Chapter 6

927 9 0
                                    

Chapter 6

Nakaasar, bakit naging kaklase ko pa ang isang ito. Pwede naman sa iba siya ah. Wag lang dito. Hindi siya welcome. Tapos yung katabi ko ewan ang tahimik. Siguro dahil nakikinig na siya sa professor at ako heto nagrarally pa sa isipan ko, edi sana walang tao sa likod ko, na sobrang kinaiinisan ko.

Lumilipad sa alapaap ang utak ko. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi ng professor.

Buti at natapos na ang klase, nakaligtas ako kasi hindi ko na kaya ang atmosphere sa loob ng room kanina. Hinanap ko si Steve at nakita kong wala siya sa kinauupuan niya kanina. Saan kaya nagpunta ang isang iyon?

Habang naglalakad ako sa corridor, may humila sa braso ko at sinampal ako.

"You're such a BITCH" sigaw saakin ng babaeng humila sa buhok ko at lakas loob na sinampal ako. Parehas kami ng uniform for sure parehas kami ng course.

"Sino ka? At wala kang karapatang sabihan ako ng BITCH, wag mo ko ikumpara sayo na bigla biglang mananampal" bato kong mga salita sa babaeng ito! Bigla na lang siya mananakit at alam ko wala akong naging atraso sa babaeng ito.

"Aba! Sumasagot ka!" sigaw na naman niya at aakmang sasampalin ulit ako pero nahawakan ko ang kamay nito at saka pinilipit.

"For your information, hindi ako basta basta nanakit pero nagumpisa ka, magtiis ka ngayon sa sakit na gagawin ko sayo at pakitandaan sa kokote mong mapurol na, I'm not a bitch like you!" napuno na ko sa babaeng ito. Akala mo kung sino, susugod ng walang dahilan.

"Bitch ka! Ikaw yun! Dalawang lalaki pa ang susubukan mong tuhugin! Una si Steve tapos isusunod mo si Red! Walang hiya ka! Bitch ka!" umiiyak na ito sa sakit ng kamay pero nanlaki ang mga mata ko at napanganga pero hindi ko pa rin binibitawan ang pagkakahawak ko sa kanya, yun pala ang dahilan ng babaeng ito.

"Aba, haha sasaktan mo ako para sa mga lalaking iyon? Eh wala kang magagawa kung ako gusto nung mga yun, kaya HANDS OFF!" Taas noo ko sinabi sa kanya at isinampal sa pagmumukha niya ang mga salitang yan. Binitiwan ko yung kamay niyang pulang pula na. Kasalanan niya yan , hindi niya alam kung sino ang binangga niya.

Hindi ko sana siya sasaktan kung hindi niya ako sinaktan in the first place, at tsaka wala siyang karapatan na gawin yun sakin at never akong sinampal sa buong buhay ko, arrgggh!

Pumunta ako sa roof top para ikalma ang sarili ko sa nangyayari at kung saan wala namang tao doon, ang ganda ng tanawin doon pero naramdaman ko na lang ang mga pisngi ko na basa na dahil sa mga luhang nag-uunahang bumagsak sa mata ko.

Naalala ko ang mommy ko kapag ganito kaganda ang view siya ang naalala ko. Hindi ko maiwasang umiyak.

Nabigla ako sa yumakap sakin pero hindi ko na inangat ang ulo ko alam ko kung sino siya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa taong biglang yumakap sakin.

"Wala, masama?" sabi nito.

"Wala ako sa mood makipag-asaran"

Bigla na lang tumambad sakin ang isang box ng ferrero. Kuminang bigla ang mga mata ko sa nakita ko.

"Akin ito?" itinuro ko pa ang sarili ko sa nakita ko.

"Oo, sayo nga" nakangiti itong sabi.

"Salamat Steve" ngiting ngiti ko naman sinabi sa kanya atsaka siya yinakap.

Dugdugdugdugdug.

Sinundan ko ang mga mata niya, nakita kong sa labi ko siya tumitingin pero this time hindi ako pipikit baka lokohin na naman ako ng mokong na ito! Pero nanlaki ang mata ko ng naglapat na ang aming mga labi hanggang sa nadala na ako ng bugso ng damdamin napapikit na ko.

Bakit para saan iyon? Napatanong ako sa isipan ko at umalis na ako sa tabi ni Steve dahil sa hiya.

Kinikilig ako. Grabe! That was my first kiss! Anong nangyari sa buong katawan ko at hindi ko nagawang itulak siya at parang nalasing ako sa halik niya kanina pero para saan iyon?

--

Habang nagliligpit ako ng gamit, bigla biglang kumaripas sa paglalakad si Steve. Problema nun?

"Steve?!" tawag ko pero nakalabas na siya.

Dali dali ko siyang sinundan para tawagin kaso nakasalpak na ang mga earphone niya sa mga tenga niya hindi na niya ako maririnig. Nakaramdam ako ng lungkot kasi bakit parang may mali ? Bakit parang iniiwasan niya ako? Dahil ba sa halik na nangyari kanina?

Nagulat ako sa taong nagpatong ng kamay sa balikat ko, akala ko multo na. Lumingon ako sa taong yun at nakita ko itong lalaking kinaiinisan ko! Si Red! Si Pula! Pink na lang para bagay. Haha!

"Oh anong kailangan mo? Mangiinis ka na naman?"

"Halika!" hinila ako nito ng pagkabilis bilis. Nilagpasan nga naming si Steve pero expressionless siya ng nakita niya kami. Ang weird alam niyo ba yun.

Bakit ganun kumilos si Steve anong ginawa ko sa taong yun?

Hinihila pa rin ako nitong Pink na to. Nakakaasar saan ba kami pupunta?

"Oy! Pink! Saan ba tayo pupunta?" tumigil kami bigla nabunggo naman ako sa likod niyang napakitigas.

Teka!! Anong nangyayari sakin? Hinalikan lang ako ni Steve *gulp* alam ko na yung mga matitigas na bagay. Manyak na ata ako pero wag naman sa Pink na to.

Lumingon ng masama si Pi—este Red pala. *gulp* Nakakatakot yung mga tingin niya.

"Anong itinawag mo sakin?" nagliliyab na siya. Whaaaa! Kakatakot!

"S-sabi ko R-red" panginginig kong sabi dahil natatakot na ako sa kanya.

Bigla niya ako kinulong ng bisig niya malapit sa pader. Hala? Ano ito? Nanlaki yung mga mata ko. Whaaa! Tapos wala pang dumadaan sa kalye na ito.

Nakakatakot siya.

"Gusto mong malaman kung anong pangalan ko ? Ako si Red at hindi Pink" nakakatakot na talaga siya tumingin siya sa labi ko pababa sa dibdib ko.

Ahhhh! Manyak! Tinadyakan ko nga pero hindi ko siya natadyakan bigla siya yumuko at nagsintas. Huwhaaa! Akala ko manyak, tiningnan niya pa lang yung sapatos niyang hindi nakasintas. Napahiya ako dun. Dirty-minded na ata ako.

Umalis ako sa kinatatayuan ko bago niya ako ikulong ulit sa bisig niya. Tumakbo na ako. Bakit ba napakalapitin ko sa mga lalaki ngayong araw? Nakakainis! Kanina hinalikan ako ni Steve tapos ngayon may balak pa ata akong halikan ni Red!

Parang nawala ang kaluluwa ko sa mga nangyayari.

© Copyright of iKilledThatSmile's Stories

Start the day with you <3 (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon