Kabanata 5

1.2K 59 14
                                    

note: nareformat yung laptop so nawala yung sampung updates ko dito sana sa Shutterbug kaya heto at nagsimula muli akong magtype. pasensya na sa sobrang tagal. thankyou nga pala kay Commanderfluffy dun sa dating book cover!

--

Kabanata 5

Rice Cake

Naglalakad ako ngayon pabalik sa bahay. Inutusan kasi akong bumili ng ingredients. Tutal 1st year highschool naman na ako, pwede na akong lumabas labas kahit mag-isa lang. Pero syempre sa malapit lang. Magagalit kasi si Mama kapag umaalis ako ng bahay ng walang kasama kapag sa mga malalayo.

"Ma, eto na po." nilapag ko ang mga pinamili ko sa lamesa. Nandito ang mga katulong namin pero tinutulungan nila si Mama para makapaghanda ng dinner. Ako na rin kasi nagpresenta kay Mama na ako na lang bumili dahil wala rin naman akong ginagawa.

"Thankyou, baby!" tumango na lamang ako at saka pumanik sa aking kwarto. Matagal na akong graduate ng Grade 6. Ang bilis nga naman ng panahon dahil magdadalawang taon na pala kami dito sa Korea pero wala pa rin akong kaibigan. Tanging yung mokong lang... ay hindi pala. Hindi ko naman kasi yun kaibigan.

Binuksan ko ang pintuan sa veranda. May veranda kasi ako at lagi ako rito lalo na kapag gabi. Malamig kasi ang simoy ng hangin di tulad dun sa loob ng kwarto. Oo, naka-aircon naman kaso iba pa rin talaga kapag sariwa ang hangin ang nalalanghap.

Umupo ako sa upuan ko at itinaas ang paa dun sa isang upuan. Tumingala ako para makita ang mga nagniningning na mga bituin. Ang sarap talaga kapag nahihiwagaan ka sa paligid. Tahimik at ang tanging maririnig lamang ay ang mga kuliglig sa tabi.

Habang nagpapahinga ay nakarinig ako ng sitsit. Napabalikwas tuloy ako at napatingin sa harap ko.

"Pssst! Pangit!!" kumunot ang noo ko ng makita ko nanaman ang pinakapangit na lalaki sa balat ng lupa. Katabi ng bahay namin ang kanilang bahay at halos hindi talaga ako makapaniwala! Akalain mo yun? Hanggang sa bahay hindi ako matatahimik dahil parati siyang nandito sa bahay para magpasikat kina Mama.

"Nandyan ka nanaman sa lungga mong bulok. Kaya nabubulok ka rin eh pffft hahahaha!" umirap ako sa bwisit na isang to. Ganyan yan parati kapag nakikita niya ako sa veranda ko. Ewan ko ba at nakikiepal nanaman. Wala nanamang magawa.

Tumayo na ako at humalukipkip. Tinignan ko siyang tumatawa ng sobrang lakas. Hindi ba siya nahihiya at gabi na? Wala talaga tong pakundangan. Tumalikod na ako at narinig ko siyang sinisigaw ang aking pangalan.

Sinara ko na ang pintuan at pinatayan siya ng ilaw. Bahala siya diyan tutal sanay na siyang lagi kong pinagsasarahan ng pinto. 

Bumaba na lang ako ng sala dahil wala rin namang magagawa sa kwarto. Narinig kong parang natataranta si Mama dun sa kitchen kaya naman pumunta ako dun. Halos silang lahat ay may ginagawa. Yung dalawa naming katulong ay hindi rin magkanda-ugaga.

"Mama, ano pong nangyayari?" tanong ko sa gitna ng kanilang mga ginagawa.

ShutterbugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon