1. Hibang

50.1K 371 38
                                    


Hi... tulad ng Trap... I edited the narration ha... Ginawa ko ding first person.... Mas madaling magsulat... 

Sana okay lang sa inyo... kasi kay Arianna... aprub daw eh:)

________^--^___________





1.Hibang

Arianna

"Arianna... mahal huwag mo akong iwan."

Umiiyak ako habang tumakbo palayo. May tinig na nagsusumamo sa likuran ko na nagsasabi na huwag akong umalis. Pero kahit labag sa aking kalooban, kailangan naming maghiwalay.

Pinipigilan ko ang sarili ko na huwag lingunin ang may-ari ng tinig. Naabutan niya ako at naramdaman ko ang kamay niya sa may balikat ko.

"Arianna..."

"Lucas..." Unti-unting ipinaling ko ang aking mukha paharap sa kanya.

"Anong Lucas?" Iritableng tanong ng taong nakahawak sa balikat ko.

Pagdilat ko, mukha ni Maddie ang nakita ko. Roommate ko siya sa boarding house na tinitirhan namin.

Tinakpan ko ng unan ang mukha ko. Gusto kong pang matulog uli.

"Nananaginip ka na naman noh?" Napalitan ng mapang-inis na tono ang iritasyon sa tinig ni Maddie. "Iyan na nga ang sinasabi ko sa iyo. Walang maidudulot na maganda ang paglalagay mo ng poster ni Lucas sa kisame at sa ibabaw pa mismo ng kama mo. Ayan, gabi-gabi mo tuloy siya napapanaginipan."

Kainis! Si Maddie na lang palagi ang dahilan ng pagkaudlot ng mga panaginip ko. Siya ang number one kontrabida sa love story namin ni Lucas. Talaga namang natataon na kapag ginigising niya ako napuputol ang pagmamahalan naming ni Lucas.

"Gumising ka na diyan, hinihintay ka na ni Aling Mameng sa ibaba." Hinatak niya ang unan na nakatakip sa mukha ko.

Tinatamad na tumayo ako at kinuha ko ang tuwalyang nakasabit sa harap ng aking aparador. Bago ako lumabas ng kwarto, tiningala ko muna ang larawan ni Lucas.

"Maiwan muna kita mahal ha." Sabi ko sabay palipad ng flying kiss.

"Baliw! Pati poster kinakausap mo." Tatawa tawang sabi ni Maddie.

Inirapan ko lang siya bago ako tuluyang lumabas. Nilakasan ko din ang pagsasara ng pinto para iparamdam sa kanya na hindi ako natuwa sa biro niya. Mainit pa ang ulo ko sa ginawa niyang paggising sa akin. Hindi ba niya alam na sa dinami-dami ng panaginip ko, iyong kanina ang pinaka-espesyal. Ngayon lang nangyari na hinabol ako ni Lucas, binanggit pa ang pangalan ko at nagsumamo pa siya na huwag ko siyang iwan.

Kung medyo nahuli lang ng gising sa akin si Maddie, baka sakali na nahalikan ko muna ang mapupulang labi ni Lucas.

Haaayyy....

Napasandal ako sa pintuan ng aming kwarto habang nakangiting yakap-yakap ko ang twalyang hawak. Ano kaya ang pakiramdam ng makulong sa bisig ng lalaking pinakamamahal?

Siguradong abot hanggang langit ang kaligayahan ko.

Pero malabo iyong mangyari dahil imposibleng mag-krus ang landas naming dalawa.

Inilibot ko ang tingin sa realidad ko. Nakita ko ang mga nagmamadaling mga estudyante. Ang ilan ay papasok na sa unibersidad na pinapasukan nila samantalang ang ilan ay katulad kong may hawak pang tuwalya.

"Ariang, ano pang itinatayo mo riya. Nanaginip ka na naman ba?" Pukaw sa akin ng tinig ni Tiya Mameng.

"Ayan na po, maghihilamos lang." Malungkot kong sagot.

Di tulad ng mga kasama kong naninirahan sa boarding house, hindi ako estudyante kundi katulong ng malayo kong kamag-anak na si Tita Mameng. Tumutulong ako sa pag-aasikaso sa labing anim na estudyanteng boarders.

Kaya papaanong magiging totoo ang panaginip ko? Mangyayari bang magustuhan ng isang sikat na artista ang isang katulong na kagaya ko?

 


Sweetest DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon