Scene 5, 6 and 7

204 2 0
                                    

Scene 5

Lira: Nina!
Napahinto naman si Nina, abala sa pagpupunas sa mga luha nito tsaka humarap sa kaibigan.

Nina: Lira, niloko lang pala ako ni Matt.

Niyakap naman ni Lira ang kaibigan.

Nina: Sabi niya ako lang ang mahal niya. Sabi niya, hinding-hindi niya ako lolokohin... Akala ko siya na... Paano na 'to, Lira?

Lira: Ikaw kasi eh, dahil diyan sa curiosity mo, ssshhh, wag ka nang umiyak bes, mawawala rin yan. Lagot talaga sa akin yang hayop na 'yun! Ano nga pangalan nun?

Nina: Matt..
Mahinang sagot nito pero matapos naisambit ang pangalan ay napaiyak na uli.

Lira: Huh? Ano yun?

Nina: Matt... *iyak ng malakas*

Lira: Huh? Lakasan mo nga boses mo?

Humiwalay sa yakap si Nina at sinagot ito ng pagkalakas-lakas na boses.

Nina: Si Matt!! Ano bang problema mo??!! 
At napaupo na lang sa sahig at umiyak nang walang hanggan.

Lira: Ay bes, sorry, sorry, nasasaktan ka ba sa salitang Matt---

Nina: *umiyak ng malakas*

Dimayan nito ang kaibigan at niyakap.

Lira: Wag kang mag-alala, si Matt ay isang pimples lamang, USELESS! Tahan na bes.

...................................

Scene 6

Bukas na bukas ay hinanap ni Lira si Matt.

Lira: Matt, sabihin mo nga sa akin, niloloko mo bestfriend ko o niloloko mo?

Napakunot naman ang noo ni Matt.

Matt: Parehong wala sa sinabi mo ang sagot ko. Bakit ko naman siya lolokohin?

Lira: Wag ka nang magmaang-maangan pa, mismo yung isang girlfriend mong warfreak, ang nagsabi sa amin!

Matt: Huh? Wala akong ibang girlfriend kundi si Nina lang!

Lira: Nakakinis ka rin palang kausap eh no? Hindi mo kilala yung babaeng 'yun o palimot-limot lang? GF mo, hindi mo kilala?! Wala ka palang kwenta eh!

Matt: Hindi ko talaga yan kilala!

Lira: Okay, okay *inhale*exhale* Kali Dy ang pangalan niya. Siguro naman kilala mo yan diba?

Nagulat si Matt at napahawak na lang sa kanyang batok.

Matt: Pasensya na ah, medyo ganyan lang talaga ang insan ko.

Lira: Pinsan? Hah! As if naniniwala ako diyan!

Matt: Pero yun ang totoo. Medyo naattach lang siya sa akin dahil bata pa siya, ako na ang nagbabantay sa kanya.

Lira: Hah! "Medyo" naattach lang pala ah. *natawa* Ano ba yan, yun lang pala. Sige Matt, ikaw na ang magpaliwanang kay Nina. Pasensya ka na sa mga pinagsasabi ko sayo kanina. Sadyang napakaimportante lang talaga para sa akin si Nina.

Matt: Nasan ba siya?

Lira: Nandun sa room, nagmumukmok. Ingatan mo kaibigan ko!

Matt: Hahaha oo naman.

At dun umalis na si Matt papunta kay Nina.

..........

Scene 7

Kinabukasan...

Lira: O, Nina, ang saya mo ata ngayon ah.

Nina: Yes, nagkabati na rin kami ni Matt. Salamat sayo, Lira.

Lira: Sus, besty ko naman. Dapat lang, trabaho ko yan bilang bestfriend mo!

Nina: O my ghad! My beautiful besty, I really love you, bes!! 

Adolescence ScriptWhere stories live. Discover now