Please Remember

13.6K 141 41
                                    

TEASER:

 "Nararamdaman kong unti-unti na siyang inilalayo ng panahon sakin, na ang tanging bagay na magagawa ko na lang ay ang pasayahin siya, at magkunwaring matatag sa harap niya."

   Matapos mabigo ni Ellaine sa kanyang unang ipinaglabang pag-ibig ay napagdesisyunan niyang magpakalayo-layo muna pansamantala upang tuluyang makalimutan ang pinakamasakit na pangyayari sa kanyang   

buhay.  Binalot siya ng lungkot at paghihirap dulot ng naramdamang pagkabigo na sinabayan pa ng paglala ng kanyang sakit, ngunit tila may natitirang awa pa sa kanya ang tadhana.

  Sa kanyang pag-alis ay hindi niya inaasahan ang pagsunod sa kanya ni Migz Samaniego - ang tangi at nag-iisang lalaking nagmahal at nagmamahal sa kanya ng totoo sa kabila ng pagtatabuyan at pagsasawalang-bahala niya rito noong mga oras na nabulag siya sa pag-ibig na akala niyang tama. Humiling ito sa kanya ng mga bagay na hindi niya akalaing gagawin pa rin nito sa kabila ng pananakit niya rito noon - ang tulungan siya, alagaan, pasayahin at  patuloy na mahalin, hamakin man ito ng lahat. Tila may kumurot sa kanyang puso.

  Paano nga ba niya makakayaning tanggapin ang pag-ibig nito gayung meron na lamang siyang natitirang isang taon para mabuhay?

   Hindi niya yata maaatim na makitang magdusa at mabalot ng kalungkutan ang buhay ng lalaki...... - ang lalaking ipinangako niyang kanyang huling mamahalin.

 On her first anniversary on wattpad,

MissSONE

present's

   From the story  "A Wife's One-Sided Love",

 I proudly brings,

   Ellaine Villanueva and Migz Samaniego.

 Ang kwentong kukurot sa inyong mga puso, kwentong magpapatunay na ang tunay na pag-ibig, hindi sinusukuan kundi ipinaglalaban- humadlang man ang kamatayan.

   "Please Remember"

SOON...................... 


Please RememberWhere stories live. Discover now