Kabanata 1

1 0 0
                                    

GRAZIELLA'S POV

Simula ng kinausap ako ni Maam Adelaide, sinubukan ko ng makipag-usap sa iba. Hindi sa mahiyain ako, hindi lang ako sanay na napapalibutan ng maraming tao. May matatalik din akong kaibigan, si Fiara at Kenneth, magkaklase na kami simula high school.

Huling subject ko ngayon ang kay Maam Adelaide. Hinihintay namin siyang dumating, limang minuto na lang bago magsimula ang klase.

Dumating siyang sakto alas singko.

"Good afternoon class."

"Good afternoon ma'am!"masigla naming tugon dahil lahat kami ay gusto ng lumabas kahit kasisimula pa lang ng klase.

"Okay. Hindi muna ako magle-lecture ngayon dahil may meeting ang faculty and staff. I'll leave you an assignment and it will be done by pair. Iiwan ko ito kay Gisel at siya na ang bahala sa inyo." Pagkatapos ay lumabas na si maam.

Sinulat ni Gisel sa pisara ang assignment, siya ang class mayor namin kaya siya ang palaging na aatasan kapag may mga habilin ang mga guro.

Para patas ang pagpares niya sa amin, nagbunutan na lang kami. Sa bawat papel, may nakasulat na number. May dalawang papel na parehas ang numero, kung sino ang nakakuha ng numero na katulad sa nabunot ko ay siyang magiging partner ko. Hindi na namin pinatagal para makauwi na kami ng maaga. Ang nabunot ko ay 19. Si Mona ang partner ko kaya okay lang sa akin. Nagpalitan kami ng cellphone number para magtetext na lang kami dalawa.

"OMG! Si Kenneth ang partner ko beh! Uwaaah!" tili ng tili si Fiara habang nag-aayos kami dito sa CR.

May lihim siyang pagtingin kay Kenneth, yun nga lang hindi niya alam dahil may iba siyang nililigawan. Taga ibang department.

"Ano naman ngayon beh? Eh lagi naman natin siyang kasama."

"Iba yun beh, threesome kasi tayong tatlo. Ngayon, kami lang dalawa. Yieeeeh"

"Bunganga mo, may makarinig sa iyo niyan iba pa ang isipin."

"Hindi ka na nasanay sa akin beh hahaha"

Ewan ko ba paano ko siya naging kaibigan. Dumaan kami sa isang coffee shop bago umuwi. Nakasanayan ng lalabas kaming tatlo tuwing biyernes. Ngayon lang hindi nakasama si Kenneth dahil may importante daw siyang pupuntahan.

"Kailan naman kayo gagawa ni Kent ng assignment kay Ma'am Adelaide?" usisa ko habang sumispsip siya ng frappe.

"Bukas, sa bahay nila kami gagawa. Kaya nga ne e-excite na ako, magkaka alone time na rin kaming dalawa."

"Beh, wag ka ng umasa sa kanya. Diba, may nililigawan daw siya."

"Hindi pa naman sila eh, kaya may pag-asa pa ako. Ano ka ba, imbes na suportahan mo ako, ikaw pa 'tong naghahadlang sa pag-iibigan namin. Huhuhu. Akala ko kaibigan kita, akala l-lang pala yun. Maling akala huhuhu." 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 08, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AuthopileWhere stories live. Discover now