Chapter 10 THE EARLY BIRDIE.

1.7K 135 55
                                    

Last chapter. Bitin. Wag mag expect. Tinopak si author. May topak naman ako parati. Pasensya. Yun lang po….

Chapter 10 THE EARLY BIRDIE.

---------------------------

Friendship.

---------------------------

Dumating na ang inaabangang Graduation day ng magkakaibigan, ito na ang pagtatapos ng kanilang buhay bilang isang high school students at pagsisimula ng bagong yugto ng buhay nila sa kolehiyo.  Nakahanda na ang mga diploma, mga medalya, mga upuan para sa mga estudyante at mga upuan para sa kanilang mga magulang. Hindi lubos maisip ni Yixing na malapit na silang maghiwa-hiwalay.

“Manang, ganto po ba talaga ang feeling? Nakaka-excite po pala na nakakaiyak.” Sabi ni Lay sa matandang pinaplantsa ang damit na susuotin ni Lay para sa graduation.

“Ikaw naman hijo, parang hindi ka grumaduate noong grade school ka.” Biro ng matanda.

“Iba pa rin po ito manang. Malungkot ako kasi magkakahiwa-hiwalay kami ng mga kaibigan ko, may kanya-kanya po kasi kaming pangarap na gustong abutin.”

“Hay.. Sabagay, naging ka-close nyo na rin po sina sir Baekhyun, sir Kris, SIR SUHO, sir Kyungsoo, sir Luhan, sir Sehun at marami pa.”

“Ikaw naman manang, hindi mo pa nilahat! Hahaha!” biro ni Lay.

Napatawa rin ang matanda, “E kasi naman po napakalaki ng barkada nyo. Ang hirap isa-isahin nakakahingal para sa isang matandang tulad ko. Hehe.”

“Manang, may tanong po ako.”

“Oh ano iyon?”

“Si Mama, pupunta po ba siya?” kung naaalala nyo, umuwi sa China ang nanay ni Yixing para alagaan ang kanyang lolang may sakit. Matagal na pero hindi pa rin ito umuuwi. Nangako ang kanyang ina na babalik naman ito matapos ang pakay nya sa China.

“Oo naman. Alam ng mommy nyo na graduation nyo, pupunta yun.” Sabi ng matanda’t isinampay na ang bagong plantsang damit ni Yixing. “Palamigin nyo po muna ito sir, tas isuot nyo na matapos kayong maligo.” Bilin ng matanda at niligpit na nito ang kabayo at ang plantsa.

Napasinghap si Yixing at humiga sa kanyang kama. “Umma…”

-------------------------

Sa kabilang dako’y excited na pumunta ang iba sa kanila sa tapat ng auditorium ng school. Kasama na nila ang kanilang mga magulang at mga kamag-anak na gusto ring masaksihan ang kanilang pagtatapos.

“Chen, di ba si Dina yon?” itinuro ng kanyang ina si Dinasaur.

“O tapos ma? Sinabi ko naman po sa inyo na wala na  yun.” Wala pang sinasabi ang kanyang ina’y binara na ito ni Chen.

“Ikaw naman anak, pinangunahan mo ang mama mo. Maganda pala siya ano?”

“MA!” medyo tumaas ang timbre ng boses ni Chen kaya’t natahimik ang ina nito. “Hindi na nga po kasi.” Mahinang bulong ni Chen.

“Okay fine. Sinasabi ko lang. Pero kaya siguro siya gumanda e dahil na rin sa make-up.” Bawi ng ina nito. Napahinga naman ng malalim si Chen at napatitig sa naglalakad na si Dina. “Bakit ba kasi nasabi ko pa kay mama na gusto kita. Tss.” Bulong nya.

XingXing Malilimutin (Book 3) (EXO) [Completed]Where stories live. Discover now