Chapter 6 (Korea)-"Dylan Gregory" (Edited)

30.7K 658 20
                                    

Nathalie POV

Naglalakad na ako palabas ng airport nang----

BOOOOGGSH

"Ay buset" kainis naman, nagkalat sa sahig mga gamit ko!

Buti na lang at naisipan pa nitong nakabungguan kong tulungan ako kahit papano. Hahaha, first day ko dito pero mukhang malas naman ata.

"Sorry miss sorry. Nagmamadali lang ako" sabi nya tapos inabot na nya sakin yung huling gamit na nalaglag sakin. 

Ay shet. Kapoging nilalang naman ito. Nananaginip pa ata ako sa eroplano ah?

"Uhm miss? Okay ka lang? Alam kong pogi ako, baka matunaw nyan ako" Ay! Palpak. Pogi nga, matatangay ka naman sa kahanginan nya. Buset, ang yabang.

"Kahangin dito no?" sabi ko naman sa kanya. Please note my sarcasm.

"Eh miss, hindi naman po mahangin dito eh. Malamig pa nga po eh, naka aircon dito oh" Buset! Nakasunod ba sakin si kamalasan? 

"Ewan ko sayo!" sigaw ko sa kanya tapos dinuro duro ko sya....

"Tone down pwede? Baka may makakita pa sakin na paparratzi" what? Ano to model or actor? Hindi naman kasi ako mahilig sa mga movies..

"Che! Ewan ko sayo! Makaalis na nga. Letseng buhay to" aalis na lang ako kesa naman makipagtalo pa sa kanya.


Nakit ko naman yung sinasabi ni mommy na driver ko. Seriously? Pati ba naman dito umiiral ang kayamanan namin. Sana naman sinimplehan na lang nila. Tsk

*Bahay/Manshion/Castle*


Pagkapasok ko naman binati na agad ako ng maraming maids? Hindi ko mabilang kung ilan sila eh? ohh, may butler pa. Mayaman nga ako? I can buy anything, but I can't buy the trust of people around me.


"Good Evening Young Lady" sabay sabay na sabi nung mga maids

"Come with me young lady. I'll show you your room" sabi nung lalaki siguro mas matanda kay daddy

Habang naglalakad naman kami. Maze yata itong pinasukan ko na bahay.

"Ikaw po ba yung butler namin?" tanong ko dun sa matanda. Hindi ko naman kasi alam kung ano itatawag ko sa kanya.

"Yes ma'am" sabi na nga ba eh...

"Eh nasaan po yung assistant namin?" oo nga no. Dapat sya yung unang nandito eh. Langya ako pa yung pinaghintay. Well hmm..okay lang naman atlis makakapag pahinga ako kahit saglit.

"Kumakain na po sya sa baba" siguro natagalan sa kahihintay sakin kaya nagutom. 

"Okay" sabi ko. Ang tagal naman nung kwarto na yun. Malayo pa ba yun ?

"Nandito na po tayo" sabi nung butler sabay bukas ng pinto. Wow!

"Ako lang magisa dito?" jusko! Limang katao na ata pwedeng tumira dito sa kwarto ko eh. 

"Young lady ? kakain po ba kayo?" ohh..I forgot nandito pa pala yung matanda..

"Yeah yeah,baba na ako...mag aayos lang ako ng gamit ko" sabi ko sabay talikod

The Come Back Of The Awaken Demon(Phoenix Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon