Chapter 4

2.9K 122 49
                                    

Belooo mga malalandi kayo! Hahaha. Joke happy new year po :D ayon, first part pa lang ito. Medyo mahaba pero walang kwenta. Babawi po ako sa next update. Feeling ko pa-fail ng pa-fail itong mga updates ko today pero salamat pa rin sa patuloy na nagbabasa nito ;D haha! Salamat sa paghihintay! ^^

 may tanong ako, sino mga bias nyo sa exo? wala lang ,gusto ko lng malaman. hehehe XD

 --------------------------------------------------------

XingXing Malilimutin

Chapter 4 Happy New Year!- Part 1 Yehet!

----------------------------------------

Praise Kriscasso! Yehet!

----------------------------------------

Pagkatapos ng napakahorror na ending ng pasko ng mga kolokoy, naghanda na sila para sa New Year. At saan nila napiling icelebrate ang New Year nila? Syempre, kanino pa bang crib? Kung akala nyo kay mama Suho, hindi. Haha! Kung sa crib ni Chen, hindi rin. Dahil i-eexplore natin ang bahay ni Kris Wu! Ang leader ng mga kolokoy.

“Bakit sa bahay ni leader?” tanong ni Xiumin habang naglalakad kaakbay si Luhan.

“Hindi ko alam, wala namang nagsuggest sa atin na doon sa bahay nila mag New Year.” Sagot ni Luhan.

“E? Ano yon? Siya lang nagdecide na don tayo mag-New Year?” napakamot ng ulo si Chanyeol.

Tumango si Baekhyun, “Ganon na nga siguro.”

“Natatakot ako sa ipis eh!” naglutangan lahat sa isip ni Chanyeol ang mga ipis ni Kris, mali! Artworks ni Kris Wu.

“EH?! Sa bahay na lang ulit ni Lay!” suhestyon ni Xiumin.

“Takte naman! Ayoko na mapagkamalang mop!” sagot ni Chanyeol at inayos ang kanyang permed hair. Sa isip-isip ni Chanyeol, masmabuti pang sa bahay na nga lang ni Kris dahil mapagtitiisan pa nya ang mga ipis kaysa sa ngudnguran ulit siya ni Lay sa mukha ng basang mop.

“Huhu, sino ba kasi nagsabing magpa-perm ka? At kasalanan ba ni Lay na mapagkamalan ka nyang mop? E mukha naman kasi talagang dulo ng mop yang buhok mo, sobra sa perm eh!” pagdadahilan ni Baekhyun.

“Ahh, pinagtatanggol mo na yong malilimutin na yon?” tanong ni Chanyeol. Bitter~

“Bakit lagi na lang kayong nag-aaway? Meron ka pa rin ba Baekhyun?” singit ni Kyungsoo na kumakain ng pink na cotton candy na binili sa kanya ni Kai.

“Hindi ko pa schedule ngayon eh.”Mahinhing mamula-mulang sabi ni Baekhyun.

“Madaya! San mo nabili yang cotton candy?! Gusto ko rin nyan!” sabi ni Xiumin.

Lumapit si Kai kay Xiumin, “Ako bumili nyan, doon oh!” at itinuro nya ang tindahan ng cotton candy.

“Bili tayo non hyung!” pangungulit ni Sehun kay Luhan. Tumango si Luhan at sumabay sila kay Xiumin na bumili. “Pink yung gutho ko Lulu.” Patuloy nito.

“Ang tagal naman ni Suho at Chen!” reklamo ni Baekla. Hihintay kasi nila yung dalawa, yun kasi ang naatasang bumili ng mga fireworks na gagamitin nila sa darating na bagong taon.

Nagkamot ng ulo si Kai, “E bakit naman kasi yung dalawang punggok na yon ang inutusan nyong bumili ng paputok?”

Nilapitan siya ni Kyungsoo at sinubuan ng cotton candy, “Ayan, kumain ka para hindi ka na maghimutok. Magbabagong taon, pinapainit mo ulo mo dun sa dalawang yon.” At sinubuan ulit siya ni Kyungsoo ng malaking piraso ng cotton candy na nginuya naman ni Kai.

XingXing Malilimutin (Book 3) (EXO) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon