Scene 8 and 9

165 1 0
                                    

Scene 8

Sa hallway, nakita ni Matt si Kali na may kausap.

Matt: Kali!

Lumingon naman si Kali at agad na ibinalin ang tingin kay Meera.

Kali: Patay. Sana hindi niya nalaman.

Bulong nito sa kaibigan. Lumapit naman ito kay Matt na nakangiting aso pa.

Kali: Ano yun kuya?

Matt: Hindi ba't may sasabihin ka sa akin?

Kali: Ugh, kuya, kasi naman eh. Ayokong may aagaw sa pinakamamahal kong kuya!

Napatawa na lang si Matt sa sinabi nito.

Matt: Wag kang mag-alala, Kali.
Sabay inilagay ang kamay nito sa ulo at medyo ginulo ang buhok nito.

Matt: Sayo naman talaga ako, kahit sabihin mo pang forever, mahal pa naman rin kita pero iba nag pagmamahal ko kay Nina. Sana mainitindihan mo iyon.

Nasasaktan at naiiyak na si Kali dahil sa katotohanang narinig niya. 

Kali: Nakakainis ka kuya!
At tumakbo paalis sa eksena.

Napalingon naman si Matt kay Meera.

Meera: Lagot ka.
Napatawa muna ito saglit tsaka sinundan na si Kali. Napakamot na lang sa ulo si Matt.

....................

Scene 9

Nakita ni Meera si Kali na nakaupo sa semento.

Meera: Ui Kali!
Tsaka umupo sa tabi nito.

Kali: 'Wag mo akong kausapin!

Natahimik na lang si Meera at nagmamasid sa paligid.

Kali: Tatalon na lang kaya ako sa tulay? O 'di kaya sa building? Wala namang mag-alala sa akin eh

Meera: K go, subukan mo kaya

Kali: Meera, bakit ba kasi hindi pwede ang magpinsan? Mahal ko si kuya eh

Meera: Ikaw? Sa tingin mo?

Kali: Hindi ka talaga nakakatulong

Mahabang katahimikan...

Meera: Alam mo kasi Kali, tanggapin mo na lang kasi na hindi kayo para sa isa't isa at hanggang magpinsan lang kayo at wala nang hihigit pa. Marami pa namang mga lalaki diyan oh. Bakit pinsan mo pa kasi?

Kali: Eh sa kung siya lang ang nakikita ko?

Meera: Ok, fine. 'Wag kang beastmode. Pero sure ako mawawala rin yan, may dadating ring someone, you know~

Kali: Tsk, kelan pa?

Napatawa na lang si Meera sa sagot ng kaibigan.

Meera: Ui~ Hindi makapaghintay~ Hahaha

Kali: TAHIMIK!!


Adolescence ScriptWhere stories live. Discover now