G2BATP [7] : DOUBTS

1.8K 44 7
                                    

ENJOY! Bakit sa tingin mo nambibitin tong story na to? Eh kasi diba ganun din sa TV ! Delokolang pero eto na guys!

HART YOU ALL!

~~~~~~~~~~~~~~~~~

EPISODE [7]

CHICHAY’s POV



Halos isang buwan na rin ang nakakalipas simula nung tinanggap ko tong project na ito. 

Isang buwan na din akong loner dito. Haha! Pero malapit ko nang matapos itong ginagawa ko. Sabi nila kuya AG maghinay-hinay daw ako dahil hindi naman kami minamadali nung invisible boss namin.

Eh sa gusto ko ng matapos to! Ang tagal-tagal ko na kaya dito!

At sa tagal na namin dito palagi nalang yung representative boss yung nakakausap namin isama mo na yung asungot slash makulit nyang anak.

"Haist! Ang inet!" kakainis ang init. Ano bang problema nitong araw na to! 

Kinuha ko yung bottled water ko. "Haist! Paubos na din pala." sabay hagis ko sa wala ng laman na bote.

Tinignan ko kung nagtext na si Joaquin pero unluckily yung Good Morning padin yung latest text nya. Bakit naman di nagtetext yun? Madalang na syang nagtetext sa akin. Masyado naman ata syang busy! Napailing nalang ako. Baka madami talagang ginagawa.

"No one texted you?"

Nagulat ako sa nagsalita! Si Nathan na naman pala. Parang kasing kulit din to ni Pedro eh. Hindi ko nalang sya pinansin. Kausapin nya sarili nya!

"Your such a snob you know! And that's cool. Maraming babae jan, di pa ako nagsasalita kinikilig na. Pero ikaw, grabe!" Ano namang kakilig kilig sakanya? Kapag mayayaman talaga masyadong ma-aircon!

"Ah eh sir-- I mean Nathan, di naman po kasi ako pumunta dito para sa ganun. As you see, Im here for this project." sagot ko sakanya habang tinutuloy yung ginagawa ko.

"You know, alam ko yan. Gusto ko lang naman maging magkaibigan tayo. Kaya tara samahan mo ako. Magla-lunch tayo! Im not accepting a NO for an answer!" *winks* sabi nya sabay kuha ng paint brush na hawak ko. Nagulat ako kasi hinatak nalang nya ako bigla.

Hala! 

Patay ako nito! Working hour tapos ganito ako. Kakainis naman kasi mamaya saang resto pa to pumunta. Geesh!

AND NAIWAN KO YUNG PHONE KO!

"Ah eh sir may tinatapos pa ako tsaka yung phone ko--" naputol yung sinasabi kaasar naman. Yung phone ko naiwanan ko kainis!

Got To Believe -- AFTER THE PROPOSAL (KATHNIEL)Where stories live. Discover now