Chapter 18

27 0 0
                                    

DARWIN'S P.O.V

Linggo ng umaga, pumunta ako sa bahay ni Hannah. Wala lang. Bakit ba? Trip ko lang na pagtripan ulit siya. Pampagana lang. Hahahaha!

"Nanay naman eh! Ayaw ko naman kasing umattend dun!" parang batang nagwawala si Hannah sa tapat ng bahay nila habang kausap yung nanay niya.

"Eh hindi nga pwede! Akala ko ba pumayag ka na kay Darwin ijo?! Lumayas ka na't bumili ng mga gagamitin mo sa prom! Dali dali!" pagpupumilit naman ng nanay niya habang tinutulak pa si Hannah.

"Ma naman! Sa friday pa yun!!!"

"Eh ano naman?! Wala na namang ikaw ibang oras pa para pumunta ng mall kundi ngayong weekend! Kaya ngayon na! Dali dali!"

"Hayyy! Oo na! Oo na po! Tsk!"

"Good morning po nanay! Hahahahaha!" lumapit na ako sa kanila at nag-bow sa harapan ni nanay Ella.

"Ano nanamang ginagawa mo dito??!!!" iritang iritang tanong ni Hannah habang nakatingin pa sa langit.

"Oh ijo! Ang aga pa ah! Good morning din!" bati din naman ng nanay.

"Samahan ko na po sa mall si Hannah nanay?" alok ko habang inaakbayan si Hannah.

"Wag na!! Kaya ko na sarili ko!!"

.

.

.

.

Nandito kami ni Hannah sa isang couture shop sa loob ng mall. Wala na siyang nagawa kanina at hinayaan na lang akong sumama sa kanya. Kaya ayan bwiset na bwiset nanaman siya. Kanina pa siya sumisigaw sa loob ng dressing room dahil di daw niya maisara yung zipper. Tapos mumurahin ako. Ang lakas lang ng tama. Pati ako nadamay sa ayaw pagsara nung zipper nung gown.

"Taba mo kasi!" sigaw ko habang nililipat yung page ng magazine na binabasa ko.

"Gago! Manahimik ka diyan! Ugh!" sigaw din naman niya. Nakuuuu. Buti na lang at malaki yung shop at malayo yung dressing room dun sa mga customers at staffs. Ang ingay ingay pa naman niya tsk.

"Ang kati! Kasi naman! Bat pa kasi may gani-ganito pa sa prom?!" angal niya. Hindi ko na lang pinansin para manahimik na siya.

Mga ilang minuto din, lumabas na siya mula sa dressing room. Suot suot niya yung pinili kong gown. Ako ang pumili kasi hindi niya daw alam kung anong klaseng gown ang bagay sa kanya. Kulay black ito kasi yun daw ang favorite niya. Pinilit ko nga kanina yung pink na gown na nakita ko kasi parang bagay sa kanya. Kaso ayaw talaga. Kaya hindi ko na ipinilit pa kasi ang ingay din ng bunganga niya sa kakaangal. Nakakahiya sa nag-aassist.

It's a black tube gown na may mga gems na nakalagay dun sa top part ng gown. Kuminang kinang ang mga iyon dahil nagreflect dun yung isang ilaw ng shop.

Kanina, di ko ma-imagine yung kakalabasan ng itsura niya pag naisuot niya na yung gown, pero... AISH! A-ang ganda niya. Realtalk. Lalo na't tinali pa niya pataas yung buhok niya dahil naiinitan siya. Bagay sa kanya.

"Oh ano na?!" tanong niya habang pumameywang sa harapan ko.

"H-ha?" dun naman ako natauhan. "A-ay! Talikod ka nga."

At yun nga ang ginawa niya. Labag sa loob siyang tumalikod sa akin. Backless nga pala yung gown.

"Harap ulit," sabi ko at sinunod din naman niya. "Yan na! Bilhin na natin yan!"

"Ayos lang ba?" tanong niya habang tinitignan pa ang sarili niya sa salamin sa kanan niya.

"Oo! Ayos yan! Yan na lang! Bagay!"

She's a Rebel! [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon