Chapter 47 <3

10.9K 224 17
                                    

Nathalie's POV

Haaisst! Ano bang nangyari!!? 

Pero bakit ganun na lang yung naramdaman ko nung hinawakan nya ako? Sa kanya ko lang naramdaman yung ganun electricity na dumaloy sa buong katawan ko!? 

Arrrgh! ENOUGH NATHALIE! WAKE UP! 

"Nathalie?" napatingin ako sa likod ko and nakita ko si Angelica. 

"Ohh Angelica. Anong ginagawa mo dito?" nandito nga pala ako sa library. Wala lang, feeling ko lang mag tago eh. 

"Uhhm, hindi na ako pumasok. Late na rin naman kasi ako eh" sabi nya sakin tapos umupo sya sa harapan ko. 

Katahimikan. Nakakabinging katahimikan. 

"Anong tingin mo kila Haynee and kila Thunder?" gusto kong itanong kung may pag asa pa bang mapag hiwalay sila. 

"kung babalakin mo silang pag hiwalayin, mahihirapan ka lang Nathalie. Ikaw lang ang lalabas na masama sa kanila." sabi nya sakin ng hindi nakatingin. 

Tama sya. Hindi ko na alam ang gagaw--------wait!? 

May isa pa, alam kong gagana to. Para na rin to sa kanila, wala na rin naman kasi ako ibang option kung hindi ang gawin TO. 

"Tama ka. Alam ko na ang gagawin ko" 

Angelica's POV

"Tama ka. Alam ko na ang gagawin ko" sabi ni Nathalie sabay tumayo at nag lakad palabas. 

Naaawa ako sa kanya at the same time nag tataka. Anong kaya yung gagawin nya? 

Haynee's POV

Sa wakas! Lunch break na rin! Pero bakit hindi pumasok si Nathalie? 

"Gelly? Diba nauna namang pumasok satin si Nathalie?" tanong ko kay Gelly habang hinihintay ko sya mag ayos ng mga gamit nya. 

"Oo naman." sabi nya pero hindi naman sya nakatingin sakin. 

The Come Back Of The Awaken Demon(Phoenix Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon