Chapter 4

27 0 0
                                    

"A, si Jack to. Lumabas ka, andito ako sa harap ng bahay mo."

"Eh?" pagtataka kong sinabi sa kanya.

Binuksan ko ang pintuan at nakikita kong wala syang nasisilungan kundi ang alulod ng bahay ko. Basang basa siya at nanginginig ang buo nyang katawan.

"Pumasok ka nga dito. Basang basa ka!" niyakap ko sya gamit ang towalya na hawak hawak ko. Nanginginig ang buo nyang katawan.

"Ka--sii--" nangangatog sya at inuubo.

"Bat ka ba kasi pumupunta punta dito. Ang layo ng makati. Pwede mo naman akong itext diba?!" panunumbat ko sa kanya. Pinag-alala pa ako nito. Ano bang nangyari at bakit nandito sya.

"Jan ka lang, kukuha ako ng pamalit mo." nagmamadali akong umakyat sa kwarto. Meron naman akong pampatulog dito at meron akong bimpo. Buti na lang at kakabili ko lang ng bagong gamot sa medic kit ko.

"Oh magbihis ka." inabot ko sa kanya ang damit ko at pantalong pantulog. Dahil hindi ko kayang magpahiram ng brief ay boxer shorts na lang ang binigay ko sa kanya. Ang lakas ng ubo nya. Ni hindi man lang nya makuhang tumayo gamit ang paa nya. Nanginginig siya.

"Sorry..." yun lang sinabi niya sa akin.

"Akin na nga." hinubad ko ang damit nya pero nagpupumiglas sya.

"Wag, kaya ko na to.."

"anong kaya hindi mo kaya. Ni hindi mo nga matayo ang sarili mo."

"pero..."

"wag ka ng makulit" hinubad ko ang damit nya at ang suot nyang sapatos. Ah okay, ako din pala ang maghuhubad ng pantalon nya. Hindi ko kayang tignan sya. Sinabi ko na lang na balutin ang sarili nya gamit ang pinahiram kong kumot.

"kaya ko na talaga..." hawak hawak nya ang kamay ko. Nagpupumiglas syang pakawalan ang kamay ko na hawak ang bewang nya.

"Bat ka namumula?" eh? bat sya namumula. Ang awkward naman nito. Kahit pareho kaming lalaki ay sensitibo pa rin ang usapin tungkol sa mga ganitong bagay.

"HINDI AH. ANG INIT KASI KAYA NAMUMULA AKO." para syang nagdadahilan na parang bata.

"Ah ganun ba, oh sige na hubarin ko na para makapagpalit kana ng damit. Ayos lang yan, hindi ko naman titignan yan, meron naman ako." shit! ano ba tong sinasabi ko. Bakit pakiramdam ang init init kahit malamig ang panahon. Bakit pakiramdam ko namumula ang buo kong mukha.

"salamat" ang bilis nyang binalot ang ibabang parte ng katawan nya gamit ang towelya na dinadala ko.

"Akin na." kinuha ko ang damit na isusuot sa kanya.

"Anong ginagawa mo?"

"Eh dadamitan ka." ano pa nga ba. Ano ba don't make this as an awkward moment.

"Wag ka kaya ko na nga eh." nakatalakbong ang buo nyang katawan. Hindi mawala ang nginig nya. Mahigit 5 minutes na syang patumba tumba sa kinauupuan nya.

"Isa" sabi ko

"dalawa" hindi nya ako makuhang tignan

"tat.."

"oh eto na! dalian mo."

"O_O"

"Bilis A ang lamig na eh." nangangatog sya. Nadistract nung nakita ko na meron pala syang abs. Ngayon ko lang napansin na ang puti at ang kinis nya din pala.

"Ah sorry" sinuot ko ang damit sa kanya. Bigla ulit syang tumalukbong sa upuan.

"AYAW!!" bigla na lamang syang lumalikod sa akin.

Something stupid like I Love You (ongoing series)Where stories live. Discover now