G2BATP [9] : Will Joaquin Make It or Not?

2K 49 15
                                    

As I PROMISED guys. Here's the answer for the previous chapter. Grabe TWO CHAPTERS for this Day! Haha hope you like it guys.

A/N : Guys LEAVE some COMMENTS please if you still want me to continue this or not or possible Delete it? Thanks!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

EPISODE 9

CHICHAYs POV

"Mukhang excited ka ng umuwi ah, Chichay? Sasabay kaba sa amin bukas?" tanong sa akin ni Kuya AG.

"Ano ka ba syempre susunduin sya ng fiance nya. Di ba chichay?" sabat naman ni kuya Gino isa din sa kasamahan namin dito.

"Ah oo eh. Susunduin daw ako ni Joaquin bukas ng umaga kaya di siguro ako sasabay." sagot ko sa kanilang dalawa.

"Una na kami ah." paalam nila sa akin at umalis na. 

Nag-aayos na nga pala ako ng gamit ko kasi bukas uuwi na kami. Susunduin din daw ako ni Joaquin sabi nya sa akin nung nagkausap kami. Masaya ako kasi akala ko nakalimutan na nya yung pag-uwe ko. Grabe andami ko din palang gamit na dadalhin. Itinabi ko na din yung mga natirang pintura. Baka pwede pa namin itong gamitin sa susunod na project namin.

"Oh excited ka na umuwi bukas?"

Napaligon ako sa nagsalita at nakita ko si Nathan. Lumapit sya sa akin at inabutan ako ng maiinom.

"Oh ikaw pala! Salamat dito ah. Ah oo uuwi na kasi kami bukas kaya inaayos ko na para siguradong wala akong makalimutan. Ikaw ba?" sagot ko sa kanya habang patuloy yung pagliligpit ko. Patapos na din naman kasi ako eh.

"Um.. may tatapusin lang ako din baka umuwi na din muna ako sa amin. I don't have any exact plan pa." sabi nya habang tinutulungan niya ako at tinatabi nya yung ibang dyaryo.

"Ah ano ka ba madumihan ka pa dito. Kaya ko na ito." sabi ko sakanya kasi ba naman nakaputi pa sya.

"No it's fine. Im the one who insisted it naman. So, susunduin ka ba bukas? Kung want mo sabay na kayo sa akin mga hapon ako luluwas."

"Naku hindi na umaga ata ako susunduin ni Joaquin bukas. Salamat nalang, Nathan." sabi ko sakanya at tapos na ako sa pagliligpit.

"Ah so susunduin ka pala. O..okay! May gagawin ka pa ba ngayong hapon?" tanong niya sa akin.

"Hmm.. wala naman baka magpahinga nalang ako." sagot ko sa kanya at nagsimula ng maglakad.

"Ah.. pwede mo ba akong samahan mamayang hapon libot lang tapos bibili na din ng pwedeng pasalubong. Ano sama ka wala lang din kasi akong gaanong nakakausap dito?"  pahabol nyang tanong sa akin. Napahinto ako saglit at nag-isip naku baka bigla na naman tumawag si Joaquin, ay dadalhin ko nalang din yung phone ko.

Got To Believe -- AFTER THE PROPOSAL (KATHNIEL)Where stories live. Discover now