Chapter 1: The Homecoming

74.3K 1.1K 4
                                    

Alas dos ng hapon bumaba ang sinasakyang eroplano ni Kate. Sinong mag-aakala na pagkalipas ng limang taon ay babalik siya sa bansang kinalimutan na niya dahil sa masasakit na ala-ala na gusto na niyang kalimutan. Ngunit ang pag nanais na makaganti sa lalaking dati niyang minahal ang nagtulak sa kanya upang bumalik ng pilipinas. Hindi siya titigil sa mga plano niya hangga't hindi sya nakakaganti.

Kate is a very beautiful woman. Napakintab at napakaitim ng mahaba at tuwid niyang buhok. She has chinky eyes, heart shape face and full red lips. Napakatangos rin ng kanyang ilong na minana niya pa sa kanyang ina dahil may lahi itong espanyol. She looks like an angel in a red dress.

Isang babae maypagkakulot sa dulo ng buhok ang lumapit sa kanya.

"Maddy, nakuha mo na ba ang mga dapat kong malaman sa lalaking yun?" tanong ni Kate sa babaeng lumapit sa kanya.

"Oo, pero sigurado ka ba sa plano mo. mahirap paiibigin ang lalaking yun. Wala pang nakakagawa nun sa dami ng babaeng nakakarelasyon niya."

"Ako nang bahala dun. basta gawin mo na lang ang mga pinapagawa ko sayo."

Tumango lamang si Maddy sa kanya bilang sagot pero puno ng pag-aalala ang mga mata nito.

Isinantabi ni Kate ang munting kaba na nararamdaman sa gagawin nya.

"Maganda kong ganoon. Mas mabilis kong magagawa ang mga plano ko."

*************************************************************

"Pare mukhang nakadale ka na naman ng chicks ha." Sabi ni Nick. isa sa mga matalik niyang kaibigan na miyembro ng club kong saan pawang mga milyonaryo at bilyonaryo lang ang maaring makasali. Nasa club sila nang gabing iyon upang magsaya. Ang club ay mas nakilala nang maipublished sa isang magazine ang naturang club at ang mga sikat na miyembro nito.

" Ganoon talaga. malakas ang sex appeal ko pagdating sa mga babae. Tsaka di ko sila pinapaasa. simula pa lang ng relasyon ay sinasabi ko na walang commitment na mangyayari sa aming dalawa." Mayabang na sagot ni Alex.

Totoo naman ang mga sinabi ko kay Nick. Bago magsimula kung anumang relasyon na maitatawag ang pakikipagrelasyon niya, simula pa lang ay sinasabi na niya sa mga babae na walang commitment na mamgyayari. All they can do are to have fun and of course wild sex.

" Pabayaan mo na Nick si Alex. It's his life, mind your own." Sabad ni Theo sa usapan namin ni Nick sabay inom sa hawak nitong isang baso ng alak.

Theo is the CEO and president of his own company. He is a the current Vice Mayor of Cavite at nagmamay-ari ng pinakamalaking Secret Agency sa bansa.

Tiningnan ko ang paligid. Nandito na pala ang mga matatalik kong kaibigan. Highschool pa lang magkakakilala na kami. Dahil sa isang gulo noon kaya kami naging matatalik na magkaibigan.

Si Nick ang pinakaseryoso at laging stick to one kapag nagkakarelasyon. Nagmahal na kasi at nasaktan kaya laging seryoso sa mga bagay-bagay.

Si Theo, Mikael at ako ang tinaguriang the ultimate playboy in town nang isang magasin dahil sa paiba-ibang babae na nakakasama at nakakarelasyon namin. Pero kung Mikael ang tatanungin, di daw siya playboy. Ayaw niyang tinatawag siyang playboy dahil pinagseselos lang naman niya ang isang babae na hanggang ngayun eh wala namang pakiaalam sa kanya.

Theo is also a serious person pero in terms of women , lumalabas ang pagkapilyo niya. Pero alam namin na may isang babae na nagmamay-ari ng puso niya.

At ako, di naman ako takot sa commitment. Di ko pa lang naman natatagpuan ang tamang babae para sa akin. Pero kapag nahanap ko na siya, gagawin ko lahat upang mapasa-akin sya. She will be mine at walang ibang maaaring makaagaw sa kanya.

...Where stories live. Discover now