Chapter One: Bad Day

5.8K 73 2
                                    

Julia’s Pov

“As expected...” iyon ang sinabi ni Manong Guard.

Sinalubong niya ako sa gate ng school ng may nakaka-insultong ngiti.

Oo, alam ko! Late na naman ako.

“Kuya naman e!” tinitigan lang niya ako ng masama. Okay fine. Hindi ako ligtas sa autograph-book ni Manong Guard.

Nung isulat ko yung Pangalan ko at ready to go na sana, saka na naman niya ako pinigilan nanaman.

“Ano na naman ba? Late na late na ako!”

“I.D. mo.” Ugh! Monday na Monday ha! Bumalik na naman ako sa Notebook niya na isa na intended lamang para sa mga incomplete uniform.

Saka kumuha ng slip na naka-lagay sa mesa niya. Yung slip na iyon ay ipapa-pirma ko sa magiting naming Prefect of Discipline.

Kung saan, isusulat niya doon kung anong klaseng community service o kung ano man ang gagawin mo...at pag natapos mo na yung ipapagawa sa’yo, ipapa-sign mo iyon sa kanya...

and ADIOS! Pwede ka na mag-attend ng first class mo, kung aabutan mo pa yun.

Pag-dating ko sa office ng Prefect of Discipline ng school, hindi ko mapigilang manlumo. Ang daming tao!

Well, tatlo ang staircase ng school...pwede naman akong tumakas. Kaso siyempre, may mga magiting na taga-bantay ang bawat staircase, at alam ko iyan.

Iche-check nila kung napirmahan yung slip mo saka ka nila papataasin, pero pag walang pirma, sorry ka, haharangan ka nila.

So ayun ako, pawisan at lagkit na lagkit dahil sa mga students na naka-pila. Pinag-pulot ng kalat yung mga girls at pinag-jumping jack naman yung mga boys.

 After 3 minutes na pagpupulot, natapos din at nakapagpa-pirma na ako.

Great, so Half an hour late ako sa first class ko. And to add, Si Sir Manega ang first subject ko...which means...Chemistry. At kung bakit kasi sa lahat ng adviser, siya pa?

Siya lang naman ang pinaka-nakakairitang adviser ever. Kung bakit...’wag niyo na akong tanungin at baka mapuno ko isang buong manila paper.

“Good morning Ms. Haleco.” Ni-roll ko nalang yung eyes ko dahil naiinis na talaga ako, pinaka-ayaw ko sa lahat yung gine-greet ako ng goodmorning na may halong sarcastic na tono.

 Baka makapatay ako ng tao, buti nalang ANIMAL tong isang ‘to kaya hindi ko pa napapatay.

“Good Morning Sir Manego.”

Ay putragis! Nakalimutan ko yung book ko sa locker, nagmamadali kasi kaya hindi na ako naka-punta. Hay. Bahala na sa seatmate ko, siguro naman may libro yun. Saka malapit na mag-time, no problemo na yan.

“Late ka na naman, Topasia a!” bulong sa akin ni Christopher, yung katabi ko.

“Tse! Tigilan mo nga ako sa ‘topasia’ na ‘yan. Hindi na uso e.”

Nauso lang kasi yan tawag nila sa akin na Topasia nung First year ako. Kasi doon sa Drama Club na sinalihan ko, ako ba naman ang ginawang BIDA, na mala-cinderella ang takbo ng story tapos WALEY na WALEY pa ang pangalan ko doon—topasia. What the?!

“Eh di fine, TOPASIA.” Tinignan ko nalang siya ng masama at saka umupo.

Okay Fine. Kahit malapit na ang time, hindi ko mapigilang mapahimbing sa klase ni sir Manego.

“Hoy Gaga, wala kang balak mag-punas ng laway?” Nagising na lang ako sa sobrang lakas na yugyog ni Christopher.

“Tse! Wala naman e!”

“Alam kong wala! Pero si Ma’am Sanchez lang naman ay hinahanap ka ng bongga.” Saka nanaman niya ako tinulak dahilan para matumba ako.

“Humanda ka sa akin pag-balik ko dito.” Sabi ko nalang sa kanya at saka inayos ang buhok ko at ang palda ko saka lumabas para kausapin si Ma’am Sanches na hinahanap daw ako. Pero siyempre, alam ko kung bakit.

“Ms. Haleco...please be reminded that the end of passing of booths for the Founder’s Day is Today. So...”

“Don’t worry Ma’am. I have everything planned very well for my Booth.” I lied. Hindi ako naka-isip ka-gabi. Wala akong proposal. Lagot!

“So nasaan na?” So paano ko sasabihin na...ano....paano na to?

“Ma’am, pwede mamaya ko nalang ibigay?”

“Bakit? Akala ko ba ready na?”

“Well Ma’am Kasi...I left it somewhere...You know...I was late and...”

“No more excuses! Next week na ang Founder’s Day. How are you supposed to arrange your Booth in that span of time kung proposal palang, wala pa.”

“But Ma’am...totoo naman po kasi, it’s ready. I just left it somewhere.”

“Okay?”

“Ma’am please?”

“Tell me about your Booth, then. Hindi ko na kailangan ng proposal...maybe sabihin mo nalang sa akin kung tungkol saan yung booth mo, kung meron nga ba...”

Huminga ako ng malalim at yumuko.

“Tawagin mo si Vinea...siguro naman mas responsable siya kaysa sa’yo. And maybe she could think of a nice idea. Sa kanya ko na ibibigay ang responsibilidad sa Booth ng section niyo.”

Oh no! Si Vinea nanaman! Ugh! If I lose this...I’ll lose the opportunity para ma-recognize ng ibang schoolmates ko.

“No ma’am please. Just give me some time.”

“No...lagi ka nalang ganito. Late sa pagpasa ng projects, proposals, late sa school...you’re always late. Now let Vinea know that I need her...now.”

 yumuko nalang ako at tinanggap ang katotohanang wala na akong pag-asa. Ayoko na.

Tinawag ko nalang si Vinea, ang karibal ko sa lahat ng bagay. Nakakainis siya. Lahat nalang inaagaw niya sa akin.

I mean, nung First year ako dito ako ang first honor, hakot ko lahat ng awards, kasama ako sa team ng School Paper, Ako ang editor-in-chief ng team na iyon, Ako ang libero ng Volleyball-girls team...

Marami akong sinalihan noon na wala na sa akin simula nung dumating ang bwisit na Vinea na iyan.

“Araaaay ko!!!” biglang nadapa sa harap ko si Christopher.

 Napa-smile lang ako. Pero hindi pa rin nabubura yung lungkot sa mukha ko.

“Ayan...” sabi niya habang pinapagpag yung uniform niya.

“Atleast napangiti kita kahit pilit.” Ngumiti siya sa akin at saka na kami umupo.

I know, he’s such a good friend. Kahit papaano nawawala ang malas ng buhay ko pag nandiyan siya...but then...

Simula palang ito ng araw ko.

Marami pang mangyayari.

My Lucky Boyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें