Prologue

5 0 0
                                    

Kasalukuyan akong naghihintay dito sa opisina ni Ma'am Adelaide. Habang nagkaklase kami kanina, sinabi ni Sir Marco na excuse muna ako sa klase dahil pinatawag ako ni Ma'am Adelaide.

"Good afternoon Ms. Ng. Pasensya na at napaghintay pa kita, katatapos lang namin mag-usap ni President." pahayag ni Ma'am Adelaide pagkapasok ng opisina.

"Good afternoon Ma'am, kararating ko lang din naman po."

"Alam mo ba kung bakit kita pinatawag?"tanong niya sa akin.

Sinabi kong hindi. Pinakita niya sa akin ang records ko sa kanyang subject. Kahit ako ay nabigla, dahil halos isang puntos na lang at magiging pula na ang grado ko. Magtatapos na ako sa Marso, ayaw ko naming hindi makamartsa dahil lang doon. Pinayuhan niya ako na kailangan kong magparticipate sa mga activities na ibibigay niya. 75% ng aming grado ay kinukuha niya sa class participation. Kailangan kong makihalubilo sa iba kong kaklase.

AuthopileWhere stories live. Discover now