Chapter 4: Meet my Girlfriend

424 13 0
                                    

Samantha's POV

"Ok class.Dismiss"sabi ng teacher namin.

Nagsitayuan naman na kami agad.Lumapit naman agad ang aking pinsan.

"Sammy ano next subject mo?"tanong nya.

"English.Ikaw?"balik tanong ko naman.

"Ayos parehas tayo"masigla nyang sagot.Pssh may balak siguro to.

"Sige bro,Samanth!Mauna na kami"paalam ni Jack.

"Sige bro!Kita na lang tayo sa tambayan natin"sabi naman ni Lance.

"Geh!Mauna na kami Samantha"paalam naman ni Dale.

"Bye"paalam ko rin sa kanila.

Humarap naman ako kay Lance.

"Hoy!Bakit mo ko pinakilala kanina na girlfriend mo?"tanong sa magaling kong pinsan.

"Pssh!May balak ako wag ka!"sabi nya sabay ngiti ng nakakaloko.Kahit kelan talaga walang matinong maisip.Hmmm?Pero pwede na rin.Sabihin ko rin kay Scarlett kasi hindi nya kilala si Lance eh.Hahaha I like that plan Lance!

"Papakilala kita sa mga kaibigan ko"sabi nya sakin.

"Hahaha!Sige gusto ko yan"sabi ko naman.

Sabay na lang kaming natawa.Hahaha!Laughtrip to.

Pumasok na kami sa next subject namin.Take note:Naka-akbay pa itong pinsan ko.Kadiri lang!Kahit kelan hindi ko papatulan to eh.

Oh?Panibagong eksena na naman.Mas malala pa to.Dahil naka-akbay pa itong pinsan ko.

Goodluck na lang sakin.Mukhang sikat pa naman itong pinsan ko.Gwapo kasi eh hindi talaga mawawala ang salitang gwapo at maganda sa pamilya namin eh.

"Ready yourself baby!"bulong nya sakin sabay tawa.May saltik talaga to.Yaak!May pababy-baby pa to.Pwede bang masuka.Aaacckk!

Umupo na kami sa upuan.Wala pa naman yung mga kaibigan nya eh kaya tinanggal nya muna yung akbay nya sakin.

Bigla na naman silang tumahimik.Baka ayan na sila.Oh yan na nga siguro kasi may paparating na tatlong gwapong nilalang.Oh my gosh!Ang gwapo nila.Eh?Sila Draven at Dwayne pala,pero may kasama silang isa.Infairness,ang gwapo din.Pero parang snobber sya.

Kaya naman umakbay na naman itong magalig kong pinsan.Psshh

"Oh bro,Samantha!Hi"bati ni Draven kay Lance.Napatingin naman sya sa kamay ni Lance na nakaakbay sa akin.Shocks!Pano na to?Huhu hindi ko naman alam na isa pala sya sa kaibigan nitong pinsan ko eh.

"Magkakilala kayo?"bulong naman ni Lance sakin.

"Uhm?Oo naging kaklase ko sya kanina"bulong ko rin sakanya.

"Ah bro!Si Samantha nga pala girlfriend ko"sabi ni Lance.

Para namang nashocks si Draven hindi nya siguro akalain.Aytss!Sayang crush ko pa naman sya.Yung isa namang si Dwayne parang lumungkut.Huh?Anyare?

"Ah may girlfriend ka na pala bro.Bakit hindi mo sinasabi samin?At si Samantha pa" sabi naman ni Dwayne.May binulong pa sya eh,hindi ko lang narinig.

I'm Inlove With A Badboy (Completed)Where stories live. Discover now