Chapter 17

357 9 0
                                    

XVII.Confusions... 

"Ouch! Dahan-dahan naman please..."

"Ang arte nito! kalalaking tao eh." idiniin ko nga yung bulak sa labi niya.

"AW! sadya yun ha!" reklamo naman niya.

"Ano ba kasing sinabi mo sa pinsan mo at mukhang ready nang manakmal ng tao kanina?" ibinaba ko na yung bulak since tapos naman na ako sa paggagamot sa kanya.

Sinamahan ko na lang si Lawrence pauwi after nung eksena nila ng pinsan niya. Si Nico naman, nowhere to find. Ewan ko kung san naman siya nagmumukmok ngayon. At hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako sa inasal ng lalaking yun sa pinsan niya eh diba nga close naman silang mag-pinsan. Saka kahit mukhang binagsakan ng langit at lupa ang ugali nun eh ngayon ko lang siya nakitang nagalit ng ganoon.. at sa pinsan niya pa ah.

“Wag mo nang alamin. Usapang lalaki yun.”

“Ganun ba yun? Kapag usapang lalaki kailangan may sapakang nagaganap?” tanong ko.

“Tignan mo tuloy yang mukha mo! At isang suntok lang yan ha.”

“Psyche, bakit mo ko pinagtanggol kanina?” tanong niya sa akin.

“Anong ipinagtanggol? Inawat ko lang kayo noh!” sabi ko naman habang inaayos yung mga bulak at gamut na ginamit ko sa kanya.

“Inawat mo ba kami dahil ayaw mo akong masaktan?” tinignan ko naman siya nun. Sakin siya nakatingin nun at hindi ko matagalan yung tingin niya kaya agad din akong nag-iwas ng tingin.

“H-hindi ah. Ayoko lang makitang nagkakasakitan kayong magpinsan.” Sabi ko na lang. Tumayo na din ako bitbit yung mga gamit.

“Sabi ko na nga ba yan ang sasabihin mo.” Nilingon ko siya ulit. He was smiling. Hindi ko nga lang alam kung bakit. “Hindi pa siya umuuwi.”

“Ah… eh… so?” ang layo naman ng sinabi niya sa topic. Saka pake ko? Malaki na siya. Kaya na niyang umuwi mag-isa noh.

Nginitian lang niya ako nun. Okay? May ibig sabihin ba ang ngiting yun?

* * *

09:00 PM

Gabing gabi na ah! Wala pa rin yung lokong yun? San na kaya siya naglabas ng sama ng loob niya?

09:10 PM

Natuwa naman ata siya masyado sa pagdadrama niya…

9:30 PM

Ano ‘to? Maglalayas siya? Pauso niya ah! Kanya kaya ‘tong place tapos siya ang naglayas? Hala ka?

10:00 PM

“Argh!”

“Puntahan mo na kasi…”

Nilingon ko yung nagsalita sa likod ko. Kanina pa kasi ako dito sa sala at nakatingala sa relo.

Siguro napansin na din nitong si Lawrence ang drama ko sa buhay.

“Anong pinagsasasabi mo dyan!” pa-inosenteng sabi ko.

“Hindi ba kanina ka pa nag-aalala sa kanya? Bakit hindi mo na lang kaya siya hanapin?” tanong niya sabay upo sa sofa.

“Hindi ko alam ang sinasabi mo. Saka…“ nagkunwari akong naghihikab… ” inaantok na ko… aakyat na ko ah” aakyat na nga sana ako ng kwarto ko nung biglang bumukas yung front door.

Ayoko mang masyadong ipahalatang excited ako eh dali-dali pa rin akong napalingon sa direksiyon ng pinto. And there he was… With….

“ Paki-tulungan naman ako kay Nico oh!. Ang bigat eh.” Came Adella’s voice.

“Ano bang nangyari dyan?” tanong naman ni Lawrence na umagapay sa susuray-suray na pinsan niya.

“Nagkita kami sa bar. Ayan nasarapan sa pag-inom.” Sabi naman ni Adella. “Hey you!” baling niya sa akin. “Magdala ka ng warm water at pamunas sa kwarto ni Nico!” parang alila niya ako kung makautos ah! Naku! Ni hindi nga siya kasama sa mga amo ko eh!

Hindi naman na ako nakahirit nung nilayasan na nila ako para dalhin sa kwarto niya ang lasing kong boss. Pumunta na lang ako sa kusina para kunin yung mga pinapadala sa akin.

“Kung kumukulo kaya ang ilagay ko ditto nangmagising ang diwa niya! Badtrip siya! Nag-alala pa man din ako sa kalagayan niya tapos nakipag-inuman lang pala siya sa babae niya! Ines!”

Dahil mabuting bata pa naman ako eh siyempre hindi kumukulong tubig yung dala ko. Ayoko pa naman mademanda noh!

Dinala ko naman sa kwarto niya yung planggana ng tubig at bimpo. Hindi na ako nag-abalang kumatok kasi andami ko kayang dala. Kaya lang nung mabuksan ko naman yung pinto eh kulang na lang talaga maibuhos ko sa lintang babaeng ‘to yung tubig na dala ko! She was taking Nico’s clothes off!

“Anong itinitingin-tingin mo dyan? Ibaba mo na lang ang mga yan diyan and get out!” masungit na sabi niya sa akin.

Hindi ako makapag-react. Ni hindi ko alam kung ano na ba ang dapat gawin.

“What?!” sabi ni Adella. Sa gulat ko eh ibinaba ko na nga lang lahat ng dala ko at lumabas ng kwarto. Okay? Dapat ba pinigilan ko sila? Hay ewan! Siya nga ang pinili ni Nico na makasama nung galit siya diba? Then fine! Magsama sila!

Nagmartsa na ako papunta sa room ko. Bahala sila sa mga buhay nila!

* * *

“Hay!” sakit-sakit ng mata ko. Inaantok pa ‘ko. Inis talaga. Ang sarap nila pagbuhulin. Ang hirap ng puyat noh! At kasalanan nila kaya napuyat ako ng ganito!

“Would you give me aspirin please… Ahh! Sakit ng ulo ko!” pupungas-pungas na sabi naman ni Nico na kapapasok lang sa kitchen. Since ako pa lang ang tao ditto at ako pa lang ang gising(or walang tulog rather) malamang ako ang dapat kumuha ng kailangan niya diba? Katulong eh *points at myself*

Tinimpla ko na lang yung hinihingi niya habang siya naman eh naupo sa upuan dun at isinubsob ang mukha sa table. Mukhang masakit nga ang ulo niya. Buti nga!

“Iinom-inom kasi di naman kaya.” Bulong ko.

“What?” nung lingunin ko siya ulit eh nakapangalumbaba na siya sa mesa. “You were saying?”

“Wala naman akong sinasabi ah.” Painosenteng sabi ko saka inilapag yung inumin niya sa harap niya. “OH!” medyo masungit na sabi ko.

“Baka hindi tanggapin ng sikmura ko yan. Highblood yung gumawa eh.”

“Aba’t choosy pa yang tyan mo ah! “ tinalikuran ko na nga lang siya at nagtimpla ako ng sarili kong kape.

“An gaga-aga ang sungit mo. Masama yan sa health.” Narinig kong sabi naman niya.

“Bakit mabuti bas a health ang uminom ng sobra at gumawa ng kababalaghan pagkatapos?” bulong lang yun. Wala talaga akong balak iparinig yun sa kanya kaso…

“Why? Jealous?”

“Don’t say bad words okay? Maririnig ka ni Lord.” Sabi ko ng di pa rin siya nililingon.

Narinig kong gumalaw yung upuan niya. Good. Mukhang aalis na sioya. Tantanan niya muna ako gantong bad mood ako.

But then again I’m wrong. Cause the next thing I felt was his arms wrapping around my waist…

“N—nico.”

“Don’t worry. It’s not against God’s Laws to fall in love at natural ang magselos kapag nagmamahal….”

Strangers Match-upWhere stories live. Discover now