Chapter 2 part 1!

149 9 3
                                    

Hello ulit! Eto na yung next chapter, salamat sa mga sumusuporta! :))

VOTE, COMMENT, FAN, SUPPORT! THANKS :D

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Grabe! Ang gwapo niya! Yung transferee. Syempre lalaki siya, hindi ko man pinansin yung sinabi ni Miss na "he" at "him" syempre nga naman lalaki. Ang stupid lang. Pero anyway, ang gwapo niya! Matangkad mga 5'8 siguro, maputi, matangos ang ilong. Para hindi pilipino pero ewan baka half or puro. Itatanong ko na lang. Oo, friends na kami, chos, iffriend ko pa lang siya pero medyo imposible naging kaibigan ko yan kasi yang mga itsurang ganyan yung tipong sa popular group sasama. Syempre hindi naman ako  popular e. Tss, who cares about that transferee anyway? I do! Shocks hindi ko kayang magsinungaling sa sarili ko, ang gwapo kasi.

Habang pinagpapantasyahan ko yung transferee, narinig ko siyang nagsalita kay Miss Alcantara,"Miss, I'm sorry for being late. I got up late." tapos ngumiti sya ng pamatay. Wow, lakas din nito ah.

"Oh no, it's okay. I understand, it's really hard to wake up on the first day of school," ay wow ngumiti din si Miss, ang bait bait niya. Buti pa yung transferee naiintindihan niya. Kung kami yan nako, bagsak agad kami first day pa lang. 

Mukhang english speaking pa tong lalaking to. 

Matapos ang makatunaw titig ni Miss Alcantara dun sa transferee humarap na siya sa amin, "Okay class, this is Mr. Drake Binaohan. He grew up in States so he speaks few Filipino." sus, ume-English English tapos Binaohan yung apelyido, Pinoy na Pinoy e. "Drake, you may take a seat."

Naglakad siya papunta sa upuan at nakatingin siya sa akin, nakatingin siya sa AKIN! Shocks! Siguro gandang ganda to sa 'kin. Chos, but seriously bakit? Ay shocks! Nakatitig yata ako sa kanya kanina e. Shocks, nakakahiya! Oh well, sanay naman ako sa kahihiyan e.

Ayon dun siya umupo sa likod nung katabi ni Lindsay sa left. Medyo malayo siya, tss pero ok lang kasi sa likod naman talaga naupo yung mga lalaki e. Dun sila sama sama tapos ang iingay ang sakit sa ulo! E bakit nga ba ako dito sa may likod nakaupo? E kasi nga naligaw ako kanina at nung dumating ako halos lahat ng tao e nakaupo na sa gusto nilang upuan, sa madaling salita, tira tira lang yung upuan ko. Pano ko nakatabi si Lindsay? Nambola lang siya at nakipagpalit, malakas din ang charm nitong babaeng to e. Hindi niya lang napapansin na maganda siya and all, buti pa siya effortless. Ako "effortful" na ganito pa rin, nakakaawa naman.

Pinagawa kami ni Miss ng activity. Nakakatamad naman e. Pinakuha kami ng papel tapos kailangan naming i-ask yung classmates namin na magsulat sa papel namin for us para daw makilala namin yung isa't isa. Wow asting naman tong teacher namin, napaghahalataan e. PARA DAW MAKILALA NAMIN ANG ISA'T ISA! Tatlong taon na kaming magkakasama tapos hindi namin kilala ang isa't isa, DUH! Syempre we knew each other very well. 

E Hindi pa man nagsisimula yung activity e nakausap ko na ang lahat. Hulaan niyo kung bakit, kasi hiningan ako ng papel. Oo first day pa lang naghingian na sila agad ng papel. Ibinili nga sila iniwan naman sa bahay. Ba yan! At first day pa lang halos mangalahati na yung papel ko.

Kung anu anong sinulat nila sa papel ko. Pero yun naman yung usual, lagi kaya namin tong ginagawa pero pag last day of classes na at saka pinapasa lang hindi personal na ikaw yung magpapasulat. Ang mga nakasulat dun sa akin puro "maganda", "funny", "maingay". Sus para namang hindi ko pa alam yun. Pero syempre napilitan na lang yung mga yun na lagyan ng maganda, masisira ang mukha nila pag hindi nila nilagyan nun, haha. At yung mga sulat nila? Ganon pa rin ang papanget, pero may isang naligaw na sobrang ganda ng sulat at pink ang color ng ink ng ballpen niya. GAY. Hindi ko ko kilala yung sulat na yun. At isang word lang yung nakasulat: "interesting :)" ay may smiley palang kasama. So I am interesting, okkay. Feeling ko si Drake to e. Sino pa bang makakaisip na interesting ako e sobrang wala nga akong tinatago e, alam na ng lahat ang lahat lahat sa akin hanggang sa kung sino yung crush ko. 

Anyway, ang gay ng color ng ballpen niya ha. Bakit pink? Though ang pink ay kulay na panlalaki talaga pero kasi. Ako lang ang may karapatang magkagusto sa pink. 

Okay, so he thinks I'm ineteresting. Oo, sigurado ako na siya yun. So interesting ako, bakit? Pag maganda ka interesting ka agad ganon? Oh well.

***

Msyadong mabilis ang mga pangyayari sa umaga. Katulad nga ng inaasahan ko ang mga naganap sa ibang subjects. BOOORIIING, hay nako at halos maubos yung mga papel ko kasi halos lahat ng subjects pinasulat ng expectations. Yung iba sa 1/4, yung iba naman sa 1/2 tapos meron pang nagpasulat sa 1 whole. Kamusta naman yun. E syempre supplier ako ng papel e kaya kawawa yung papel ko. So yun lunch na! YAY! Makakakain na rin ako! 

Syempre kasabay ko si Lindsay. Kami lang talaga yung magkabarkada pero hindi ko naman hate lahat. Hindi ko lang masyadong feel ang madaming kaibigan.

 ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

yan haha. Tinatamad na ako. Late update na nga tapos maikli lang. Sorry. Wala ako sa mood e. Bukas siguro. HAHA anyway VOTE FAN COMMENT SUPPORT THAANKS! :D

Hindi Ka TotooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon