CINCO.

1.2K 16 0
                                    

“Allen naman eh! Sige na! Dito nalang ako! Dun ka nalang sa kabilang kwarto!”

“ANO?! Patutulugin mo ako sa isang kulay pink na kwarto?! ANO TINGIN MO SA AKIN, BAKLA?!”

“OO - - -este HINDI! Eh sa kasi naman ayaw ko roon! Nasa sulok yung kwarto.. Nakakatakot kaya!”

“Anong kinkatakot mo naman aber?! Walang multong magkakamaling gahasain ka ano!!!”

PSH -.- kainis naman eh.. “Sige na pleeaaassseeee????” nag-puppy eyes na ako.. Sabay flash ng nakakaawang mukha . Please! Please! Please! Malinlang ka sana T_T

“Stop that face! Nakakadiri ah!” AY LETSE!

“Labas na nga! Labas! Labas!!!” Tapos tinulak tulak niya ako -.-

“OO NA! LALABAS NA! KAINIS KA!” Sabay labas ko ng kwarto niya.. Kinuha ko na rin yung maleta ko para maiayos ko na yung mga gamit ko dun sa kwarto ko..

Yeah.. You heard right.. Nandito na kami sa sarili naming bahay.. Pinalipat na kami rito ng mga pamilya namin para sa get-to-know-more-each-other idea nila.. Actually, I REALLY, REALLY, REALLY LOVE THIS IDEA!! Pero ewan ko lang sa mga sumusunod na araw.. Eh parang di ata tama toh eh!  -O-

Ang gara naman ng bahay.. Di naman kalakihan pero swak na para sa aming dalawa..

Dalawang kwarto lang ang nandito.. Tag-isa talaga kami pero crush na crush ko yung kwarto niya eh T_T Okay naman sana yung kwarto ko dahil kulay pink lahat.. From paint to floor mat to pillow. Lahat talaga pink.. Kaya lang T_T Nakakatakot.. Nasa pinakasulok yung location .. Ayaw ko pa naman talagang nasa sulok yung kwarto.. Eh kasi yung pinsan kong nakakatanda nagkwento ng nakakatakot tungkol sa mga kwartong nasa pinakasulok.. Kaya ayun.. Ayaw na ayaw ko talaga dito

T_T Naiiyak na ako habang inaayos ko mga gamit ko.. Lingon ako ng lingon kahit saan.. Praning na kung praning pero maraming nakakatakot na images ang nag-f-flash sa utak koo… T_T

WHOO! Think positive Jackie! Walang aayaw! Think positive! Walang aayaw! Think positive!

Bigla namang nag-flash sa brain ko yung nangyari last week.. (>///<)

Yeah.. It’s been a week na after nung so called couple kiss namin sa harap nung Three Stooges (>///<)

Ewan ko lang kung matutuwa ako or maiinis dahil sa naalala ko yun!!!

(FLASHBACK)

“Ano?! Magtititigan nalang tayo at paunahan kung sinong unang matutunaw sa ating dalawa?!”

Nagulat naman ako sa pagsigaw niya.

“PWEDE BA! WAG KANG SUMIGAW! NAKAKAGULAT KA AH!”

“EH BAKIT KA RIN SUMISIGAW DIYAN?!”

“EH SA SINIGAWAN MO AKO EH! GANTIHAN LANG!”

Psh.. Mamamaos talaga kami rito sa ginagawa namin -.-

Hayy..

“Salamat pala.” sabi ko sabay iwas tingin sa kanya..

“Psh! Halika na nga!” tapos hinawakan niya ako sa wrist then kinaladkad ako papasok sa kotse niya.. T_T

Magpaka-gentleman ka naman tsong! -.- LANGYA!

(END OF FLASHBACK)

Kitams?! kayo na bahala magsabi sa akin kung ano dapat yung maramdaman ko!

Tinatanong ko nga siya nung isang linggo lang rin habang nakasakay ako sa kotse niya, “Hindi ka ba talaga gentleman?” Ang tanong na yan ay parati kong tinatanong sa kanya kahit nung mga bata pa kami..

Tapos laging sagot niya.. “Sa mga babae lang ako nagiging gentleman” =_=a

LETSE NOH?! Para kasi sa kanya, di ako babae! PUTIK! Siguro dapat maghubad ako para mapatunayan ko sa kanyang babae ko.. WAAAAAAH! JOKE LANG! :D

Kahit mahal ko yung mokong na yun, sa mapapangasawa ko lang ibibigay katawan ko noh!!!

*TOK TOK TOK!!*

O _ O

Ang letse niya talaga! lagi nalang siyang nanggugulat -.- haaaayy!

*TOK TOK TOK!!*

“OO NA! BUBUKSAN NA! APURADO!” Tumayo na ako at binuksan yung pinto..

“AN- - -” PUTIK! ANG HOT NG FIANCEE KO!!!! Kahit naka-baggy shorts siya tapos yung checkered blue na V-neck shirt lang ang suot niya, ang gwapo pa rin niyang tingnan.. *O* Tapos medyo parang bagong gising yung hairstyle niya *u* oh siya! Siya na ang gwapo! =.=

“Alam kong gwapo ako.. Wag mo lang akong tutunawin..! *smirk* ” ~ACK!

“H-hoy! Di ka gwapo noh! ASANESS! Ampangit mo pa nga!” Pssh.. Joke ko lang yun Babe ha? Wag seryosohin *u*

“Psh.. pangit na kung pangit! magluto ka! gutom ako -.-”

O _ O Eh??????

Si Allen ba to? Nagpapatalo ngayon? o.O??

“Ayoko!” Tarayan mo muna yan, Jackie..

“H-hooooyy- - -”

“Kitams! Magpapaluto ka sa akin tapos di mo ako tinatrato ng maayos?” Tapos isasara ko na sana yung pinto pero pinigilan niya..

“Oh baket?!” pagtataray ko pa// Pa-cute ka muna babe ^.^

“Hayy.. Sige na sige na.. Swap na tayo ng kwarto.. Ako na dito..”  O _ O

“*.* For real?” Bigla namang kuminang yung mata ko.. Ang ganda ng offer niya nuh! Para lang maipagluto ko siya :D

Nag nod lang siya.. “Basta ba ikaw lahat gagawa ng mga gawaing bahay at ipagluluto mo ako ng almusal hanggang hapunan..” ~ACK!

“A-ANO?! Di ata yan makatarungan ah!!!! ANONG AKALA MO SA AKIN?! KATULONG MO?!”

Bigla naman niyang tinakpan yung tenga niya.. HANGKYUUUUUUUUUUUUUUUUT! *O*

“Pwede bang wag kang sumigaw?! Nakakairita ah!” Ooops! Sorry -.-

“Eh kasi naman! Unfair eh!”

“Mas di kaya makatarungan na patutulugin mo ako rito sa isang kwartong masakit sa mata! - . -”

“Hayys! Oh sige na nga! -.-” Sabagay, gutom na rin ako.. Alas singko palang kasi ng umaga eh sa pinapalayas na ako sa amin -,- Tapos di na rin ako nakapag-almusal -.-

“T-teka, T-teka! Magluluto na nga ako diba! Di mo na kailangan pang kaladkarin ako pababa..” Bigla bigla nalang niya kasi akong hinawakan sa wrist tapos dali-daling hinila pababa..

Hilig niya ring mangaladkad ng tao nuh? o.O??

“Tumahimik ka na nga lang! PSH!” Tumahimik nalang rin ako.. Eh sa nakakatakot yung boses niya eh T_T

Pero teka, di naman niya ako kinaladkad papunta sa kusina eh.. Sa sasakyan niya kami pumunta..

“Sakay.” Kung makapag-utos ah! -.-

“P-pero…”

“ANONG LULUTUIN MO KUNG WALANG LAMAN YUNG REF?!!!! SAKAY NA SABI EH!!! GUTOM NA AKO!!!!!!” O__O

Sabi ko nga, kapag gutom siya, wag galitin -.-

WAAAH! T_T I don’t think this idea will work T_T

Hindi pa nga kami nagkakasama ng kalahating araw eh puro na kami sigawan at tarayan, pano pa kaya kung 5 months diba? WAAAAH! T_T

Mahal na mahal kita Allen, pero sana tratuhin mo naman ako ng tama T_T

Unofficially Mine [FIN.] (Editing)Where stories live. Discover now