Chapter 9: Project

316 13 0
                                    

3rd Person's POV

Papunta ngayon si Samantha sa tambayan ng Phoenix.Nang nasa tapat na sya ng room ng Phoenix ay pinagtitinginan sya ng mga ibang students.

Nagtataka siguro sila kung bakit sya papasok sa room ng Phoenix samantalang private lang yan at may patakaran kasi na bawal pumasok ang kahit sino kapag wala syang kasamang isa sa member ng Phoenix pero sya?Ang bago-bago pa lang nakakapasok na?

Hinayaan na lang nya ang mga matang nakatingin sa kanya at pumasok na....

Pagpasok nya napatingin ang mga members ng Phoenix.Kaya naman naconcious kung ano ang itsura nya ngayon.Medyo nahihiya naman syang naglalakad papalapit sa kanila.

Sino ba naman ang hindi mahihiya kung halos ng gwapong nilalang ay nakatingin sayo.Hahaha!Tignan ko lang kung hindi ka maging kabute dyan.

Lumapit naman na si Lance para gabayan ito papunta sa mga kaibigan nya.

"Xander isabay mo na lang itong pinsan---I mean itong si Samantha papunta sa inyo"sabi ni Lance.Medyo nabuking pa.

Nagtaka naman yung iba nyang kaibigan kung bakit pinsan ang tinawag nya pero binawi nya rin agad.

"Pinsan?" Yan ang mga nasa isip ng Phoenix.

Kaya naman si Xander ay naghihinala na rin.

"Sige"bored na sagot ni Xander.

Tumayo na si Xander at nauna ng maglakad palabas ng kanilang Private room.

"Sige mauna na ko."paalam ni Samantha.

Sumunod naman na si Samantha kay Xander.

"Lance sabihin mo nga yung totoo.Ano mo ba talaga si Samantha?"tanong ni Nash.

"Psshh.Girlfriend ko,bakit ba?"inis na sagot ni Lance.

"Tss nasabi mo na nga kanina ayaw mo paring magsabi ng totoo"inis na sagot rin ni Nash.

"OO NA!PINSAN KO SYA!"sigaw ni Lance.

Nabuhayan naman ng loob si Dwayne dahil sa narinig nya.

"Bakit hindi mo sinabi samin na pinsan mo lang pala sya?"nagtatampong tanong ni Dwayne.

"Eh para ano?Pormahan sya?Tss"inis na sagot ni Lance.

"Ano naman ngayon?Wala kang magagawa kung magkagusto kami sa kanya"sagot naman ni Nash.

Nagtaka naman si Dwayne.

"Kami?" Iyan na lang ang nasabi ni Dwayne sa kanyang isip.

"Tss kayo pa?Eh baka lokohin nyo lang ang pinsan ko kaya binabakuran ko na habang maaga pa lang"sagot naman ni Lance.

"Kilala pa naman kita Nash mabilis kang magsawa.Tss"inis na dagdag ni Lance.

"Anong sabi mo?!"sigaw ni Nash.

"Porket ba playboy hindi na pwedeng magtino.Hindi lahat ng playboy na katulad namin ay wala ng karapatang magmahal ng totoo.Oo,aaminin ko may gusto na ko sa PINSAN MO!"sigaw ni Nash.

"Tss bahala kayo"inis na sagot ni Lance.Sabay walkout.

Kinalma naman ng ibang member ng Phoenix si Nash dahil sa naging alitan ng dalawa.

Dumako naman tayo sa kabilang dako...

Habang si Samantha naman ay lakad-takbo na dahil sa bilis maglakad ni Xander.

"Ang haba kasi ng hita eh" bulong ni Samantha.

"Wait lang!"sigaw ni Samantha.

Pero hindi sya pinansin ni Xander.

I'm Inlove With A Badboy (Completed)Where stories live. Discover now