nga iyang anak-araw sa bandang unahan. Nakatingin pa rin ba?"

WHEN I LOVE (ZYRA'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon