Scene 1 and 2

673 2 0
                                    

Isang araw, naglalakad si Nina sa hallway papuntang classroom. 

Nina: Nakakapagod namang pumasok!

Sabi nito sabay napailing na lang sa ulo. Pagpasok niya sa silid ay may nakita siyang magcouple. Agad naman siyang tumabi sa kaibigan niyang si Lira na abala sa assignment nito.

Nina: Lu, tignan mo oh, may naglalambingan na naman!
Sabi nito sabay turo sa dalawang classmate niya.

Lira: Oh, ano namang meron 'nun?

Nina: Wala lang, ano ba kasi ang feeling na may boyfriend ka? Madami na kasi akong nakikitang ganyan!

Lira: Naku, payo lang bes, wag kang gumaya sa kanila, bata ka pa!

Nina: Well, duh! As if naman noh! Tara labas muna tayo, ang init naman dito!

Lira: Teka lang, may ginagawa pa ako!

Nina: Ano ba kasi 'yan? 

Lira: Assignment! Hindi mo alam?!

Nina: Patingin?

Kinuha ni Nina ang notebook nito na nilalaman ng Math equations.

Nina: I hate math! Tara na!
 Sabi nito at hinila si Lira palabas ng silid.


........................................

Scene 2

Sa labas ng kanilang room ay agad niyang nakita si Matt, ang kanyang long time crush. Parang nagslowmo ang kanyang paligid sa tuwing nakikita siya sa mga mata ni anghelita-- ni Nina.

Lira: Hoy!

Nina: Ay kabayo ka!

Lira: Sino ba yun? Crush mo no?!

Nina: Huh? Hindi ah..
 At nang binalikan niya ito ng tingin ay bumalik rin ang kaninang nagslowmo na paligid.

Lira: Nababaliw na ata.
Bumalik na lang sa silid si Lira at iniwan si Nina na ngisi pa rin nang ngisi.

Hindi namalayan ay nakalapit na pala si Matt at may kinuha pa sa sahig tsaka ibinigay ito kay Nina. Kinuha naman niya ito at tinignan, ang panyo niya! Ngumiti lang si Matt at naglakad papalayo. Gaya ng dati ay nagslowmo ulit ang kanyang paligid. 

Lira: NINA!!!


Adolescence ScriptWhere stories live. Discover now