Chapter 4

21 0 0
                                    



Agad akong umalis don at pumuntang rooftop. Nagunahan naman magsilabasan ang mga luha ko. Nakakainis ba? Oo, kiss lang yon. Pero napakalaking bagay sakin 'non.


"I want to kiss your lips so bad. But, mas gusto kong makuha yang first kiss mo, sa kasal natin." Nakangiting sabi ni Troy. Ramdam ko ang sincerity nya, kaya naman napangiti ako. 


"Promise me, Rain Alexis. Ako ang kukuha ng first kiss mo, okay?" Tumango ako at ngumiti.


"I promise, Troy." Niyakap ko naman sya ng mahigpit.


I'm sorry, Troy. Sorry. I failed you. 


Umupo ako sa bench at niyakap ang tuhod ko. Umiyak lang ako ng umiyak don. I hate you, Kai. I hate you so much. Napahawak ako sa labi ko at pinilit na binura ang halik nya 'don. Pero, hanggang ngayon nadadama ko pa din ang labi nya.


Doon ulit ako naiyak.


Wala akong pake kung di na ako nakapasok sa mga next subject. Gusto ko lang mapagisa. Ayoko silang makita, ayoko din makita si Kai. Andito lang ako sa lugar kung saan maalala ko lagi si Troy.


Para akong tangang napapangiti kapag may naalala akong alala namin. Hanggang sa magdidilim na pero wala pa din akong lakas na tumayo at umuwi. Kung pwede lang dito na lang ako matulog e, o di kaya magpatayo ako ng bahay ko dito.


Napangiti naman ako. 


"Alexis!" Hindi na ako lumingon, alam kong si Kuya 'yon. Naramdaman ko na lang ang mga hakbang nyang nagmamadali para lapitan ako.


Agad nya akong niyakap ng mahigpit. I'm sorry, Kuya..


Napaluha nanaman ako. Nagaalala nanaman si Kuya sakin. Lahat ginawa nya para lang mapasaya ako simula nung lumabas ako sa hospital at inalaagan nya ako kahit na ayaw kong magpaalaga sa kanya noon.


"Bakit ba andito ka pa din? Alexis, 9pm na. Kanina ka pa namin hinahanap. Akala namin may masamang nangyari na sa'yo." Mahinang sabi nya. Bahagya naman akong nagulat. 9pm na pala? Di ko manlang namalayan.


"Sorry, Kuya. Pinagalala nanaman kita." Mahinang sabi ko at binigyan sya ng pilit na ngiti. Kumalas naman sya sa yakap at tinignan ako maigi. Tsaka ngumiti at ginulo ang buhok ko.


"Shh, umuwi na tayo okay? Nagluto si Mama ng favorite mo." Napangiti naman ako at tumango. Panigurado, mas nagaalala si Mama.


Nakarating kami sa bahay, agad din akong sinalubong ni Mama ng yakap. Yakap na sobrang higpit at naramdaman kong nawala ang sakit at pagod na nararamdaman ko. 


"I'm sorry, Alexis. Kung pwede ko lang alisin ang lahat ng sakit na nararamdaman mo, nagawa ko na." Nangilid ang luha ni Mama. Napatungo naman ako, para di nya makita ang pagluha ko. Alam kong mas nasasaktan sya kasi nasasaktan ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

10 reasonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon