Chapter 1

240 15 20
                                    


Unang araw ko sa pagpasok ngayon. Lahat sila nakatingin sa akin, marahil kilala nila ako. DIto 'rin kasi ako pumasok ng Highschool. Ngayon kasi 2nd year college na ako. Business Ad ang kinukuha ko.


Siguro, pinagtitinginan din ako. Dahil sa kasama ko. Si Kuya Kris. Oo, kapatid ko. Pero, nilayo siya sa akin ni Mama kaya hindi kami masyado nagkikita dati. Ngayon naman, okay na kami ni Mama. Nagkapatawaran na kaming dalawa.


"Lexi, Are you okay?" Mahinang sabi ni Kuya. Tumango naman ako. Ilang buwan na 'rin ang nakalipas. Simula noong nalaman ko na patay na pala si Troy.


Lagi akong umiiyak. Tulala at hindi kumakain. Mahal ko masyado si Troy. Pero, kailangan kong mag move-on. Kailangan ko siyang pakawalan. Pero, paano?! Eh, lagi ko siyang iniisip. Lagi 'rin akong nasa puntod niya.


Nandito na ako sa tapat ng room ko. Papasok 'rin si Kuya Kris. 3rd year college naman siya. Civil engineering. 


Umupo ako sa pinakadulo. Buti nalang konti pa lang ang estudyante dito sa room. May ilang babaeng ngumiti at bumati sa akin. Meron ding, ang sasama ng tingin sa akin.


Siguro, dahil ako ang dahilan ng pagkamatay ng isa sa Heartthrob dito sa school. Yung mga ngumingiti. Tinatanguan ko naman. 


"Oh, look who's here. Wow! Nabuhay ka pala, ano?" Napangiti ako. Hindi pa 'rin siya nagbabago.


"Yeah, di ba halata?" Agad sumama ang tingin niya sa akin.


"Hey, everyone! Siya! Siya ang dahilan ng pagkamatay ni Troy! Diba dapat siya na lang ang namatay?!" 


Nakatingin lang ako sa harapan. Hindi siya pinapansin. Trying hard ka masyado, Ashley Montenegro. Yup, kapatid ni Troy. But, ampon lang siya. Pero, hindi alam ng lahat. Insecure siya sa kapatid niya. At, sa akin.


"Oh shut up, Ashley. Baka gusto mong ipagkalat ko ang darkest secret mo?" 


Tumayo ako. I smirked. Namutla siya agad sa sinabi ko. Pwedeng-pwede ko naman ipagsabi 'yon. 


Umalis na lang siya. Walk out queen. Bago ako ma-coma. Ako ang tinaguriang Queen Bitch dito sa school. Pero, ngayon? Hahaha! Na-reasearch ko na prinoclaim ni Ashley ang sarili niya bilang Queen Bee. Hindi ko naman kailangan 'yon. 


Pupunta na lang ako ng cafeteria. Bago ako pumunta ng cafeteria. May mga babaeng natakbo!! Shet, ano meron?! Meron silang banners.


Papunta sila sa akin! Nagtitilian pa sila. Ghad! Katapusan ko na ata. Troy magkikita na tayo! 


Nang may biglang humila sa akin. Nakaharap siya sa akin at tinatakpan ang bibig ko. Shet, y-yung mga mata niya. Pamilyar.. parang yung kay Troy. 

10 reasonsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora