Hindi Ka Totoo

460 15 10
                                    

Hi friends! Dahil wala lang, gagawa ulit ako ng series. Pero as usual maikli lang siya kasi nga medy mahirap magpahaba ng story. Romance ulit. Haha. Sana suportahan niyo ulit to. Salamat!

VOTE, LIKE, COMMENT, FAN! :D

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Grabe may pasok na naman. Nakakatamad! Hindi pa man din ako masyadong maganda ngayon, ang itim itim ko. Wromg timing naman kasi yung outing nung family namin e. Biruin mo ba naman 1 week before school. Hindi naman ako makatanggi kasi fun din naman. 

Anyway, 4th year high school na ako at hindi ako makapaniwala na gagraduate na ako after this academic year. Grabe parang hindi pa nga nagsisink in sa akin na high school ako tapos matatapos na agad. Haay

Ay san nga ba yung classroom ko? Nakalimutan ko na yung section ko. Ang naalala ko na lang ay classmate ko yung best friend kong si Lindsay. Pero pupunta na lang ako sa building ng 4th year tapos hahanapin ko na lang ang aking napakagandang pangalan na Sandy Valdez. 

"Hoy!" Ay kabayo! Medyo nagulat ako dun. Si Lindsay pala yun, ginulat ako mula sa likod.

"Hoy, hindi ka naman masyadong nakakagulat. Mamamatay ako nyan sa sakit sa puso. Grabe tuwang tuwa kang nasasaktan ako." Sabi ko sa kanya. Joke lang naman yun.

"Ikaw naman. Ano, bakit dala dala mo pa yang gamit mo? Andun yung classroom natin, nalampasan mo na." Sabi niya sabay tumawa. Malay ko ba. Tapos hinawakan niya ako sa buhok at hihilahin pa sana. Pinalo ko yung kamay niya. Aba, ayoko nga nang hinahawakan ako sa buhok. Ang hirap hirap ayusin ng kulot nun tapos guguluhin niya lang.

"Ayaw mo na namang pahawakan yang buhok mo," reklamo ni Lindsay.

"Syempre naman. Ang hirap hirap kayang mag-manage ng kulot na hair." sagot ko, tapos ginulo pa niya lalo yung buhok ko! ARGH! NAKAKAINIS!

"WAG NGA KASI! ANG KULET!" napalakas yata yung boses ko. Medyo nagtinginan yung ibang tao sa akin. Nginitian ko na lang sila. Tapos inayos ko yung buhok ko. 

"Bakit kasi ayaw mo pang magpa-rebond?" binuksan na naman niya yung topic ng rebonding. Ayoko nga kasi at saka gustuhin ko man ayaw naman nung nanay ko.

"Ayoko nga! I'm beautiful just the way I am." Yun lang ang sinasabi ko lagi. Na maganda ako and all pero feeling ko talaga hindi naman ako ganon kaganda though hindi naman talaga ako pangit hindi lang masyadong maganda. Average lang. Hindi naman ako katulad nung ibang babae sa school namin na sobrang ganda at ang daming may crush. E di dun sila. Haha, hindi naman ako bitter, masaya nga ako na ganito ako. Ang drama kasi ng buhay nila e. Hindi rin kami mayaman kaya simple lang ako manamit. Pero hindi naman ako yung tipong nerdy at laging pinagtitripan ng mga bully. Syempre medyo nalaban ako at medyo nagssmile ako paginaasar nila ako para sila yung maasar. HAHAHA, their reaction? PRICELESS! 

Tapos inunahan ko na si Lindsay sa section namin. Kung anu-anong pinapagawa nito sa akin e.

Homeroom yung first subject namin. First day pa lang naman e. At nararamdaman kong puro orientation lang ang magaganap sa bawat klase. Kaya nga ayaw kong pumasok ng first day e, nakakatamad. Parepareho lang naman ng sinasabi, bawal matulog, bawal kumain, bawal maingay, etc. yun lang naman e. Sa madaling salita makinig daw sa guro at wag kung anu anong ginagawa. Syempre nakikinig naman ako, kawalan ko rin naman kung hindi ako makikinig e.

Dumating na yung adviser namin. Si Miss Alcantara pala. Sshocks ayoko sa kanya! Mataray yun, sobrang walang pakelam sa studyante tapos homeroom adviser? Pano naman siya maga-advise? Ay ok lang, once a week lang naman ang Homeroom e. Grabe nabobore na ako agad hindi pa man siya nagsasalita.

"Class may bago kayong batchmate and he'll be in this section kaya i-welcome niyo siya. Don't make him feel na hindi siya belong dito. Understand?" Really?! OA naman 4th year na nagtransfer pa. Bakit kaya? Anyway, sana mabait, iffriend ko na lang siya. Sana pala babae. Itinuloy na ni Miss Alcantara yung sinasabi niya, "Um wala pa siya e. Late siguro.--" ay hindi po baka ealry, wala pa e "--pero pagdating niya ipapakilala ko siya."

Ay bago bago pa lang VIP agad. At hindi galit si Miss nung sinabing niyang late. Ano naman kayang pinakain nung transferee at ganyan ang trato sa kanya ni Miss.

"Tingin mo anong nangyari kay Miss at ganyan ang kinikilos niya?" bulong sa akin ni Lindsay, nakalimutan kong katabi ko nga pala siya. Grabe at pareho pa kami ng iniisip.

"Aba ewan ko nga, baka nabarog or something," sagot ko na pabulong rin.

At yun biglang may kumatok sa pinto. Tumayo si Miss at tiningnan kung sino yung tao sa pinto. Tapos pumunta siya sa harap at sinabing, "Okay class andito na siya."

Nagulat ako sa nakita ko. Grabe!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

yay! success first chapter! :)) yan please tell me what you think of it. :)) 

COMMENT, VOTE, LIKE, SUPPORT! :D THANKS! :D

PS sorry sa typo :P

Hindi Ka TotooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon