Chapter 14

209 8 5
                                    

Minah's POV

"Fei!" kumalas na ako pagkakayakap kay Zaynander pero sa pagkalas ko sa yakap ay biglang pagyakap naman sa akin ni Rina.

Napangiwi naman ako nang maipit ang mga sugat ko sa braso.

"A-aw! Rina, i-iyong sugat ko. Masakit." I almost whispered.

I know ligtas na ako. But then, hindi pa rin ako maka-recover sa nangyari kanina. Hayss.

"Shit. Sorry. Sorry Fei." she apologize at tinignan ang mga sugat ko sa katawan.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagpula ng mata niya. Umiling siya at kasabay noon ay ang pagkawala ng pagkapula ng mata niya.

"Mimi, anong nangyari? Is a Rogue did this to you?" Kuya Zyon asked.

"Kuya! Bakit hindi mo siya prinotektahan?" Rina hissed at her brother na nagkataon na nasa tabi ko lang.

"N-no Rina. Hindi kasalanan ni Zaynander." pag-awat ko kay Rina.

I sighed.

"Pinatago niya ako sa mga damuhan para hindi ako makita ng mga Rogue saka siya umatake. But then, siguro may ilan-ilan na Rogue na lumilibot. May nakahanap sa akin na Rogue." I said.

"You should asked me for a help." nagsalita na si Zaynander.

"K-kasi naisip ko na kung magpapatulong ako, hindi ka makaka-focus doon sa mga kinakalaban mo. Atsaka alam kong kung gagawin ko iyon ay maaagaw ko din ang atesyon ng mga Rogue." I said at yumuko.

"So you intend to face that Rogue alone." rinig kong sabi ni Kiel.

Napatango ako.

"Luckily, napatay ko iyong isa." ani ko at napatingin sa mga kamay ko na may bahid ng natuyong dugo.

"Pero hindi ko maiwasan masugatan sa mahahaba niyang kuko. Akala ko nakaligtas na ako, pero may dumating pang isa." I whispered then looked at them.

Tahimik silang nakikinig sa akin. I sighed.

"I try my best para masaksak siya ng kahoy pero napigilan niya. So I just ran away from him nang makahanap ako ng tyempo. But then, nacorner niya ako dito. Wala na akong makapa ng ipangsasaksak ko sa kanya." I said.

"Buti nga nakita ako ni Zaynander at saka niligtas niya ako." I continued.

Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ulit ni Rina.

"You're such a brave person Fei. I'm happy that you're safe. Kuya called us earlier tungkol dito and I got panic when he said that you're with him." saad ni Rina.

"You know Minah, agad-agad siyang lumabas sa opisina ni Tito nang marinig kaaagad ang pangalan mo." Eron smiled.

I smiled back. Kumalas na sa akin si Rina at ngumiti siya sa akin. Ngumiti din ako. Napatingin naman ako sa mga sugat ko.

"Hindi naman ako magiging Rogue dahil sa mga sugat ko diba?" nahihimigan ang pagkabahala at takot sa boses ko.

"No Minah. Hindi ka magiging Rogue." Aron assured me.

I sighed in relief. Buti na lang.

"You should bring her to the infirmary to treat her wound then have a rest in the dorm." Nzikell said.

Akmang bubuhatin na ako ni Kuya Zyon nang may nauna sa kanya.

"Ako na." he said then get up.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 09, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bloody HighWhere stories live. Discover now