#13: Find A Way

1.6K 30 1
                                    

MediaBox: Safetysuit - Find A Way

"She's worried. You have been ignoring her for the last two days." Vhong said sa kabilang linya ng telepono.

"I know. I know!"

"Pumunta ka na lang dito ngayon. Dinner lang. Hindi ka na nga sumama kagabi" said Vhong. Parang 'di naman niya alam yung rason.

"I'm just keeping my distance. You know! I can't be around him. Or this feelings will grow... and just shut your mouth. Anne can't know about this."

"Look. Just return her calls at hindi na kita kukulitin. C'mon! she's your bestfriend." He said na parang pinapaalala pa sakin na hello si Anne kaya  ang bestfriend mo. Dapat siya kausap mo ngayon.

I sighed before answering. "Alam ko. Hindi mo naman ako kailangan i-remind.." i rolled my eyes. "Eh hindi niya naman kasi kailangan malaman. Parang hindi mo naman kilala Girlfriend mo. Mangenge-alam yun kapag alam niya na dehado ako" vhong just hummed on the other line to agree with me. Kung hindi rin naman kasi niya nahalata wala naman kasi talagang makakaalam.

"O sige na."

"Anong sige na? Mag promise ka muna na tatawagan mo si Anne."

"oo na nga."

------

"Hey!" i said ng sagutin ni Anne ang phone. Siyempre excited naman siya. Pangit pala sa feeling kapag hindi mo nakukwentuhan yung bestfriend mo.

"Are you mad at me?" tanong niya. She sounded guilty kahit wala nman siyang ginawa sakin.

"No! hindi. hindi." panic na sagot ko. ako galit?

"I just thought lang. Hindi ka kasi nagtetext or tumatawag. May problema ka ba?"

hmm oo. kasi dapat over na ako kay Vice pero No! hindi pa pala. "Wala. Wala. Hmmm... Busy lang talaga" pag deny ko naman.

"Okay?" wow. naconvince na agad siya dun?

"Why don't you come over. Vice will bring his girlfriend para daw ma meet natin" So yun pala ang reason ng dinner ngayong gabi. Hmm...

"Uhhmmm... I don't know..." mabagal na sagot ko. Ano nanaman irarason/sasabihin ko? Naisip ko nanaman yung sinabi ni Vhong dati na grabe mag alala si Anne. "...Sige. Punta ako" yikes!

------

I knocked. Vhong opened the door and hugged me. "Thank you!" he whispers tska kalas sa pagkakayakap niya sakin. Nakangiti naman akong sinalubong ni Anne at agad akong niyakap.

"Finally!" she said. "Grabe. Kung hindi pa pipilitin hindi pa talaga pupunta." nag smirk lang ako. I looked around at napansin naman ako ni Vhong.

"Nasa kusina. Nagpe-prepare ng dinner" parang sira! nag make face lang ako sa kanya natawa naman siya.

"Drinks, K?" offer ni Anne.

"Parang bago naman ako dito, Anne. Ako na lang kukuha mamaya." sita ko sa kanya.

"Parang ang tagal mo na kasing hindi nagpakita e. I missed you!" she hugged me. Bigla naman lumabas from the kitchen si Vice at nakita ako.

"Uy. Namiss kita!" sabay ngiti sa akin. Napatingin naman ako kay Vhong na nakangiti sa harapan ko. Inirapan ko lang siya.

"Hi" maikling bati ko.

"Uy, K. Tulungan mo naman ako. Alam kong masarap ka magluto e" tumabi siya sakin actually umupo siya sa gitna namin ni Anne. Vice is vice. Clingy na naglambing na tulungan ko siya. Napatingin nanaman ako kay Vhong na ngayon ay umiiwas ng tingin sakin habang magpipigil ng tawa. Tumayo naman ako para makabitaw sa mga hawak ni Vice.

Infinite Playlist || VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon