Chapter Twenty-Two: The Contract

3.1K 52 6
                                    

Julia’s POV

“Goodmorning, Julia.” Lumingon ako at nakita si Enrique sa likod ko na sumusunod pala sa akin. “Goodmorning din.” Sagot ko.

“kumusta?” tanong niya sa akin habang sabay na kami ngayon na naglalakad papunta sa locker ko.

“Ayos lang naman.” Medyo ang awkward nung atmosphere. Ikaw ba naman kasi ang kumustahin ng crush mo? Diba?

“Kasi Julia...”

“Hmmm?” tumigil kami sa harap ng locker ko at saka ko siya hinintay na ituloy yung sasabihin niya.

“Sabay tayong mag-lunch, mamaya? Ulit?”

“Ah Kasi—“ hindi ko na naituloy yung sasabihin ko, nang may biglang umakbay sa akin mula sa likod. Hindi ko na kailangan pang lumingon para makita kung sino iyon. Dahil, obvious naman kung sino.

“Ang aga-aga Enrique ha, nag-aaya ka na naman sa best friend kong si Julia-ness.” Sabat ni Christopher kay Enrique. Hindi naman naka-sagot doon si Enrique. Siniko ko naman si Christopher pero hindi ganun kalakas.

“Bakit? Totoo naman ha?” tugon pa sa akin ni christopher.

“Nagka-ayos na pala kayong dalawa...” biglang sinabi ni Enrique.

“Bakit, nag-away ba kaming dalawa?” tanong at sagot naman ni Christopher. Inalis niya yung pagkaka-akbay niya sa akin at saka tumayo ng diretso,at ang mga kamay niya ay nasa bulsa niya.

“So inaaya mo si Julia na sumama sa’yo na mag-lunch?” sambit na naman ni Christopher matapos ang mahabang katahimikan dahil sa hindi pag-sagot ni Enrique sa huling tanong ni Christopher.

“Oo, kung okay lang sakanya.” Sagot naman ni Enrique habang nakatingin sa akin at ngumiti pa. Nginitian ko siya pabalik. Pigil na pigil naman ako sa kilig ko.

“Ah...ganu’n ba.” Tumingin sa akin si Christopher at nakita ko siyang ngumisi. Delikado ‘to.

“Kung gusto mong maka-sabay si Julia na mag-lunch, e di fine...payag ako.” Napangiti ako doon. “Pero sa isang kundisyon...” pagpapatuloy niya. Na-simangot ako doon. Christopher talaga kahit kailan.

“Ano iyon?”

“Sasama ako sa inyo, at ililibre mo rin ako ng lunch.” Pinanlakihan ko ng mata si Christopher. Pero hindi siya nagpapa-awat. So ngayon, si Christopher na ang bagong Daniel. Singit sa amin ni Enrique.

“sige, ayos lang sa akin iyon.” Naka-ngiti pa rin si Enrique. Ito ang gusto ko sakanya e. Hindi siya tulad ng ibang tao na mabilis mainis.

“Pasensya ka na kay Christopher.” Sabi ko sakanya kahit na nasa tabi ko pa rin si Christopher.

“Wala ‘yun. Basta makasama ka lang. Sige, una na ako sa classroom ko. Mamayang lunch nalang.” Ngumiti siya ulit sa akin.

“Sige.” Nag-wave nalang ako sakanya at ngumiti din saka pinanuod siyang maglakad palayo papunta sa classroom niya.

“Yes! Libre ang lunch ko mamaya! Bwahaha!” binatukan ko naman si Christopher matapos siya magsi-sigaw ng ganun.

“Walanjo ka! Para lang maka-libre ginanun mo pa yung tao.” Sabi ko sakanya habang kinukuha yung mga libro na kailangan ko.

“Para-paraan lang iyan no. Haha, libre ang lunch ko mamaya. Hohoho.”

“Hay naku.” Tawa lang ng tawa si Christopher habang may kinukuha din sa locker niya. Pagbukas ko naman ng locker ko, may nahulog na kapiraso ng papel. Pinulot ko iyon, at awa ng diyos hindi nakita ni Christopher.

My Lucky BoyWhere stories live. Discover now