#11: Sad

2.8K 73 7
                                    

MediaBox: Maroon 5 - Sad

To the GIRL who holds my heart,

          Gusto ko lang malaman mo na ngayon ko lang talaga napagtanto na mahal pala talaga kita. Sorry ha. Tama nga sila. Tsaka mo lang malalaman na mahalaga ang isang tao kapag nawala na siya sa iyo. Kaya lang kita iniiwasan noon kasi masyado na akong napapalapit sayo. Hindi ko alam kung tama pa ba ang pagiging malapit natin sa isa't isa kaya binibigyan na ng malisya ng iba. Masisisi mo ba ako? Bakla ako non e. Aaminin ko, hindi ako makapag-isip ng tama kapag nandiyan ka, i get tongue tied kapag nandiyan ka. I don't know. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Ang alam ko kasi noon mahal na kita higit sa pagiging kaibigan pero never naging papunta sa gugustuhing maging kasintahan. Pero I was wrong. Para kang kape na hinahanap-hanap ng katawan ko tuwing umaga. Ginising mo ako. You did wake me up. I woke up one day na I do love you.

Full pledge bakla na ako noon. Na figure out ko na lahat. Gustong-gusto ko ng ipag sigawan sa mundo na, Hoy, itong baklang 'to titingalain ng lahat ng tao at hinding hindi na makakaranas ng diskriminsayon. Ready na ako non. Natupad naman. Almost lahat ng gusto kong mangyari sa buhay ko nagawa ko na. As in everything. Pero you came. Dumating ka. Yung isang full pledge na bakla biglang nagdalawang isip? Nag tanong ako sa sarili ko ng mga tanong na never in my wildest dream na itatanong ko ulit sa sarili ko dahil sa sitwasyon ko, handa na ba akong magpakalalaki ulit? Kaya ko bang baguhin ng lahat ng ito mapatunayan lang na seryoso talaga ako sa sayo? Ikaw lang. Si Vice Ganda na tinawag mong Vice Pogi noon na hindi na ngayon  ma-imagine ang mundo na wala ka. Na hindi na kayang bumalik sa dati niyang buhay ng hindi ka kasama. Pero kasalanan ko naman. Alam ko. Hindi kita sinisisi. Gusto ko lang malaman mo na dumating ako sa punto na yun.

Gusto kong sabihin na kasalanan mo, pero kasalanan ko naman talaga. The day I said I didn't like you nung umamin ka na nahuhulog ka na sa akin, yun ang pinaka tanga-slash-stupid-slash-craziest move na ginawa ko. That was my chance to tell you what I feel and I blew it. I hate myself for that. As a matter of fact, I loved everything about you. Your beautiful brown eyes, your pointy nose, your naturally reddish cheeks and your lips... God I love that lips. I want to kiss those lips. I want to taste those lips. Nakatatlo na nga ako diyan e. Damn regret! Hindi ko lang kasi talaga gusto yung nangyayari sakin noon. Ba't ka nagkakagusto sa kanya. Bakla ka kaya! I keep on reminding myself that. Natakot ako sa pwedeng mangyari. Natakot ako sa pwedeng maging ako dahil sa nararamdaman ko para sayo. Natakot akong mawala ka kapag ipinilit kong maging tayo.

Minsan I day dreamed about you. I want to touch your face habang natutulog ka pa kapag una akong nagising sa umaga. Gusto ko ako yung una mong makikita kapag gising mo sa umaga. Gusto ko ako yung unang babati sayo ng good morning at sasabihan ka na Mahal kita o di kaya'y Ang ganda mo.  Gusto kong hawakan ang kamay mo habang naglalakad tayo. Gusto ko ikaw ang kasama ko at 2am eating sushi and bacon dog na nabili natin sa banchetto dahil nagutom tayo after ng movie marathon. Gusto ko ikaw kasama ko sa beach at naka upo lang tayo doon without even talking. Naiimagine ko na yung buhay kasama ka. Am I too soon? Sorry ha. Just can't let go of the fact that I did let you go. Gusto ko yung kabuuan mo pero ayoko yung nagiging ako when I'm around you. Masaya pero natatakot ako.

Alam ko naman na darating tayo dito e. Alam kong kasalanan ko rin naman kasi ako rin naman ang nag udyok sa atin na mangyari to. Alam kong sa simula palang ng loveteam na ito may mangyayari ng ganito ako lang talaga tong nagpatalo. Iniisip mo siguro kaya ako lumayo kasi ayaw kong mawala ka, totoo yun pero kasi ayoko rin mawala yung Vice Ganda. Ayokong mawala yung ako. Yung malaya, yung nirerespeto ng mga tao, yung komedyanteng BAKLA na nagpapasaya ng madla. Ayoko kong mawala yun.

Infinite Playlist || VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon