MNH Chaptie 17

13.8K 176 58
                                    

Mathew's POV

Ang sakit ng batok ko ... May humampas sakin kanina ... Teka, nasaan ba ako ?? *tingin sa paligid* Kwarto ??? Teka !! Ba-bakit nakahubad ako ??? 

"Mathew, gising ka na pala .." napatingin ako sa babaeng nakatayo sa may pinto, bathroom ata yun kasi naka-towel pa siya eh habang tumutulo yung mga tubig galing sa buhok niya ..

Shit ang HOT niya, teka, Si Mae to aa .. Yung secretary ko ... "Anong ginawa mo sakin ??" tanong ko sa kanya ... Pero tumabi lang siya sa akin at may binulong ...

"Sex .." pagkatapos niyang ibulong yan, bigla ko siyang tinulak ...

"Uuwi na ako .." sabi ko sa kanya ... At kinuha ang mga damit kong nagkalat sa sahig ...

"You can't  ... Naka-lock ang pinto, at tayo lang ang nandito .." sabi niya pa ..

"Nasaan ang susi ??" tanong ko sa kanya ...

"Nasa labas ng kwarto .." mapang-asar na tono ang pagkakasabi niya nun ...

Kreanne's POV

Umaga na pero hindi pa rin nauwi si Mathew dito ... Mapapatay ko yun kapag bumalik .. Hinintay namin siya ni Annethe kagabi para sa cookies at sa BS namin tapos hindi umuwi ??? Tadyakan ko kaya siya? MAGDUSA SIYA KAPAG UMUWI NA SIYA ... Walang bs na gaganapin !!

"Mommy, where's Daddy ???" bungad na tanong sakin ni Annethe pagkalabas na pagkalabas ng kwarto niya ..

"Not home yet baby ..." sabi ko sa kanya ... At nakita ko ang pagbusangot ng mukha ng baby ko .. Malungkot siya .. At nakita ko mula dito sa sala na hindi umiiyak siya ... 

"Kre, nakauwi na ba si Mathew ??" tanong naman ni Lex na kakalabas lang sa Guest room ... Hindi siya bumaba, lumapit lang siya kay Annethe at niyakap ...

Bumaba silang dalawa na magkasama .. Holding hands .. At itong baby ko ... Namumula .. HAHA !! "Baby Annethe .. Do you want me to punch your Daddy ??" tanong ni Lex habang inupo si Baby sa tabi ko ...

"No .. Just wait, my Daddy will go home ..." sabi niya ... At yumakap sakin .. Si Lex naman napangiti ..

"Good girl ..." sabi niya at ginulo ang buhok ni Annethe ... *sigh*  "Don't worry Kre, uuwi rin yun .." sabi niya at hinagod-hagod ang likod ko ...

"Yes .." tanging nasabi ko at lalong humigpit ang yakap kay Annethe ...

"Mommy .. I ca-can't  br-breathe ,," at ayun, niluwagan ko ang pagyakap sa kanya ,,,

"Sorry, baby .." sabi ko sa kanya ...

"GROUP HUG !!" sigaw ni Lex at niyakap kaming dalawa ni Annethe kaya niyakap din namin siya ...

My Nice Housewife [COMPLETED] [On Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon