3. Saksi

10.6K 235 12
                                    


Arianna

Malalaki ang hakbang na binagtas ko ang daang papuntang Recto. Nakisuyo si Maddie na hatiran ko siya ng ilang damit. Makikitulog daw siya sa bahay ng kaklase para tapusin ang thesis sa school. Madilim na sa bahaging iyon pero wala akong ibang mapagpipilian, iyon ang pinakamalapit na daan mula sa boarding house papuntang eskwelahan ni Maddie, kung saan kami magkikita.

Dalawang taon ko na siyang kasama sa kwarto at sa lahat ng boarders ay sa kanya ako pinakamalapit. Parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Kaya walang pag-aatubiling pumayag ako sa pinapakisuyo niya.

Dalawang bloke pa ang kailangan kong lakarin bago makarating sa tagpuan namin. Wala na halos tao sa paligid kaya bahagya akong kinabahan.

"Hmp, subukan lang nila na gawan ako ng masama. 'Di sila uubra sa'kin... ang bilis ko kayang tumakbo." Pampalakas loob ko sa sarili.

Paliko na ako sa isang kanto ng makarinig ako ang isang malakas na putok. Nabitawan ko ang hawak kong bag sa gulat. Inilinga ko ang tingin sa paligid, ngunit wala naman akong makitang tao na malapit sa akin. Kasunod niyon, narinig ko ang nakakangilong sagitsit ng gulong ng sasakyan at isa pang putok ng baril.

Itinuon ko ang tingin ko sa pinagmulan ng ingay at nakita ko ang pa-ekis-ekis na andar ng isang malaking itim na sasakyan. Ang tinutumbok na direksiyon ay ang mismong kinatatayuan ko.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at hinintay ko na lang ang malagim kong katapusan.

Isang malakas na pagsalpok ng sasakyan ang narinig ko.

Kinapa ko ang sarili para alamin kung ilang buto ko ang nabali. Wala naman akong naramdaman na masakit. Unti unti ay iminulat ko ang mga mata at niyuko ko ang akin sarili. Kumpleto pa naman ang lahat ng parte ng aking katawan.

Buhay pa ako!

Gusto kong magtatalon sa tuwa!

Agad na hinanap ko ng tingin kung nasaan ang itim na sasakyan. Nakita kong bumangga pala iyon sa isang post ng ilaw ilang metro ang layo sa kinatatayuan ko. Lalapit na sana ako para tignan ang lagay ng mga nakasakay roon ngunit nakita kong may tatlong lalaki na papalapit na may mga hawak na baril.

Payukong tumakbo ko palayo at nagkubli sa bakanteng jeep na nakaparada sa 'di kalayuan.

"Please, bitawan na ninyo siya." Sigaw ng isang babae. "Sasama na ako sa inyo. Please huwag na ninyo siyang saktan."

Kumabog ang dibdib ko sa narinig. Magiging witness ba ako sa isang malagim na krimen? Ano ang gagawin ko? Tumakbo kaya siya at humingi ng tulong. Kapag lumabas naman ako sa pinagtataguan ay siguradong makikita ako ng mga armadong lalaki.

"Tama, na. Itigil na ninyo yan." Narinig kong sigaw uli ng babae.

Walang ingay na humakbang ako papunta sa unahang bahagi ng jeep para masilip ang mga nangyayari. Nakita kong hawak ng isang lalaki ang babaeng umiyak habang pinagtutulungan namang bugbugin ng dalawa ang isang lalaki na nakahiga na sa semento. Gusto ko ring sabayan sa pagsigaw ang babaeng umiiyak at patigilin ang dalawang lalaki sa ginagawa nilang pagtaldyak sa nakahandusay na biktima, na animo wala ng malay.

Muli akong nagkubli at paupong sumadal sa gulong ng jeep. Anong gagawin ko?

"Oh, wooh, woohoh." Kanta ni Justin Bieber.

"Sinong nandiyan?" Pagalit na tinig ng isang lalaki.

"Oh, wooh, woohohoh, oh." Patuloy na pagkanta ni Justin Bieber.

"Tulong! Tulungan ninyo kami." Sigaw ng babae.

Nanigas ako sa kinauupuan. Papaano ko papatigilin sa pagkanta ng Baby si Justin Bieber? Nasa loob ng bag na nabitawan ko ang cellphone ko. Narinig ko ang mga papalapit na hakbang. Hinawakan ko ang dibdib ko para subuking patahimikin ang malakas na pagkabog niyon.

"Parang awa po ninyo, tulungan po ninyo ako." Pabulong kong pananalangin.

"Dito sa bag na ito nanggagaling ang tunog. Pero papaanong may makakaiwan ng gamit niya rito?" Narinig kong sabi ng isang lalake.

Pakiramdam ko ay napakalapit na nila sa akin. Na anumang sandali ay makikita nila ako sa pinagtataguan ko.

"Hayaan mo na iyan. Baka naiwan ng snatcher. Umalis na tayo baka may makakita pa sa atin, patay tayo kay Mayor." Sagot naman ng isa pang lalaki.

Naramdaman ko ang papalayong nilang mga hakbang.

"Huwag, tama na!" Malakas na sigaw uli ng babae. "Mga walanghiya kayo! Tulong, kung mayroon mang tao diyan. Please tulungan ninyo ang kasama ko."

Maging ang tunog ng iyak ng babae ay parang papalayo na rin sa kanya.

May ilang saglit na hindi ako gumagalaw sa aking kinauupuan dahil sa takot na baka nasa paligid pa rin ang mga armadong lalake at hinihintay lang na lumabas ako sa pinagtataguan ko. Pero wala na akong marinig na anuman maliban sa boses ni Justin Bieber. Kanina pa iyon tunog ng tunog, siguradong si Maddie na iyon. Yumuko ako at sumilip sa ilalaim ng jeep upang alamin kung may mga tao pa sa paligid.

Wala ng mga paang nakatayo. Ang tangging naiwan ay ang lalaking binugbog. Sa halip na sagutin ang cell phone ko, patakbo akong lumapit sa nakahandusay na lalaki.

Lumuhod ako para makita ng malapitan kung gaano ka-grabe ang tinamo niyang pinsala. May malaking sugat siya sa kaliwang noo na panay ang agos ng dugo. Gamit ko ang laylayan ng suot kong palda para punasan ko ang mukha niya.

Nahigit ko ang paghininga ng mapagmasdan ko ang mukha lalakeng kalong ko.

Tama ba ang aking nakikita? Pinaglalaruan lang ba ako ng aking mga mata? Talaga bang si Lucas ang nasa kandungan ko?

ך>

Sweetest DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon