Chapter 2

1.1K 13 2
                                    

Chapter 2

Ilang tulog na lang may pasok na. Nagreready na ako sa mga gagamitin ko kasi baguhan pa lang ako sa kolehiyo. Habang ako ay naglalakad sa park dahil nabobored na ako sa bahay. Naglalakad ako ng biglang may lumipad na bola sakin.

Arrgggh! Ang sakit nun! Nilingon ko yung mga nagbabasketball at umagang umaga sinisira nila.

"Miss, okay ka lang?" tanong sakin

"Hoy! Akala mo kung sino ka ah!"

Ay teka!

"Ikaw yung kahapon, oo ikaw yung lalaking nakabangga sakin ng hindi nagsosorry, ayan kainin ka sana ng bola mo!" nag-walk out na lang ako.

Ang malas ko naman ngayong araw, bakit siya na naman? Ang dami naman pwedeng makatama sakin ng bola, bakit siya ulit, arrgh! Umuwi na lang ako medyo nakalog ata ang ulo ko sa pagkakabato ng bola. Pagbabayaran ko talaga siya humanda siya sakin pag nakita ko siya. Hindi lang ako nakabawi kanina kasi ang daming tao sa paligid ayoko naman gumawa ng eksena.

Araw na ng Pasukan

Ang laki naman nitong school na pinasukan ko. Mukhang araw araw ako maliligaw ako sa laki nito. Masasanay din ako. Nagtotour na kami, maya maya magstart na rin ang klase.

Kailangan kong makarating sa H.E. Building kung saan doon ang una naming klase. Magtatanong nga ako. Kinulbit ko yung una kong nakita.

"Kuya, pwede magtanong?" sabi ko

"Nagtatanong ka na" walang pakundangang sabi nito.

Kilala niyo kung sino, yung lalaking walang sorry sa bokubularyo niya.

"Tss. Ikaw na naman?! Sinusunduan mo ba ko?" tanong ko.

"Oy, kapal mo" tapos nagwalk-out ang koya niyo.

May pinagtanungan ulit ako. Tinuro nga niya kaso hindi ko naiintindihan kaya pakapalan na ng mukha.

"Kuya, hindi ko naintindihan eh, pwede mo ba ako ihatid dun?" Hinatid naman ako ni kuya dahil wala naman daw siyang klase kaya nagpasalamat ako.

Nang makarating na kami sa isang building , tiningnan ko kung ano yun. H.E. BUILDING. Tiningnan ko siya kasi

Pumasok na lang ako sa una kong klase andun na lahat ng mga bago kong kaklase mukhang late pa ata ako. Huhuhu , ang hirap kasi hanapin tong building na to. Nagpunta ako sa bakanteng upuan sa may dulo. Ang layo naman ng uupuan ko, kung hindi lang sana ako late sa unahan ang pipiliin ko.

"Uhm, pwede magtanong kuya?" tanong ko sa katabi ko.

"Nagtatanong ka na" nagulat ako dahil heto na naman kami.

"Bakit ikaw na naman?" napalakas ang sabi ko dahil lumingon ang mga blockmate ko sakto namang dunating yung professor. Kamalasan na naman ba ito?

"What's going on there?" nakakatakot naman tong professor na to.

"Nothing ma'am" sabi ko na lang

Buti naman okay na. Parang mangangain ung professor kanina. Humanda talaga tong katabi ko nakakailan na siya bibingo na siya.

Nagpunta naman ako sa next class ko hinintay ko na lang matapos yung buong araw gusto ko na talaga umuwi. Wala naman kasing magandang nangyari dahil sa wala pa akong bagong kaibigan yung lagi kong nakakatabi minuminuto akong iniinis , feeling close eh.

Umuwi na lang ako sa bahay na pagod pagod , para akong binagsakan ng langit at lupa.

"Hey , pagluluto ko si Isha hah" narinig ko kay.....

Huwhaaaaaa. Ateeeee Clarisee nandyan siya , bumalik na ulit siya. Kumaripas ako ng takbo sa kusina at niyakap ko siya , namiss ko siya.

"Buti ka pa Isha , nayakap mo ng bongga yang babaeng yan , eh ako tsk , wala ni isang pasalubong" pagtatampo ni kuya

"Ipagluluto mo ako ate? :)" ngiting ngiti kong sabi

Ang ganda niya pa rin, lulutuan niya talaga ako kaso surprise daw dapat yun sinabi ko sa kanya na narinig ko yung sinabi niya.

"Ate , magbibihis lang ako saka tayo chika mamaya"

"Sige :)" sabi nito

Umakyat ako sa taas kasi yumakap ako sa magandang babaeng yun eh mabaho ako kasi galing akong school , Ewww Isha bakit hindi mo naiisip yun.

Naligo ako nagdamit ng maayos para naman kapag niyakap ko ulit si ate di na ako mabaho.

Habang hindi pa ako tinatawag tiningnan ko muna ang loob ng bag ko. Oh bakit may rosas dito may note pa at tsaka bakit sa bag ko , hindi na lang ibigay sakin ito ng personal.

Ang nakalagay sa note.

"You're so naughty"

Hindi ko alam kung maiinis ako o kikiligin pero bakit naman ganito ang nakasulat?

Nagtaka naman ako , sinong gagawa nito sa unang araw ng klase? May secret admirer agad ako?

Copyright of iKilledThatSmile's Stories

Start the day with you <3 (REVISING)Where stories live. Discover now