Chapter 5

26 0 0
                                    

Sino bang tumawag sakin bago ko nasagot call nya?

Mag-iisang linggo na mula nung pumasok ako sa school. Siguro naman pwede nako magseryoso sa pag-aaral. Kakalimutan ko na lang ang nangyari sa akin nung mga nakaraang araw. Mas okay na maging deadma para wala masyadong problema. 

Buti na lang at pinayagan ako ng admin para lumipat ng ibang class. Ginawa ko lang namang dahilan ang pagpasok ko sa National Bookstore. Instead of 8am ay ang pasok ko ay 10am. May oras pa ako gumawa ng reports or paper works bago pumasok sa school. 

Ang saya saya naman sa building na to. Ang tahimik ng lugar at wala gaanong tao sa corridor. May oras pa akong magtanung tanong sa classmates ko regarding sa mga previous reports. Kahit na apat na araw lang akong hindi pumasok ay parang andami kong namiss na lessons. May kanya kanyang grupo ang section na to. Merong nasa faculty of engineering galing, dept of science at kung ano ano pa. Hindi naman sila mahirap pakisamahan dahil lahat sila approachable. Halos karamihan din ng mga students ng section na to ay irregular. Yung iba hindi kinuha ang units na to. Meron din namang hindi pumasa sa subject na to.

"Guys! Meron tayong bagong 2 students na papasok sa class na to." anjan na pala ang prof ko. Akalain mo yun, on time sya kung pumasok. Bukod sa akin sino pa ang papasok sa class na to?

Hindi ko pinansin prof ko habang nag-eexplain ng kung anek anek sa harapan. Busy ako kakacheck ng syllabus sa subject na to.

"Ah excuse me may nakaupo ba dito?" may nagtanong sa akin. Pero di ko siya pinansin. Sinabi ko lang na wala akong katabi at pwede syang umupo sa tabi ko.

"Aaron!" may tumawag sa akin. Prof ko pala.

"Po?" sabi ko

"Si Mr. Kai Rodriguez ang magiging partner mo sa daily reports ko sa subject na to. Since kayo naman ang last 2 students sa class ko na to." explain nya sa akin.

"Okay. San po ba sya?"

"Ayun sa tabi mo." turo nyang sinabi sa akin

"ahh.. Hi!" what the fudge?!!!

"Hello" sagot nya sa akin

Bakit sya nandito?! Bakit sya lumipat ng class? Bakit siya pa ang magiging partner ko?! Kai Rodriguez pala ang name nya. Sa ginawa nga naman ng diyos oh bakit kasama ko pa si plate number KAI486. Hindi tuloy ako makafocus sa discussion ni Sir. Ang dami kong tanong sa sarili ko. Ngumiti pa sya kapag nagtatagpo ang mga tingin namin. Irap naman ang sagot ko sa kanya.

Natapos ang klase ng wala akong naintindihan. Ang masaklap pa ay magrereport na daw kami next thursday at sya ang kasama ko. Papaano ako makikipag-usap dito eh busy sya. 

"Ah excuse me! Kailan ka ba available?" tanong ko sa kanya habang nag-aayos ako nang gamit papalabas sa room.

"You're asking for a date? Sorry but I'm not available." pabalang niyang sinabi sa akin. Nakakahiya naman sa kanya. 

"Hindi ka din feeler eh noh? Gumuho man ang earth ay umasa kang magdedate tayo." pabalang ko ding sinabi sa kanya. Ang aga-aga binubwisit nya ako.

"Oh eh what do you want?!" sabi niya sa akin.

"Yung report lang po! Papaano natin paghahatian?!!" kung makasindak sya sa akin akala naman nya pinapakain niya ako. 

"I don't care. Ikaw na bahala." so ano kaya magiging tulong nito?

"Kunin ko na lang number mo para matext kita. Tsaka I'll get your email na din pala if may pdf file na isesend." For the sake of this class and report I'll get his number na lang para matext sya kapag nahanap ko na yung report. 

Something stupid like I Love You (ongoing series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon