CHAPTER 3. The Bidding and The Bidder

50.4K 976 26
                                    

“You worth the penny, baby. I think you better changes your clothes. Wear T’shirt. It’s better on you."

************************************************************************************************************

Kahit nakita ko na ang mga larawan ni Alex ay di ko pa rin napigilan ang sarili ko na humanga dito. Taglay niya pa rin ang kakisigan na hinangaan ko noon. Muntik na ako matulala ng matitigan ko ang kulay bughaw niyang mga mata. Ang napakagwapo nitong mukha.

Pero hindi dapat! Hindi ako dapat magpakatangay sa taglay nyang kagwapuhan. Nasaktan niya na ako noon at hindi ako papayag na maulit pa iyon.

Nagsisimula na ang bidding at ako na ang susunod na ipapabidd. SA nakita kong reaksyon kanina ni Alex nang banggain ko siya, mukhang magtatagumpay ako ngayung gabi. Bilang isang lena magagawa ko ang mga plano ko sa kanya.

“Pumunta ka na sa stage Kate, ikaw na ang susunod” sabay tulak sa akin nang baklang coordinator nang bidding.

Pumunta na ako sa gitna nang intablado suot ang isang seetrough na damit na ang tangi kong suot sa loob ay bra at maiksing short. Naghiyawan ang mga lalaki nang tumapat sa akin ang liwanag. Hinanap nang mga mata ko ang pwesto ni Alex at nang mga kaibigan niya. Ngunit dahil sa sobrang dilim at dami ng tao ay di ko siya makita.

 

“Umpisahan na natin ang bidding. Magstart tayo sa ten thousand pesos!” sigaw nang host  ng bidding na hudyat na simula na.

 

“20 thousand!” sigaw nang lalaking matanda na payat. Naku wag sana ako sa kanya mapunta.

“25 thousand!” sigaw pa ng isa.

Tumaas ang bid hanggang umabot ng 50 thousand pesos pero di ko pa rin makita si Alex, namputsa, nasaan na ba siya, palpak ba ang plano ko?  Di ko ba siya naakit kanina? Base sa reaksyon niya kanina…Shit talaga!

 

“100 thousand pesos!” sigaw ng isang baritonong boses. Dahil sa ganda ng boses di ko napigilang tingnan kong sino iyon. Naghiyawan ang mga lalaking kasama ng lalaking iyon.

Di ko napigilang ngumiti ng makilala ang lalaking nagbid sa akin ng hundred thousand pesos. Walang iba kundi  si Alex.

 

Wow, one hundred thousands, going once..? going twice..? so the winner is number 22. This lady is now sold to number 22 with one hundred thousand pesos!” masayang anunsyo nang host.

Lumapit sa akin ang baklang organizer na tumulak sa akin kanina papuntang stage, “Grabe ka bruha, ang mahal mo. Ikaw ata ang pinakamahal ngayung gabi. Ang swerte mo pa at si fafa Alex ang bumili sayo. Galingan mo ha, Para di masayang ang ibinayad sayo ni fafa Alex.“

 

“Oo naman, gagalingan ko talaga. Sisiguruhin ko na di sayang ang ibinayad niya sa akin.” Nakangiti ako sa kanya habang sinasabi ko ito. Pero sa isip ko iba ang kahulugan ng sinabi ko. Sisiguruhin ko talagang mahuhulog sa bitag ko ang Alex na iyon. Di ako makakapayag na magagawa niya pang ngumiti pagkatapos ng mga plano ko sa kanya. Lintek lang ang walang ganti!

************************************************************************

“ Alex, Akala ko ba di ka magbibid ngayung gabi. Eh ano yun?” Nagtataka akong tiningnan ni Theo.

“Well, she’s worth the penny and I can change my mind about the bidding.” Kibit kong balikat na sagot sa tanong ni Theo. Tiningnan naman ako ni Nick na na nakaupo sa single chair habang hawak ang isang kopita ng alak. Si Mikael ay busy sa babaeng nasa kandungan nito. Takte talaga itong si Mikael, di daw babaero pero naunahan pa kami ni Theo.

 

“Sabagay, di rin kita masisisi. She’s pretty and sexy. Look innocent but deep inside, I know she's a tiger in bed.” Sabay tawa sa sinabi nito. Tiningnan ko nang masama si Theo.

“What?! It's just a joke. Don’t be serious man. I know she’s yours so don’t get mad.” Depensa ni tHeo sa akin. Bakit ganun, di ko napigilang maiinis sa sinabi ni Theo about kay Kate.

Tumingin na lang ako sa paligid para di na pahabain pa ni Theo ang usapan nang mahagip nang mga mata ko si Kate.

She’s coming here. She didn’t change her clothes from the bidding. Shit! Theo and Mikael will enjoy the view of her perfect breasts. Kaya bago pa siya makalapit sa amin ay nilapitan ko na siya.

*************************************************

Nakita kung tumayo at lumapit sa akin si Alex kaya di na ako naglakad palapit at hinintay ko na lang siya na makalapit sa akin.

 

“Hi. I never thought that you will  bid for me?” Nang aakit kong tanung sa kanya nang nasa harap ko na siya.

 

“You worth the penny, baby. But, I think you better changes your clothes. Try to wear a T’shirt, it’s better on you.”

 

“Ha?!, but.. I am a lena, I can’t wear a T-shirt here.” Nagtataka ako sa lalaking ito. Tiningnan ko ang suot ko. Sexy naman ah. Bakit pagsusuotin niya ako ng t-shirt.

 

“It’s for your own good, baby. C'mon. I will wait on you here, and then, we will go outside the club.” utos niya sa akin.

Sinunod ko na lang ang kagustuhan ni Alex na magpalit nang damit upang walang gulo. Di rin naman ako mapalagay sa suot ko. Kinailangan ko lang suotin iyon dahil sa utos ng baklang organizer kanina.

Paglabas ko nang dressing room ng club ay nakita ko si Alex na naghihintay sa labas ng pinto. Lumingon sya sa akin ng marinig nito ang pagbukas.

“Ready?” Tanong niya sa akin sabay hagod ng tingin sa kabuoan ko. Tshirt at yung maiksing short na suot ko kanina ang suot ko ngayon.

“Yes, ikaw, ready ka na ba?” Nakangiti kong tanong sa kanya.

“Of couse.” Nakangiti niyang sagot sa akin.

Dapat lang na maging ready ka Alex. Dahil ang gabing ito na ang simula ng paghihiganti ko. 

...Where stories live. Discover now