Ang Kwento Nating Dalawa

247 4 0
                                    


Sabi nga sa kasabihan, sa haba haba man ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy.

Tama nga naman pala talaga ng kasabihan na to sa love story nating dalawa. Sa tinagal tagal nating magkaibigan, magkakulitan at magka-asaran, dadating din pala tayo sa point magkakaroon ng aminan ng totoong nararamdaman.


Una tayong nagkita at nag -usap sa dorm ng Kuya ko, dinalaw ko siya kasi namimiss ko na siya. Pero parang di naman talaga pag uusap yun kasi nga sabi ko sayo "hi kuya!" tapos tinignan mo lang ako na parang wala kang narinig kaya napasabi ako ng malakas na "ang sungit mo naman".

Hindi ko alam pero noon time nay un imbis na mainis ako, kinilig ata ako kasi ang sungit type mo. Inadd kita sa Fb noon pero ang pagkasungit mo anng pina-iral mo kaya di mo ako inaccept agad. Gwapo mo naman pala talaga. Artist aka kuya? Ilang months bago mag accept ng Friend Request.

Fast forward, isang taon makalipas. Nagkachat tayo, doon nag umpisa na makausap na tayo sa chat. Naalala ko pa nga, tinanong mo bakit di ako umattend sa isang event kung saan nandoon ang Tito at Kuya ko. Nasa province kasi ako noon at nagbabakasyon. Isa pang fast forward, naging close tayo sa chat kasi di naman ako madalas dumadalaw kay kuya kaya rin kita nakikita. Hanggang sa nagka-boyfriend ako noon at noong naghiwalay kami isa ka sa mga naging sandalan ko at taga advice na move na ate, "you deserve better". Of course, for you, I am just your little sister kasi ka-edad ko ang kapatid ko. We're like family na nga sabi mo pa sakin kaya nalungkot ako noon nabalitaan kong umalis ka ng bansa na walang paalam sa akin basta nakita ko na lang na nagcheck-in ka sa European country. So to cut the long story short, nag-ask ako ng pasalubong at sabi mo bibigay once maka-uwi ka. So bale, 3 years ako naghintay. Sa 3 taon nay un, kahit malayo tayo sa isa't isa naging ka-asaran at karamay pa din natin ang isa't isa. Hanggang sa hindi natin pareho namamalayan na unti-unti na palang umuusbong ang isang pagtingin.

Bago ka umuwi, sinabi mo na sakin na "I like you" at dahil madalas tayong nagbibiruan, ang 3 taon na puro biro mo tungkol sa pagkakagusto mo sakin ay tinake ko na joke lang. Hanggang sa umuwi ka ng taong iyon, nagkita tayo. Sa unang pagkakataon makalipas ang 3 taon, nag usap tayo ng harapan at seryoso at iyon na nga ang pag-amin mo na mahal mo na ako. Sa di ko inaasahan pagkakataon, napa-amin din akong mahal na din kita at naging tayo na nga.

Pero alam natin parehong di naman magtatagal ang relasyon natin na iyon. Alam kong di ako ang babaeng para sa'yo o dapat kong sabihin na walang nararapat na babae para sa tulad mo dahil ikaw ay higit pa sa sobra. Di ka mahirap mahalin, mabuti kang lalaki, inside and out. Lahat na siguro na dream character ng isang babae nasa iyo na at napaka-swerte ng babaeng mamahalin mo. Kaya swerte ako at minahal mo ako at minamahal mo pa din ako kahit na di na tayo. Tulad nga ng sabi mo noon, hindi mawawala ang pagmamahal mo sa akin dahil ako ang huli mong tunay na pag-ibig.

Isang araw, nakatanggap ako ng invitation mula sa iyo. Ang araw na kinakatakot ko dumating na rin. Isang bittersweet na sandal para sa iyo at sa akin. Kinausap mo ako bago ang araw na mahalaga para sa iyo, sabi mo "gusto ko nandun ka". At sabi ko sayo "ayoko. Masasaktan lang ako". Oo, dahil kahit di na tayo, mahal na mahal pa din kita at noong nakita kitang muli ang puso ko'y muling tumibok para sa iyo.

Pero alam kong bawal, mali at di na tama ito. Mas pinili mo siya, mas minamahal mo siya, mas karapatdapat siya para sa iyo kaya kahit sobrang sakit, tinanggap ko na mayroong isang tao na mamahalin mo higit pa kanino man sa mundong ito.

Pagdating ko noon sa simbahan kung saan mangyayari ang araw na pinakahihintay mo, nakita kita. Napaka-ganda ng iyong ngiti, makikita sa iyong mata na masaya ka at mahal namahal mo siya. Hindi ko kinukumpara ang sarili ko sa kanya dahil alam kong simula umpisa ikaw ay nakatakda na para sa kanya. Doon ko na-realize na tama pala ang decision kong magparaya. Ang lalaking mahal na maha ko, masaya na sa piling niya. Bago ako pumasok sa loob ng simbahan, tinawag mo ako. Lumapit ka sa akin at niyakap mo ako sabay bangit na "Salamat dumating ka". Napaluha ako, pinunasan mo ang pisnge ko na may luha at sabi na "tahan na, mahal pa din kita". Napangiti ako at sabay sabi na "Alam ko yun pero congrats pala". Bago ka pa man makapag salita, tinawag ka na nila dahil mag-uumpisa na.

Naglakad ako paloob ng simbahan, umupo sa kanang bahagi na di kalayuan sa harapan at halos nasa gitna, sakto lang para makita kitang maglalakad sa gitna. Narinig ko ang tunog ng musika na hudyat na umpisa na. Sa huling pagkakataon, nagtagpo an gating mata habang ikaw ay nasa bungad ng simbahan at ako'y nasa gitna, sa huling pagkakataon bago mag simula nasabi ko sayong "Mahal na mahal kita" at isang ngiti ang iyong binigay sa akin bago ka tuluyang maglakad paloob ng simbahan patungo sa unahan kung saan naghihitay ang iyong pinakamamahal, suot ang iyong puting sutana.

Sa haba haba man ng prusisyon, totoong sa simbahan pa rin ang iyong tuloy.

SimbahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon